Chapter 5

11 0 0
                                    

Chapter 5

Napatingin ako sa oras na nasa isang pader ng office. Tanaw ko siya sa cubicle ko na malapit lang sa bintana. Haaay. Masakit na ang likod ko sa mahigit 4 na oras na kakayuko sa tapat ng computer. Quarter to nine na, malapit na mag-uwian.

Part-time ako sa isang magazine company. Di ko hilig pero ayos na rin. Ako yung taga-layout ng pictures at mga kung anu-ano pa sa isang section ng mag. Di connected sa course ko pero atleast may bayad. Pasulpot-sulpot lang ako, freelance kumbaga. Mas mabuti na to kaysa Pyramiding. Haha.

'O, Cheng, ba't nakatunganga ka dyan?' Si Mr. Oh yun, Korean pero magaling magtagalog. Pumunta siya sa cubicle ko at tiningnan yung screen.

'Tapos na ko, sir. I've prepared three lay-outs, just choose whatever you prefer to use.' Sagot ko habang ino-open ang folder kung saan nakalagay yung mga gawa ko.

'I like the style of this one, but I think you should apply the font style of option two to option one.' Haaay. Ang arte talaga. Di pa nga nya nakita ang option three e. =_=

'I think you should look at option three too, sir.' Magalang ko na sabi para walang problema. Ayoko na kasi umulit ng gawa at may naghihintay pa na plate sakin sa boarding house.

'Uwaaaahh.. This is it! This is it!' Nawala ang mata ni sir! Hahaha. Naging dalawang guhit na ito sa kakatawa niya. 'Good job, Cheng!' At dahil nga lang na part time ako at office ito, di na ko umaasa na may bonus ang sahod ko. Haaay. Talagang papuri lang maaani ko sa panahong nakakagawa ako ng tama.

Actually, nag-ooffer na rin si sir ng regular work sakin, tinatanggihan ko lang kasi mas priority ko ang studies ko. Tatlong beses niya kong kinulit at tatlong beses na rin ako tumanggi. Buti nga lang kasi di pa ko natatanggal sa pwesto ko. May source of income pa ko Ü

Nag-alarm na ang cellphone ko, maraming napatingin sa cubicle ko nung nag-ingay ito at matagal pa bago ko to napatay.

'I should go, Sir. I have other things to do." Paalam ko sa kanya habang nag-aayos ako ng gamit.

'Oh sure sure. Ingat ka sa daan, Cheng.' Paalam ni sir na parang tinataboy na ko. Hahaha. May tinawag syang ka-officemate ko kaso tutal bihira naman ako magpakita dito e, di ko kilala sa pangalan.

'Pakilipat ng gawa ni Cheng sa computer ni Maggie para magawan na ng sample print." Utos ni Mr. Oh sa kanya.

Lumabas na ko nung office habang tumatango na lang sa mga naggu-goodbye sakin. Iniisip ko ang sasahurin ko. Pambili din yun ng bagong pantalon pero may pinag-iipunan din ako kaya next time na yun. At matagal pa yung sahod ko. Haaaay...

Pagkalabas ko ng building ay agad ako pumara ng bus. Hahahaha. Pasensya na, mahal ang taxi eh, pero airconed naman! OHA! OHA! XD

Dun ako naupo sa may bintana malapit. Pinatay ang aircon at sinuot ang hood ng jacket ko at natulog. Eto lang naman kasi ang pahinga ko. Waaah. Buti na lang walang pasok bukas. :DD

< Someone else's point of view >

Kakatapos lang mag-pictorial. Gabi na at pagod na ko. Nangangalay na rin yung panga ko sa kakangiti sa camera. Hindi naman ako artista pero nagmomodel ako. Hmmm. Baka sa isip niyo nude e. No way! Model ako ng damit, perfume at sapatos. Kinakarate ko ang sinumang mag-offer sakin ng brief at trunks. =_= Kahit perfect built ako, wholesome naman ako kahit papaano.

So eto na nga, pauwi na ko. Pumara ako ng taxi kasi di biro naman ang sinasahod ko, malaki iyon. Malaki ang talent fee ko at di basta basta. Mayaman ako sa sarili kong paraan.. Huwahahaha! :D

Papasok na ko nung nag-ring yung phone ko. Sinagot ko muna iyon, si Manager yung tumatawag, baka importante lang.

'Bakit po?' Tanong ko agad.

'Ed, nasakin yung wallet mo. Naisama ata nung nag-aassist sa pictorial kanina yung gamit mo sa bag ko.'

Haaay. Ang malas. Akala ko makakatulog ako ngayon. Sinara ko ang pinto ng taxi at lumayo dito. Mukhang nainis yung driver at pinasibad agad yung taxi.

'Nasaan ka ba?' Nainis ako bigla. 50pesos na lang kasi laman ng bulsa ko. Partida, puro barya pa yun. Kailangan ko makuha yung wallet ko. Binuklat ko na rin yung bag na hawak ko kung ano pa ang di naipasok dun.

'Bukas ko na to maibibigay sayo. Nakaalis na ko ng office at papunta na ko ng Ospital.'

Napa-mura ako nung nakita ko na nawawala ang planner ko.

'Manager, nasayo ba planner ko? Nawawala e.' Papanic na ko. Andun lahat ng sched ko at sa pagkakaalam ko, andun rin nakalagay ang ID ko. Di ako makakapasok ng school bukas!

'Ahh. Oo, nasakin nga. Pasensya na pero I have to go. Ibibigay ko na lang sayo bukas ang planner at wallet mo.' Click.

Grabe, =_= Di man lang ako nakapagreklamo. The best sana si Manager pag nagbibigay ng projects kaso mukhang ayaw na ata niya kong pag-aralin.

Binulsa ko ang phone ko at luminga-linga. Malapit na mag-10 at mabigat na rin ang talukap ng mata ko.

Sumakay na ko agad sa bus na tumigil sa harap ko. Sakto, malapit na rin to sa condo ko. Tumingin ako kung saan may available na upuan. Meron isa kaso sakop naman ng isang tao ang buong two-seater. Nakahood ito at mukhang tulog. Bahala na nga.

Tinulak ko yung tao sa bintana, pero pagkaupo ko naman ay napahilig sya pabalik sa balikat ko.

Haaay. Ang malas.

---

Uy! Boring no? Suggest naman kayo! Hahaha. XD 

Please comment :))

How about us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon