Chapter 9

9 0 0
                                    

Chapter 9

Buzzzzz! Buzzzz! Buzzzz!

Lintek naman oh! Parang kakapikit ko lang eh!

Buzzzzz! Buzzzz! Buzzzz!!

Oo na po! Heto na, heto na! Doorbell yun at di alarm clock. Haaaay. Tokwa!

Napabangon na ko sa magulo kong kama. Grabe, antooook pa ko. =____= Binuksan ko ang pinto at nakita ko yung manager ko na nakangiti pa at hawak hawak ang isang maliit na paper bag.

'Uy! Planner ko!' Kinuha ko agad yung paper bag sa kanya at tiningnan ang laman nito.

'Edison, kakagising mo lang ba?' Tiningnan ako ni Manager Kim, teka, di sya Koreana ha. Kimberly lang talaga ang pangalan niya, pure Pinay ito kaso maputi ito at medyo singkit kaya laging napagkakamalan. Nakabihis siya ngayon at suot nito ang paborito nyang yellow dress. Kala mo magsisimba eh. =_=

'Hindi.. kakatulog ko lang.' Nilapag ko ang paperbag sa center table ng maliit kong sala. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng gatas sa ref.

'Bakit?' Pumasok na sya ng tuluyan sa unit ko at umupo sa isang arm chair.

Grabe! Natanong pa nito. Argh. Bahala na nga.

'Di ako nakatulog ng maayos e.'

'Ahhh. Nga pala, may kumakalat sa social networking sites ngayon na tungkol sayo.' Tumayo sya sa kinauupuan niya at pumunta sa breakfast counter na katapat lang ng living area, parang eto yung nagsisilbing divider sa pagitang ng kitchen at living.

Napa-buntong hininga na lang ako. Argh. Pasaway. Di naman ako ganon ka-sikat ah! =_= 'About what?'

'About you and a girl in a Convenience Store at grabe, you were sharing the same cup noodles! '

'And what's wrong with that?' Napakunot ang noo ko. Teka, may Chinese Belief ba na bawal ishare ang noodles?

'Nothing! It's just... so CUUTTTE!!!' Kinikilig ito na parang pinopossess. Ang weird talaga ng mga babae.

'Cute ka dyan..' at biglang nag-flashback sakin ang mukha ng unan na yun. Nagulat ako nun nung tinanggal niya ang suot niyang hood. Cute ito, kaso nga lang maputla ang kulay nito at halatang haggard dahil sa maumbok nitong eyebags pero cute pa rin siya. Lalo na yung labi niya na parang ang juicy.. Bigla na lang ako napalunok. (.______.)

'Eh ba't ka natahimik?' Nakangising tanong ni Kim. Oo, Kim talaga ang tawag ko sa kanya. Nilalagyan lang ng formality 'pag sa public areas kami. Di rin magkalayo ang edad namin, mas matanda nga lang ito ng 3 years. 'Ikaw ha, may tinatago ka na sakin!' Angkulit!

Di muna ako sumagot. Baka magka-issue pa e. Cute lang yung babaeng unan na yun, hanggang dun lang!

'Ed, wala ka bang balak na pumasok?' Napalingon ako sa kanya. Hmm. Hapon pa klase ko a.. 'Wednesday ngayon.' Dagdag pa niya.

'ANOOOO?' Bumilog ang mata ko. Ayts! Eto talaga ang masaklap pag kalat ang sched. Laging nakakalimutan, may exam pa naman kami ngayon!

***

Pagkatapos ng klase, bumalik agad ako sa Condo ko. Nagbabakasakali ako na baka pumunta yung taong unan na yun dito, baka singilin ako sa inutang ko kagabi, wala pa naman kaming contact.

At di nga ko nagkakamali nung nakita ko ang babae na nakatayo sa gitna ng lobby ng building at sinisipat lahat ng kanto ng lobby. Mga tatlong minuto ata siya nakatayo dun bago napagpasyahan na lumapit sa reception desk.

How about us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon