Chapter 4

22 2 0
                                    

Amethyst

"Alam ko na ang strand ni Orion" masayang bungad ni Sarah pagpasok na pagpasok niya sa classroom dahil nga sa kahihiyan na ginawa ko kani kanina lang, nag aya na akong bumalik na lang ng classroom. Naiimbiyerna na rin ako dun sa babae na laging buntot ng buntot kay Orion. Hindi ko pinahalata na excited ako sa sasabihin ni Ara, dahil alam ko na pagka katuwaan lang nila ako at quotang quota na ako ngayon araw.

Umupo naman siya sa pwesto niya at inilapit ang mukha samin, kaya naman lumapit din kami ng kaunti.

"HUMSS strand din pala siya kasi criminology daw ang kukunin niya section 11A ang section niya" kwento niya.

"Ito pa, yung kaninang babae na kasama niya si Celine yun, may usap usapan na sobrang talino daw niya tapos nakita ninyo naman kung gaano din siya kaganda, kaya maraming nagkakagusto sa kanya" paliwanag nito samin. Napabuntong hininga na lang alo at napatingin sa bintana. Ano pa nga ba ang laban ko sa babaeng matalino. Siguro sa itsura pwede pa pero sa utak wala na umpisa pa lang gameover na.

"Okay lang yan Amy, malay mo hindi niya type yung babaeng matalino diba" pag aalo sakin ni Ara, tinapunan ko naman siya ng masamang tingin at natawa naman si Chlea na nasa tabi ko.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo o talagang ininsulto mo lang ako" banta ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin at nag peace sign. Umirap na lang ako at hindi na ako nag salita baka kasi ano ano pa ang lumabas sa labi ko na mas lalo makapag palala ng mood ko.

Habang nag klaklasi hindi ko parin mapigilan hindi isipin yung nangyari kanina. Kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam ko habang iniisip yung hawak niya sa braso ko kanina. Grabe kahit naman pala kahihiyan ang ginawa ko kanina, okay lang kasi nakahawakan na niya ako hahaha... Isang progess na yun, napangiti naman ako dahil dun.

"Hoy mukha kang baliw diyan" comment ni Chlea sakin, hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa kawalan. Pailing iling na lang siya sakin, iniisip na talagang nasisiraan na ako ng ulo.

"Iba talaga sobrang inlove noh, nagagawang baliw ang isang tao" comment naman ni Ara.

"Sinong in love?" Rinig kong tanong ni Darren, bumulong naman sa tenga niya si Sarah at bahala sila kung ano isipin nila, basta ako ang goal ko lang ngayon is paano ako magpapakilala kay Orion para malaman niya ang existences ko sa buhay niya hihihi. Pati tuloy ako nagiging corny na but any way seryoso ako sa sinabi ko na gagawa ako ng paraan para mapansin ako.

After ilang oras, natapos na rin ang klase at nag sisilabasan na ang mga estudyante pero ako nakaupo lang sa desk ko at nakatingin sa mga lumalabas, parang tamad na tamad na akong umuwi. Hanggang ngayon inis na inis parin ako, hay bakit ang malas ko ngayon mas lalo na ngayon first day of class. Wag naman sana hanggang matapos ang school year ganito, kasi mas lalo lang akong tatamarin na hindi pumasok.

"Hoy tara na, wag ka ng magmukmok diyan" hila sakin Chlea, padabog ko naman sinabit ang bag ko. Patakbo akong labas ng pinto dahil nasa labas na sina ara.

Nagulat na lang ako ng may mabunggo akong pag kalabas ng pinto at tumama ang mukha ko sa balikat niya. Inis naman akong napahawak sa ilog ko, medyo masakit kasi kainis naman oh, nakita ng may tao pa sa loob. Napatingin ako sa harap ko at laging kulat ko na si Orion pala iyon. Umaliwalas ang mukha ko dahil dun at ngumiti sa kanya.

"Hehe sorry...hindi ko..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang umalis at hindi man lang ako hinintay matapos. Napabusangot na lang ulit ako at lumapit kila Sarah na ngayon ay tawang tawa sa itsura ko.

"Alam mo itigil mo na yan kabaliwan mo kay Orion, mukhang malabo na mapapansin ka niya" pag aalo naman ni Chlea sakin habang pababa kami ng hagdanan.

"Gusto mo pakilala kita sa mga ibang gwapo sa school, sigurado type ka ng mga yun" suggest naman ni Sarah sakin. umiling naman ako at inalis ang pag tapik nila sa balikat ko.

My Superstar (TBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon