Amethyst
"Gising na amethyst, malalate ka na sa klase mo"
Nagising naman ako sa magyuyugyog ni mama sakin. Kainis, ang ganda na ng panaginip ko eh, tapos bigla ka na lang gigisingin. Inis na inis ko naman pinadyak ang unan na nasa paanan ko.
"AMETHYST!! SABING GISING NA EH... MALALATE NA KAYO NG KAPATID MO, KAPAG HINDI KA PA TUMAYO DIYAN, IBUBUHOS KO SAYO TONG KAPENG HAWAK KO!!!" galit na sigawn ni mama sakin, wala naman akong choice kung hindi tumayo at padabog nag punta sa bathroom.
"Bakit pa kasi kailan mag aral eh" sigaw ko habang naliligo. Ito talaga ang pinaka ayoko sa buhay, ang mag aral kung wala naman talagang pumapasok sa utak ko, sayang lang naman ang binabayad nila mama, nas lalo na lagi na lang ako nahuhuli sa klasi.
Alam ko naman sa sarili ko na bobo ako at hindi ko ipinag kakaila iyon pero kahit naman na ganun, maganda ako at pangarap kong maging isang model balang araw. Kaya nga hindi ko rin gets si mama bat pinag tsatsagaan pa ako kahit wala naman din pag asa ang utak ko.
Lumabas ako ng banyo ng naka uniform at umupo sa upuan sa kusina. Nandito na rin si jade sa mesa at nag almusal at may libro na nakatakip sa mukha niya. Dalawa lang kaming magkakapatid at parehong babae pero nag kaibang magkaiba kami dalawa. Kung isa akong bulakbol sa klase, siya naman sobrang talino at sipag sa pag aaral, lagi pa nga siyang pinag lalaban sa mga competition outside the school. Tapos siya ang pinakamataas na grade sa buong school, kaya ng maraming nagtataka kung mag kapatid ba daw kami, dahil kung siya sa unahan, ako na sa dulong dulo at wala ng pag asa.
Kahit naman ganun hindi ako ma iingit sa kapatid ko kapag madalas na pinag sasabihin ako gayahin ko daw ang kapatid ko, dahil kilala ko naman ang sarili ko na hindi ako seryoso sa buhay at hindi bagay sakin ang mag seryoso.
"Dalian ninyo na baka nag hihintay na ang tito rowel ninyo, nakiki angkas na nga lang kayo... Kayo pa ang hinihintay" sabi ni mama, minadali ko ng ubusin ang pagkain mo, kahit pa mag kanda ubo ubo na ako.
Tumayo na ako at uminom ng tubig. Sinukbit ko na rin ang bag ko sa balikat ko at lumapit kay mama at hinalikan siya sa pisngi.
"Bye ma!!!" Paalam ko at agad na umalis. Patakbo naman akong lumabas sa bakuran namin at napatingin. Napangiti naman ako dahil sa simoy ng hangin na tumambad sa mukha ko. Ito ang maganda kung nakatira sa sa bukid, kahit na mahirap ang buhay, maganda at maaliwalas ang paligid. May huminto naman na tricycle sa harap ng gate naman.
"Good morning po tito, hehehe, buti na lang kakarating ninyo lang oh kasi, kakagising lang po namin" paliwanag ko sa kanya, habang nag aayos ng buhok ko, halatang halata pa nagmamadali ako sa pag aayos dahil sabog na sabog ang itsura ko.
"Okay lang yun, kahit din naman si Mikay, nalate din ng gising hahaha, kapag talaga unang araw ng pasukan halos lahat ng estudyante tamad bumangon" paliwanag niya tumango na lang ako at hindi na sumagot dahil napansin ko na pumasok sa sa loob ng tricycle si mikay, kaya naman pumesto na ako sa likod ni tito rowel para makaalis na kami.
Medyo layo layo rin ang byahe papuntang school, dahil madalas sa bayan bayan pa ang mga schools.kahit na mahirap lang kami, pinag iigihan parin ni mama na ipag aral kami sa private school, dahil yun lang ang pinaka malapit na school sa bahay namin. Buti na lang scholar si Jade sa school namin kaya naman libre lang ang pag aaral niya at ako na lang ang prinoproblema nina mama at papa.
---
Matapos ang isang oras na biyahe, nakarating din kami sa tapat ng school. Maganda ang school namin na ito at alam ko may mga iba pa itong mga branch sa ibang lugar at ang pinaka main school daw ang nasa manila. Hindi naman masyadong mahal ang bayad dito, mas mababa pa nga ang bayad dito kesa sa normal na private school. Ang sabi daw kababayan daw namin ang may ari ng school na ito at dito rin lumaki kaya naisip niya ipatayo ang school na toh at ibaba ang matrikula para nakatulong sa amin mahihirap na gustong makapag aral sa isang prestilyosong paaralan.
BINABASA MO ANG
My Superstar (TBS #2)
RomanceAmethyst Adena Ching is a successful young model not only in the country but also internationally. Due to her success, many stalked and harassed her that threaten is safety. Amy and her team decide to hire a professional bodyguard that will protect...