Chapter 4

15 0 0
                                    

Chapter 4

Hinawakan ko ang mic at kumanta.

'Ngunit di bale na 

Kahit mahal mo siya.. 

Mahal naman kita..'

Yan yung lyrics ng kanta basta si Jaymie Rivera kumanta. Haha. Na kinakanta ko pala ngayon dto sa KHub. Kasama ko ngayon yung mga classmates-slash-kaibigan ko rin. Sina Maelyn, Rebecca, Dione, at Kia. Nagsiuwian na yung iba kaya all girls lang yung natira. Nagpalakpakan sila kahit alam ko naman na nakakarindi pakinggan ang boses ko. Haha. Score na at lumaki ang mata ko nung lumabas ay..

92 You're Ready to be the Best Singer!

Okay. Natuwa naman ako kahit papano. XD Dito lang kasi ako nakakakuha ng mataas ng grade pero sa subjects ko, impossible na ata. XD haha.

Yung next song naman ay Korean. SuJu ata at alam na alam nina Rebecca, Dione at Kia yung lyrics habang kami ni Maelyn ay nakanga-nga sa screen.

Pinipilit ko sundan ang lyrics ang kaso nga lang, nagkandabuhul-buhol na yung dila ko at sumakit lang ang ulo ko sa kakasimangot.

'Uy, labas muna ko!' Sigaw ko kay Mae at lumabas sa kwarto. Tinext ko si Mae na gagala muna ako, tutal 30 minutes pa yung natitirang oras sa Karaoke.

Pababa na ko ng hagdan nung may tumawag sakin.

'Cheng!'

Malamang lumingon ako kaso di natuloy kasi nadulas ako ng ilang baitang.

'POWTEK. Ansakit!' Napatingin ako sa pantalon ko na napunit pa sa isang gilid. Naiyak ako dahil dun.

'Uy, Cheng! Anyare sayo??!' Si Alen yun. OMG. Nakita niya ang katangahan ko!!

'Nadulas ako.' Obvious naman eh. Haaay. Napaupo ako sa isang gilid at hinimas yung gilid ng tuhod ko. May sugat yun pero konti lang.

'Ano, okay ka lang ba?' Umupo sya sa harap ko at tinitingnan yung sugat ko. 'Teka, umiiyak ka ba? Masakit ba?' Di maipinta ang itsura niya, concerned nga sya :3 kaso di e, malungkot pa rin ako. :<

'Wala na kong pantalon Bes!' Humagulhol ako. Nakakainis, favorite ko to kasi branded sya compare mo naman sa dalawang pantalon ko na galing pa ng Divi.

'Ay, kala ko naman kung ano na. Ano balak mo?' Nakanguso sya sa sugat ko.

'Ipagdadasal ko sya na gumaling na sya.' Napangiti sya dun pero sumimangot nung tumayo ako.

'O san ka pupunta?' Kainis naman to, di ako inaalalayan. =_=

'Kukunin ko yung bag ko sa loob.'

'Ako na! San ba yun?' Nauna sya sakin sa taas tapos tinuro ko yung unang cubicle.

'Andyan, hanapin mo na lang.' Okay, kinikilig ako. Hahaha. XD

Pumasok sya sa cubicle na tinuro ko, nakita ko pa na biglang napatayo sina Mae at Dione. Nagulat, kasi di man lang nagpaalam ang mokong. =_=

'Oh, eto na!' Binigay niya sakin yung bag niya, kinuha ko yung alcohol at ointment sa isang maliit na bulsa na lagi kong dala.

'Ayan na,' ngumiti pa ko nung nilagyan ko na ito ng checkered na band aide.

'Uy,' untag niya sakin.

Napatingin ako sa kanya. Omaigash. Anlapit ng fez ha. Naipon na ata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Di ako makahinga! Edi huminga ka!!! Nagpakawala ako ng hininga kaso may kasama atang laway at slowmotion pa na dumapo sa ilong niya. XD

'ANOBAYAN!'

Tinawanan ko lang sya. WAHAHAHAHA!! Waaaa! Mababaliw na ko! Kadiri! Nakakahiya.. O/////O

'Sorry.' Sabi ko sabay tayo. Di naman ganon kasakit yung sugat ko kaso may butas naman ang pantalon ko. 'Nga pala, ano ang ginagawa mo dito?' Bumaba na ko ng hagdan at lumabas na ng KHub.

'Ahh.. nanlibre classmate ko, eh ikaw?'

'Kumanta ako.' Antipid ko sumagot. Baka kasi may masabi pa kong iba e, mahirap na baka mabuking pa ko sa kabaliwan ko. =_=

'Bes, galit ka ba sakin?' Hinawakan niya ang bag ko na bag pala niya kaya muntikan na ko magbackdive sa sahig.

'ANO BA?! DI AKO GALIT SAYO.'

'O BA'T KA NAKASIGAW?'

Oo nga no? Hahaha. Ngumiti na lang ako at pinulupot ang braso ko sa isa niyang braso at di pa ko nakuntento dun, inihilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya. 'Kain tayo, Bes.' :)

Natawa na lang sya sakin. Expected na rin kasi niya na ganito ang mangyayari. Magtataray ako, di makatiis at maglalambing at mauuwi sa kainan. Haha. Pure joy lang. :D

HAYAHAY :">

<3

---

Haha. Di ako nagsasawa basahin to XD Ankire. Patawarin mo sana ako, Labs :DD

How about us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon