Chapter 12

12 0 4
                                    

Chapter 12

< Cheng's POV >

Ow----keyyyy...

Nakatingin ako sa screen ng netbook na sakop ata ang buong mukha ni Zayn Malik ng 1D at ni Jane na ginawa pang background.

'Edited lang yan!' Tumawa pa si Alen nung sumilip siya para tingnan ang dahilan kung bakit nagulat ako.

'It is not!' Sigaw pa ni Jane sabay pasok sa Skype account niya para mag-OL Chat sa sinasabi niyang boyfriend niya.

Hmmm. Siguro ang OA ko lang mag-react. Pwede nga naman kasi i-Photoshop yung pictures nila. At isa pa, sikat si Zayn at nandito kami ngayon sa Pinas, malayo kung saang lupalop sikat ang sinasabing artista na yun.=_="

Well.. hindi naman sa sinasabi ko na nababaliw na si Jane, pero minsan ko na rin kasi nagawa ang mag-edit ng pictures. Sa pagka-alala ko, si Mario Maurer pa yung lalaking yun. XDD haha.

'Alen, tigilan mo na nga si Jane.' Saway ko kay Alen at sinenyasan ko pa na tumahimik na lang.

'Yan ang mga problema sa inyong mga babae e. Ang hilig-hilig niyo magpantasya sa mga taong sikat. 'Kala niyo naman, mapapansin kayo nila.'

Ayan na naman po siya. =____="

'Pero di ko to in-edit!' Pagtatanggol pa ni Jane sa sarili niya. 'Nanligaw siya sakin at sinagot ko siya!'

Namumula na ang mga pisngi niya. She is literally pissed by what Alen had said. Pero sa tingin ko hindi na kailangan pa manligaw ang isang celebrity. Fanatic pa naman ni Jane sa 1D. -_-

Pinandidilatan ko si Alen at ngumiti na lang ito at inabot ang kape nito. KJ talaga.

'Jane, okay lang yan. Hayaan mo na si Alen.'

***

Ang mga babae talaga.

Tssss.

Ba't kasi ang hilig hilig nila magpantasya sa mga taong di nila maabot?

Katulad ni Jane na umabot pa sa point na mag-edit ng picture. Haha! Nakakatawa siya.

Tumingin ako kay Cheng na kino-comfort pa si Jane.

Ganito rin si Cheng. Sa pagkakaalam ko korean naman ang hinahabol niya. EXO ata.

Tapos ang matindi pa, nagka-crush siya dati sa isang Anime Character.

Napailing na lang ako.

'Mga kabaliwan niyo talaga.' Yun na lang ang sabi ko at bumalik sa pagkatulala ko.

'Pero Cheng, di ako nagsisinungaling! Boyfriend ko talaga si Zayn!' Niyuyugyog pa niya si Cheng na natatawa na rin sa mga nangyayari.

'Hey, si Zayn iyan 'di ba?'

Napatingin kami sa nagsalita at agad na napasimangot ako. Nakita ko pa si Cheng na biglang tumayo at nag-aalalang tumingin pa sakin.

'E-Edison, bakit andito ka?'

Loss for words? Ganyan na ba ang epekto kay Cheng ng lalaking yan?

'Ano ba ang normal na ginagawa sa Starbucks?' Napangiti ng nakakaloko yung kumag. Bahagya pang namula si Cheng sa ginawa niya. :/

Sinundan ba niya kami?

'Magkakape ka rin?' Napangiti si Cheng.

Ang cute niya para talaga siyang bata. ^^-

'WiFi po..' Ngumiti rin yung taong may makapal na eyeliner and even pinched Cheng's cheek. =_=

Oy! Teka, harassment yan!! >:(

'Oh-Em-Ji, 'wag mong sabihin siya ang boyfriend mo, Cheng?' Nakangiting sabi ni Jane at hinawakan pa sa balikat si Cheng at niyugyog pa ito. 'Ba't wala kang sinasabi sakin?!'

'Di ko siya boyfriend! Arg,nahihilo na ko.'

'T-teka, nasasaktan na siya..' Hinawakan pa ni Edison yung braso ni Jane at hinapit sa tabi niya si Cheng.

Umakyat ang dugo ko sa ulo ko at tumayo na ko. Hinawakan ko ang kamay ni Cheng sabay sabi, 'Uwi na tayo.'

'Mamaya na, Al.' Sabi pa ni Jane. Kinuha at pinakita pa niya sa amin ang netbook niya na may mukha ni Zayn Malik sa isang window.

'Jane, who is that man you are showing me?' Lahat na 'ata kami napatingin sa nagugulumihang mukha ng singer.

So, totoo nga. Napahiya ako dun a. Hehe..

Pero grabe to ha, bakit may kasamang sikat sa kwento?? Anduga talaga, edi sana rockstar ako dito! :|

'Woah! You are Zayn's girlfriend? Congratulations!' Kinamayan pa ng lalaking may black eye si Jane at kumaway kaway pa sa tapat ng webcam.

'Wuuuu! Totoo nga!!' Bumitaw si Cheng sakin at lumapit kay Jane. Napabungisngis si Cheng at niyakap pa siya. 'Congrats!'

Napatingin na lang ako sa kamay ko na binitiwan niya.

Why do I have to feel so empty all of a sudden?

Cheng, naramdaman mo ba?

Pero andyan siya at tuwang tuwa sa balita na may artistang boyfriend ang kaibigan niya, katabi ang gusgusing modelo na nakikisaya rin.

Siguro... wala.

Napabaling na lang amg tingin ko sa maamong mukha ng artista sa screen ng netbook. Magulo ang buhok nito at parang kagigising niya.

'Jane, why do you have pretty men with you?'

How about us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon