Chapter 5

18 0 0
                                    

Amythest

nakatitig lang ako sa kanya at nanigas na sa kinauupuan ko. Seryoso ba siya? I mean seryoso ba? hindi naman ako bingi at tama naman siguro ang narinig ko. napansin siguro niya na hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko kaya naman tumingin siya sakin habang nakakunot ang noo niya. grabe ngayon sobrang gwapo pala talaga niya kahit na nakakunot siya ng noo. wala atang angulo na hindi pangit tignan sa kanya eh.

"okay ka lang? may problem ba?" tanong niya sakin, napailing naman ako at napayuko, grabe ata kaya ng confidence level ko ang mga ganitong level ng humanity baka nga hindi na pang tao ang itsura niya eh. buntong hininga naman ako para pakalmahin ang sarili ko. hindi kakayanin ko toh. hindi pwedeng laging ganito na lang dahil HINDI NAMAN TALAGA AKO GANITO. Kaya ko toh. ito na ang chance ko para mapalapit sa kanya. sanay naman akong mag salita sa harap ng maraming tao kahit na kinakahaban ako.

"Ahhhh. oo, nahihirapan kasi akong mag hanap ng citation dito sa about sa essay namin sa Polsci" paliwanag ko sa kanya. halos mag pafiesta ako dahil sa wakas nakasagot ako ng maayos sa kanya at hindi ako nag mukhang shunga shunga sa harapan niya.

"Here, check this book... Marami kang makikuhang citation jan" sabay usog ng libro na gamit niya.

"Pero hindi mo ba gagamitin yan?" Tanong ko sa kanya, f*ck halos pabulong na nga ang pag kakasabi ko sa kanya. Hindi ko sigurado kung narinig ba niya ako o hindi. Kalma lang Amy tao lang nasa harapan mo. Huminga naman ako ng malalim para kumalma ako ng konti, grabe para akong hihimatayin ng dito ng wala sa oras.

"No, you can use it... Tapos ko ng gamitin yan" sagot niya sakin habang busy sa pag susulat sa papel niya. Tumango na lang ako at hindi na sumagot, pinilit ko naman mag seryoso kahit na may time na talagang natutulala ako sa katabi ko.

Amy hindi ka pwedeng papahiya, ichecheck niya gawan mo. Kailangan mong bigay best mo, it is your time to shine... Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatingin sa libro. Sinumulan ko ng gawin ang assignment ko, talagang seryosong seryoso ako sa ginagawa ko. Halos mag ka wrinkles na ang noo ko dahil sa sobrang focus ko eh. Dito na nga lang ako mag papagood shot sa kanya kaya gagalingan ko. Malay mo maging study buddy na kami after nito diba.

---
"Hay..." Nakahinga nakahinga na ako ng maluwag ng matapos ko na ang assignment ko, sobrang proud ako sa work ko dahil alam ko na ginawa ko ang best ko dito. Sempre may inspiration ako at katabi ko kaya very productive ako hihihi.. speaking of inspiration, tinapunan ko naman ng tingin katabi ko at natutulog na pala siya. Hindi ko na napansin ang oras at pati na rin ang katabi ko dahil sa ginawa ko. Hiniga ko naman ang ulo ko sa desk at habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Grabe ang gwapo talaga niya. Ngayon ko lang napansin na ang kapal ng pilik mata niya, dahan dahan ko naman nilapit ang kamay ko doon para naramdaman lang iyon saglit. Bumababa naman ang daliri ko sa ilong niya hanggang bumababa iyon sa labi niya.

Ang cute lang lips niya medyo pouty ang lips niya at kulay red. Napailing na lang ako at napapikit, ano bang pinag gagawa ko, para naman pinag nanasahan ko ang lalaking toh. Dahan dahan ko naman minulat ang mata ko at laking gulat ko ng nakabukas na ang mata niya. Ngayon ko ng nakita ng malapitan ang mata niya, sobrang gold dun at sa pupil niya sobrang itim kaya pansin na pansin mo ang gold rings sa mata niya na para bang kumikinang sa gitna ng kadilim.

Hindi kami umalis sa posisyon namin at nakatingin langsa isa't isa. Hindi ko alam kung ako ng pero feeling ko ang tagal na ng oras ang dumaan pero wala ni isa samin ang gustong putulin ang titig sa isa't isa.

"Closing na ang library, i will give 5 minutes to check you things, thank you!!" Nagulat naman kami dahil dun napaiwas kami pareho ng tingin at umayos ng upo. Ang totoo niya ang boses na yun is galing sa speaker sa loob kaya dinig na dinig namin pero mabuti na yun kesa sa pumasok mismo sa room baka kung ano pa ang isipin at diresto pa sa guidance mahirap na.

My Superstar (TBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon