Amethyst
Nakatingin ito sakin at pati na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang tingin ko sa kanya, but ang alam ko parang nahyhypnotize ako sa titig niya. Napailing naman ako at umiwas ng tingin.
"I'm Darren Lance Aguilar" nakangiti nitong sagot kay Sarah at inilagay ang kamay nito sa harap ko na ikinagulat ko. Hindi ko alam gagawin ko at nakatingin lang ako sa kamay niya na parang tanga. Bago pa ako makipag shake hands sa kanya si Sarah na ang gumawa nun sakin.
"Ang gwapo mo naman Darren, pwede bang baby nalang tawag ko sayo..... mas bagay kasi eh.....kasi bagay tayo" kurap kurap na saad niya. Nag pipigil naman kaming natawa ni Chlea sa sinabi niya. Kahit corny na ang pinagsasabi niya go parin, basta makalandi.
Nakatingin lang ako sa mukha ni Sarah at mukhang inlove ang malanding toh. Pagbigyan ko na nga, malay mo yan na pala ang makapag pasipag at makapagbigay insirasyon sa kanya para seryoso sa pag aaral at pumasok araw araw.
"Palit na tayo dali habang hindi nakatingin si sir Christian" bulong ko sa kanya. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako at hinalikan sa pisngi, napailing na lang ako sa ginawa niya at kinuha na ang bag ko at nilagay sa upuan ni Sarah.
"Iba ka talagang babae ka, nakita mo ng sayo interesado yung tao tapos ipag pipilitan mo pa sa iba, ikaw na talaga ang pinaka dakilang babaeng nakilala ko" bulong naman sakin ni Chlea. Nakafocus lang ako sa bintana na malapit kay Chlea at nag hihitay ng dadaan sa hall.
"Hayaan mo na, wala rin naman akong ganang makipag landian, baka pagalitan na naman ako ni mama kapag nalaman niya, alam mo naman yun... Sasabihan pa kong mag aral na lang ako kesa mag boyfriend." paliwanag ko sa kanya, tumango na lang siya sa sinabi ko at hindi na nag salita, alam nilang dalawa ni Sarah kung gaano ka masungit si mama pag boyfriend na ang usapan.
Para naman huminto ang mundo ko ng may dumaan na lalaki sa hallway, matangkad, medyo moreto pero ang hot tignan, tapos singkit ang mata at matangos ang ilong. Siya lang ang makikita ko at parang nag blur lahat sa paligid. Wala na rin akong marinig kung hindi ang tunog ng puso ko.
Niyugyog naman ako ni Chlea ng mapansin na hindi ako humihinga at kumukurap. Nawala naman ang focus ko sa lalaking yun dahil sa ginawa niya at galit na pinapahinto si Chlea kaya napatingin ako sa kanya.
"Okay lang ako sabi eh" iritang saad ko sa kanya at napatingin kung saan ko ulit huling nakita yun gwapong lalaki pero wala na siya dun.
"Hindi mo nakita yung lalaki kanina?" Tanong ko kay Chlea. Bumusangot na lang ako dahil halata nga na hindi na rin niya napansin. Napa buntong hininga na lang ako at yumuko sa desk ko.
Hindi ko alam kung namalik mata lang ba ako nun or totoo ang nakita ko, kasi naman bigla bigla na lang siyang na wala na parang bula tapos mukhang transferee pa siya kasi ngayon ko palang siya nakita sa school.
---
Bad mood na ako hanggang mag lunch na at panay ang tingin ko sa bintana, nagbabakasakali na bigla na naman siyang dumaan dito pero ang nakakalungkot ay hindi siya kaya mas lalong sumama ang loob ko.
"Aga mo naman bad mood, masakit ba loob mo dahil inagawan kita ng makakalandi?" Tanong niya sakin habang nilalapag ang inorder niyang pagkain sa mesa. Napahalumbaba na lang ako habang nakatingin sa mga taong nag oorder. Hindi ako nag order dahil wala akong ganang kumain ngayon.
"Hindi yun, sayong sayo na si Darren" sagot ko na lang kay Sarah, napakunot naman ang noo niya at tumingin naman kay Chlea na para bang nag hahanap ng klarong sagot sa kanya.
"Wag ka... nakita daw siya kaninang gwapo at mukhang na love at first sight ang gag*" kwento ni Chlea sa kanya. Natawa naman ng malakas si Sarah at nilokoloko pa ako pero hindi ko na lang pinansin yun.
BINABASA MO ANG
My Superstar (TBS #2)
RomanceAmethyst Adena Ching is a successful young model not only in the country but also internationally. Due to her success, many stalked and harassed her that threaten is safety. Amy and her team decide to hire a professional bodyguard that will protect...