Chapter 11

9 0 0
  • Dedicated kay Mary Jane Guerrero
                                    

A/N: Hi guys, sa mga bilang kong readers, pasensya na sa super late update. Hahaha. :))

Chater 11

< Cheng's POV >

'Bes, pasensya na talaga ha.' Sambit ko sabay yuko.

Kanina pa ata ako nag-sosorry at naiinis na ko. Di ko kasi gawain to e. Haaay. Pero para sayo irog, gagawin ko. Ayeee!! Hahaha :DD

'Sino ba ang lalaking yun, ha? Alam mo ba na pangit tingnan 'pag ang babae ang pumupunta sa bahay ng lalaki? Di ka na nahiya.' Pangangaral niya sakin. Ü

Haaay. Irog, alam kong selos ka pero wala ka bang tiwala sakin?

Pero natutuwa pa rin ako kasi pinapakita niyang concerned siya sakin. :))

Magkasama kami ngayon ni Alen sa isang park sa loob ng University, pinapalibutan ito ng mala-Intramuros na pader at may lagoon sa gitna ng park. Nakaupo kami sa gilid ng lagoon.

Malinis na ito, 'di katulad nung dati na hanggang sixth floor ng katabing gusali ng park naaamoy yung maalinsangang amoy ng bulok na lagoon.

'Sorry po..', eto na lang ang nasambit ko at yumuko ulit. Pero walang kasalanan si Edison. Ako ang pumunta at naningil... at nakigamit pa ng banyo. =_=" Dapat kasi di na ko uminom ng kape e.

'Sino ba yung lalaki na yun?'

Napaangat ako ng tingin at bahagyang natuwa. Hmmm. Bakit mo kaya tinatanong? Hahaha.

'Nakilala ko lang siya kagabi-'

'Kita mo na! Nakuuu... pag nalaman yan ni tita..'

Yung mama ko ang tinutukoy niya. Di pa niya ito na-meet kasi sa ibang bansa na naninirahan yung mama ko kaya via FB at Skype na lang niya nakilala ito.

'Buti na lang kamo, di ka napahamak. 'Kaw kasi e, ang bilis mo magtiwala sa ibang tao kaya ka nga pinapabantayan ni tita sakin e.'

'Isusumbong mo ba ko, Bes?' Pinalaki ko ang maliliit kong mata. Hahaha. As if naman na lalaki 'to :D

'Hindi.'

Ayan na naman. May kapalit to e. -_-

'Pero may kapalit.' Dagdag pa niya at ngumiti ng malaki.

Haaay... sinasabi ko na nga ba. >_<

***

< Alen's POV >

Nagseselos ako.

Alam ko na 'di dapat kasi bestfriend ko siya.

May parte sakin na gusto ko siya higit pa sa pagkakaibigan. Pero natatakot ako na masaktan ko siya at masira ang pagkakaibigan namin.

Masyadong inosente si Cheng. Tumatanda kasi ito ng paurong. Napansin ko ito habang kasama ko siya. Ang bilis niyang magtiwala sa ibang tao lalo na pag naging mabait ito sa kanya. Napansin ko rin na parang bata ito kumilos. Masayahin at di na natuto mahiya. Yan ang nagustuhan ko sa kanya. :)

Hindi rin siya mahilig sa cosmetics, kasi ang dugyot niya lagi tingnan! KADIRI nga minsan e. >~<

Ako lang naman yata ang may gusto na magmukhang mabango ito kaya minsan ako pa ang nagsasabi na magsuklay siya ng buhok kahit alam ko na maya-maya ay magugulo na naman.

Pero dabest siyang Bestfriend! XD

'Pag kasama ko kasi siya, di ko na kailangan mag-ingay 'di katulad pag kasama ko yung mga katropa ko. Pero mas masaya pag nanlilibre siya. Hahaha. Busog kasi ako lagi. XD

How about us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon