Chapter 7

53 2 1
                                    


That afternoon, he reached out his hand and I held it. We walked together hanggang makarating ako sa sakayan. We were silent but we smiled at each other before parting ways.

I'd be a liar if I would say that I'm not scared. Because I always am. Ang pagkakaiba lang, kahit na anong mangyari, ay handa na akong tanggapin iyon ngayon. Because I don't want to be a coward anymore.

"So...did you write what I said?" Bungad niya no'ng makita ko siya kinaumagahan. It's 12 in the afternoon at katatapos lang ng klase ko, and guess what? Nakita ko lang naman siyang nakatayo sa labas ng gate na tila inaabangan ako, pero hindi ako sure kung ako nga 'yong inaabangan niya.

"Wala ka bang klase o ibang magawa sa buhay?" I curiously asked when he walked to my direction at natawa naman siya.

"Syempre, meron. Pero hindi ko na iniisip pa 'yon." He smirked like he's telling me that he's not like me.

I rolled my eyes. "FEU Tech?"

He looked at me and chuckled like I hit it right.

"Engineering?" I asked again. Well, I just want it to be fair. Alam niya ang course ko at dapat alam ko rin ang kanya. Actually, meron pa akong isang bagay na gustong malaman...but I feel like it's too awkward to ask.

"Wow, interesado ka na yata sa akin ah?"

What? Wow! Napakafeeling.

"Not at all," I hissed bago ko siya nilampasan.

"Taray naman," he commented loudly, like he really wanted me to hear that. "So yeah? Nasulat mo ba?"

"Nasulat? Ang alin?" Nagtataka kong tanong.

Tila nadidismaya naman niya akong tinitigan. "So, you didn't read my texts? Kaya pala walang reply..."

"Huh? Nagtext ka?"

Dali-dali ko namang inilabas at kinalkal ang mumurahin kong cellphone. Tama nga, may messages nga pala talaga siya.

Agad ko namang inilayo ang phone ko no'ng sumilip siya. Tsismoso.

"And you didn't even save my number? Wow." Namamangha niyang dagdag na tila ako lang ang nakagawa nun sa kanya.

Habulin ka na n'yan? Tss. Isa pa, paano ko naman isesave? Ni hindi ko nga alam pangalan niya.

"Write down 10 things that I want to do?" I asked him when I read his message.

He smiled. "Yeah, I want you to write down the things that you want to do."

I raised a brow. Seriously?

"Lahat? As in lahat ng gusto ko? Seryoso ka?"

Agad siyang tumango at tinitigan ako ng ilang segundo. "Yes, lahat."

Uh? Okay.

"Alright. I'll just give it to you tomorrow."

"How about now? Are you busy?"

Nagulat ako dahil sa tanong niya. Sa katunayan ay pauwi na ako dahil cancelled ang afternoon classes namin and now that he asked...I suddenly feel nervous.

"Uh, hindi naman." Umiwas ako ng tingin dahil sa mga titig niya. "Sige, isusulat ko na ngayon."

Tumango siya. Tumalikod naman ako para kumuha ng papel at ballpen sa bag ko pero bago ko pa iyon magawa ay nagulat ako dahil sa biglaan niyang paghawak sa kamay ko.

"Not here." Mabilis niya 'yong sinabi saka ako hinila.

Pumasok kami sa isang building at agad nanlaki ang mata ko dahil sa napagtanto. Dito rin niya ako dinala noon at mukhang nabasa rin niya agad ang iniisip ko kaya nilingon niya ako at nginitian.

Chase or FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon