Amethyst
Maaga akong nagising para mag bake ng cookies buti na lang may mga tira pa akong ingredient nung last na gumawa ako. Ginagawa ko rin kasing business ang mag tinda ng cookies sa school especially may gusto akong bilhin. simple chocolate cookies lang naman ang ginawa ko at kinahakabahan ako kung magugustohan ba ito ni Orion. ibibigay ko lang naman sa kanya to as a thank you gift dahil tinulungan niya ako sa papers ko kahapon. kung hindi dahil sa kanya baka mag susunog na namna ako ng kilay dito sa bahay para matapos yun.
Nilagay ko to sa isang maliit at paper bag at masayang binitbit ito papuntang school. Balak ko iaabot ko sa kanyan ito mamayang pag uwi pero napag isip isip ko ibibigay ko na sakanya ngayon na dahil mas maraming makakakita pag uwian na kesa ngayon umaga. nakatayo lang ako sa harapan ng classroom nila. napansin ko kasi na wala pa siya sa loob ng classroom.
"Oh Amethyst, Anong ginagawa mo diyan?" napalinga naman ako sa side ko at nakita kong nag lalakad papalapit sakin si Darren. Tinago ko naman ang paper bag sa likuran ko. Sempre as much as possible ayokong kumalat sa buong school na inaabangan ko si Orion. Pass na muna akong maging center of attention sa school for this year.
"Ohhh, Darren ikaw pala! ..... may hinihintay lang kasi ako classmate natin... may ibabalik lang ako sa kanya" pag sisinungaling ko pero hindi naman totally pag sisinungaling yun kasi nga totoo naman na may hinihintay ako.
"Samahan na kita, para sabay na tayong pumasok ng classroom" masayang suggestion niya sakin. hindi ko alam ang isasagut ko sa kanya dahil iniiwasan ko nga na may makakita sa aking na may inaabot akong cookies kay Orion. Tapos malaking abala pa kay darren ang samahan ako baka malate pa siya sa klase namin. Okay lang naman sakin malate ako.
"Hindi wag na, sagli lang naman ako dito tapos babalik naman agad ako sa classroom. kaya mauna ka na" nakangiting sagot ko sa kanya. Napatingin naman ako sa likod niya at bigla naman akong nakaramdam ng kaba ng makita ko na mabagal na nag lalakad si Orion papunta samin. Hindi pa niya kami napapansin dahil nga nakatingin siya sa phone niya, napahawak naman ako ng mahigpit sa hawak kong paper bag.
"Ahhh.... sige"
"Sige, Darren una nako, nandito na kasi hinihintay ako, kita na lang tayo sa classroom" mabilis na paalam ko at tumakbo papunta kay Orion. Habang papalapit ako kay Orion parang hindi ako makahinga at nanlalambot ang tuhod ko. Ngayon lang ata akong kinabahan ng ganito kahit ano pang ipagawang kabulastugan sakin nun hindi ako umuurong at kay Orion lang ata ako tumitiklop ng ganito.
"Ahhhh... Sadali lang Orion" mahinang lang pag kakasabi ko sa kanya at parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil dun. Kailan pa ako naging mahiyain ng ganito. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Mukhang hindi niya ako narinig dahil nakatingin parin sa phone niya at hindi huminto sa pag lalakad.
"Orion, Pwede ba kitang makausap?" ngayon naman napalakad naman ang pag kakasabi ko, kaya naman napatingin ang mga ibang estudyante samin. napapikit naman ako pero this time huminto na rin siya sa pag lalakad at nakatingin na siya sakin.
Hindi ako makapag salita at nakatingin lang ako sa kanya. napansin din siguro niya ito kaya naman napakunot ang noo niya sakin para bang inip na inip na siya. tatalikuran na sana niya ako ng hawakan ko ng braso niya.
"Sandali lang" Para naman akong napaso ng hawakan ko siya. inabot ko sa kanya ang paper bag na hawak ko.
"Thank you pala sa pag tulong mo sakin kahapon, gumawa ako ng cookies as thank you gift kung hindi dahil sayo baka hindi ko mapapass ngayon ang assignment ko" paliwanang ko sa kanya para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng masabi ko lahat ang dapat kong sabihin. Hindi parin mawala ang kaba na nararamdaman ko, mas lalo na lahat ata ng tumadaan sa pwesto namin nakatingin samin at kung ano ano na siguro ang pumasok sa utak nila. Bahala na siya wala akong paki.
BINABASA MO ANG
My Superstar (TBS #2)
RomanceAmethyst Adena Ching is a successful young model not only in the country but also internationally. Due to her success, many stalked and harassed her that threaten is safety. Amy and her team decide to hire a professional bodyguard that will protect...