"Inabandunang Pag-ibig"
Hindi malaman, naguguluhan.
Iniintindi ang kadahilanan,
Sa bawat katanungan.
Nagbigay ng sariling kasagutan,
Namamanglaw ang kalooban.Pilit winasak ang nakaharang sa pagitan,
Ang pagitan nating dalawa--malabong magkatuluyan.
Inabunda ang lahat na pinaghirapan,
Kasama na roon ang pag-ibig na tanging ikaw lamang ang kinahumalingan.Inaasam na masuklian,
Ang lahat ng kapagoran.
Ngunit tila ang lahat ng aking ginawa ay kulang
Kahit isang sulyap man lamang,
Hindi ko masila-silayanPinahalagan ang bawat segundong nagdaan.
Sa paghihintay, sabik na sabik upang tuluyang makapasok muli sa iyong mundong ginagalawan.Tumira sa imahinasyon,
Lumigaya ang pusong kulang ng atensiyon.
Ika'y parurunan,
Upang maibalik sa panahon ng kasalukuyan.Hindi inaasahan,
Parang kathang isip lamang ang lahat ng kaganapan.
Inabanduna ang pag ibig kong inalay,
Walang ka malay-malay.
Ika'y naligaw sa dating salinlahi
Ang kalooban ay nagdalamhati at nakaramdam ng sidhi.Pag ibig ko'y ka'y dali lang para sayong inabanduna,
Nakilala mo ang binibining nakapagbihag sa iyong matitimyas na mata.
Hindi makaya,
Nasusugatan ang pusong hinahangad ka.Imbes na ika'y hintayin at ang taong parating,
Nag apuhap ng daan para ika'y muling makapiling.
Giliw, magkaroon ba ng tyansa na ikaw pa'y makapiling?Ika'y parurunan,
Kahit iba na ang mundo mong ginagalawan.
Darating ako sa panahon ng inyong kaligayahan.-M
_______
YOU ARE READING
Inabandunang Pag-ibig
Ficción históricaHindi malaman, naguguluhan. Iniintindi ang kadahilanan, Sa bawat katanungan. Nagbigay ng sariling kasagutan, Namamanglaw ang kalooban. Pilit winasak ang nakaharang sa pagitan, Ang pagitan nating dalawa--malabong magkatuluyan. Inabanduna ang lahat na...