"I want to drink more!" I demanded after watching the sunset.Hindi ko gustong uminom dahil masarap ang lasa ng alak, I still want to drink because I like the way it makes me feel. Pakiramdam ko ay lumulutang ako, pakiramdam ko ay malaya ako. Pero pwede rin namang lasing lang ako.
"Hindi ka pa uuwi? Mag gagabi na, hindi ka ba hahanapin sa inyo?" He asked at agad naman akong napatigil.
Hahanapin? Sa bahay?
I suddenly remembered my mother at parang may kumirot sa puso no'ng maisip ang nag-aalala niyang mukha. Miss ko na siya at gusto ko siyang makita at yakapin ngayon. Gusto ko ring umuwi.
Ngunit napatigil akong muli no'ng maalala ang nangyari ngayong araw. I did poorly on our exams at dahil doon ay hindi mataas ang mga nakuha kong marka. I am disappointed with myself and I know that they'll be disappointed with me, too.
And I don't want to see them sad. It scares me. Failing scares me so much. Lalo na't ako lang ang pag-asa nila.
Umiling ako kahit na nangingilid na ang luha ko. "Hindi ako hahanapin sa bahay."
I looked the other way and tried to stop myself from crying by pouring the remaining drink on my cup.
I heard him sigh. "Okay ka lang ba?"
Sa halip na sumagot ay ngumiti nalang ako at ininom ang alak na nasa cup na hawak ko.
"I just want to get drunk. I don't want to go home."
I'm scared. And I don't want mom to see me like this. I don't want her to see my failing face.
"May problema ka ba? Kaya ka ba naglalasing?" He asked again.
Umiling ako. "I don't."
A liar, I know. I am a big fat liar.
"It just feels heavy," I added and took a sip again.
"Do you want to talk about it?"
Umiling ako at pinilit ang sariling tumayo. "Can't we just drink? I want more! Can you buy me more?"
"What? But you seemed drunk already, baka hindi mo kayanin, mukhang hindi ka pa naman sanay."
I pouted because of what I heard.
Hindi sanay? Edi sanayin? Tsaka minsan lang naman. It's not like I could drink everyday. Ngayon nga lang ako naging pasaway.
Yeah, ngayon lang. Simula bata pa ako laging bilin ni nanay na huwag iinom ng alak, huwag magbabarkada, huwag sasama sa mga bisyo, huwag matigas ang ulo, at huwag maging pariwara. I did everything. Kahit na kuryosong-kuryoso na ako sa mga bagay na ginagawa ng mga kaklase ko ay never kong sinubukan ang mga bagay na 'yon. Pag-aaral lang ang lagi kong inaatupag, I didn't have a social life, malayo sa ibang tao ang loob ko, dahil pag-aaral lang dapat lagi ang isipin.
Masuwerte ako dahil napag-aaral ako sa isang magandang paaralan kaya huwag kong sasayangin. Gawin ko ang lahat ng makakaya ko dahil ako lang ang pag-asa nila. I should finish college with flying colors and enter a good medical school.
Lahat ng 'yan ay kailangan kong gawin dahil 'yan ang paraan para maibangon ko ang pamilya namin at baguhin ang tingin ng mga ibang tao sa amin.
I want to do it. I want to help my parents. I want people to stop belittling us.
Pero bakit habang tumatagal ay napapagod ako? Bakit tila nawawalan na ako ng interes sa daang nais kong tahakin?
And it feels heavy, everything feels heavy.
"If someone see us, baka pagbintangan pa akong pinaiiyak kita." the guy beside me suddenly commented at doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Chase or Free
Teen FictionUniversity Belt Encounter Series #6 ON-HOLD "Chase her dreams or live life freely?" That's her dilemma. Growing up in a simple and not known family, Atasha Mari felt pressured to create a change, she wanted to give her family a comfortable and pro...