Chapter 7

5 0 0
                                    

Amethyst 


Nandito ako ngayon sa waiting shed ng school, hinihintay ko ang sundo ko, tamad kasi akong mag lakad ngayon. Madalas na ginagawa ko papahatid ako sa umaga at mag lalakad pauwi dahil hindi naman ganun kainit kapag labasan namin. nasa harapan ko ngayon ang tupperware na may laman cookies. Isa na lang ang cookies na nasa loob nun pero hindi ko maubos ubos dahil nga umay na umay na ako. Ikaw ba naman kumain ng isang dosena ito na ata ng naging lunch ko at mirenda ko kanina.

"Hay, Maitapon na nga lang, tutal na karami naman na din ako kaya okay na rin siguro yun" pamimilit ko sa sarili ko at itatapon na sana ang tupperware na may lamang isang cookies sa loob. Bago ko pa maitapon iyon sa basurahan may kumuha nun sa kamay ko.

"at sino ka naman--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat. Napakusot pa ako ng mata, hindi ko alam kung nag hahallucination lang ako dahil sa dami ng nakain kong matamis. 

"If you don't want it, akin na lang... tutal AKIN naman talaga dapat ito diba" paliwanag ni Orion at agad na sinubo ang cookies na hawak niya. Wala akong nagawa kung hindi tumango sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sa kanya kaya nanahimik lang ako. 

Hindi ko alam kung pero nag iimagine lang ako pero parang nakita ko tumaas ng kaunti ang labi niya na para bang nag pipigil ng ngiti.  Tinignan niya ako sa mata at inabot sakin ang tupperware na hawak niya.

"Here... you can reuse it incase na gawan mo ulit ako ng cookies" mahinang lang ang pag kakasabi niya kaya hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Naiwan lang akong nakatulala hanggang mawala na siya sa mapaningin ko. 

"Hindi naman ako nag iimagine diba?... Lord wag ninyo na akong gisingin kung nanaginip lang ako ngayon" Sabay tili dahil sa sobrang kilig, napatingin naman ang mga estudyante na napapadaan sa pwesto ko, nag tata dahil para akong tanga nag tatalon at tili ng tili. Napakurot pa ako sa sarili ko para icheck kung hindi ako nanaginip.

"Masakit nga meaning totoo.... AAAHHHH" sigaw ko, Hindi naman pala totally malungkot ang araw ko ngayon, akala ko hindi worth it ang effort ko sa pag babake nito. Atleast kinain at natiman naman ni Orion ang ginawa ko para sa kanya. 

---

Maaga akong nagising ako kinabuksan dahil sasamahan ko kasi si mama sa pinag tratrabahuhan niya. kasambahay kasi siya sa isang malaking mansyon malapit sa bahay namin. kapag wala akong magawa tumutulong ako sa kanya sa pagluluto.

Katapos ko ng mag ayos at makilo nag lakad na ako papunta dun pero bago muna yun, pumasok muna ako sa isang mini convenient store para bumili ng ice cream at  kung anong mapag tripan kong kainin.

Kumuha akong dalawang donut at isang corneto, pagkatapos nun agad na akong nag punta sa counter. napahinto naman ako ng mapansin na parang familiar sakin ang likod na yun. hindi ko kasi maaninag mukha niya dahil nakatalikod siya at busy sa pag aayos. Mabilis naman akong lumapit dahil naman sa curiosity ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makita kung sino yun.

"Orion.... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, napatingin naman siya sakin pero hindi ko mabasa ang emosyon niya. Hindi niya ako sinagot at  nag patuloy na lang sa pag papack ng binili ko.

"120 lang lahat" sagot niya, agad ko naman inabot sa kanya ang hawak kong 200 pesos. Hindi ko alam na nag tratrabaho pala siya dito, so meaning malapit lang siya dito sa amin. Saan kaya ang bahay nila? 

"Buti dito ka nag tratrabaho" tanong ko sa kanyan, Alam ko na parang tanga ako sa tanong ko pero masisi niyo ba ako eh, alam ninyo naman pag dati ng kay Orion magulo na utak ko kung ano na lang maisip ko yun na lang masasabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Superstar (TBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon