Kabanata 3

5 0 0
                                    

Kabanata 3

Nakarinig ako ng mga katok sa pinto ng aking silid. Minulat ko ang aking mga mata. Nakatulog ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Bumangon at binuksan.

"Magandang araw, Ginoo."magiliw na bati ni Melavena sa akin. Nakasuot siya ng baro't saya. Lihim akong napalunok. Nandito na naman siya. Siya ang babae pero siya rin ang bumibisita sa tahanan ng lalaki.

"Magandang araw rin sa iyo binibining Melavena. Ano ang maipaglilingkod ko?" Mahinahon kong wika. Alam ko na ang ipinunta niya rito. Tinanong ko lang ulit dahil baka may bago siyang naisip. Paniguradong hindi na naman ako makakatanggi.

"Samahan mo ako, pupunta tayo sa bayan. Mamimili ng mga libro."masiglang anonsiyo niya. "Ilang minuto muna, magbibihis lang ako."pagpapaalam ko at tumalikod. Akmang itataas ko na ang suot ko pang itaas at palitan. Napatingin ako kay Melavena na ilang beses na lumunok. Nakatingin sa katawan ko. Nakakailang. Napansin niyang hindi ako gumalaw. Aligaga siyang tumalikod at bumaba. Nagkibit balikat ako at nagbihis ng maayos. Gaya ng itinurong pananamit ng aking ina. Iyong kagalang galang na ginoo. Pagkatapos ay bumaba ako. Naabutan ko si Melavena na nakaupo. Mukhang malalim ag iniisip dahil mabibigat ang paghinga. Paniguradong nag iisip na naman siya ng paraan para maipadama ang pag ibig niya sa akin. Ganoon na lang lagi. Gusto ko siya pero bilang isang kaibigan lamang. Ayaw kong ipagpilitan na turuan ang puso ko na ibigin siya pabalik. Kung siya ang aking iniibig hindi ko na dapat ituro sa aking puso. Kusa iyon na maramdaman.

"Andiyan ka na pala."tumayo siya at inabut ang kamay sa akin. Nagdadalawang isip ako. Diba dapat lalaki ang mag ganoon?mga galawan ni Melavena. Umaapaw na.

Paglabas namin, Natanaw ko ang dalawang kabayo. Hinila ako ni Melavena. Napabuntonghininga ako. Sumalampak ako sa kabayo at ganoon rin siya. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa kabayo. Nang sa ganoon ay mabigyan ko ng pansin ang mga nadaanan.

"Magandang araw, Binibining Melavena. Magandang araw Ginoong Eresito." Magiliw na bati ng mga taong nadaanan namin.

"Magandang araw, Ginoo." Bati ng mga ginang sa unahan. Ginantian ko iyon ng yuko pagkatapos ay ngumiti.

"Magandang araw Ginoo at Binibini."

Madami pa kaming mga bati na narinig. Ganiyan ang mga tao rito, iginagalang ang kapuwa tao.  Sa simpleng bati isa na iyong pagrerespeto.

Nakakatuwa pagmasdan ang paligid. Ang mga taong nagtutulungan. Karamihan ay pawis na pawis na. Ngunit hindi iyon hadlang para itigil ang kanilang mga ginagawa. Ang mga bata na tumutulong sa nakakatanda. At ang marilag na maligid na nakakabihag sa aking mga mata. Berdeng berde ang mga puno at ang mga tanim. Kapag bumalik ako sa nakaraan, ganito rin kaya ang paligid?siguro, pero mahirap. Sinakop tayo ng mga taga ibang bansa. Madaming nagaganap, madaming away at gulo. Naghihirap.

"Eresito, bumaba ka na riyan. Andito na tayo."anunsiyo ni Melavena. Natauhan naman ako. Agad akong bumaba at sumunod sa kaniya.

Nagpunta kami sa tindahan ng mga libro. Humiwalay ako sa kaniya. Ayaw ko siyang kasama lalo na sa mataong lugar. Gagawa kasi siya ng mga hindi ko gustong bagay. Gaya ng pag-alay ng kanta sa akin. Naiilang ako sa tingin ng mga tao sa akin. Wala akong maisukli sa kaniya. Kaya sa abu't ng makakaya, inabanduna ko ang lahat na kaniyang pinapakita. Baka sakaling ibaling niya sa iba ang kaniyang atensiyon.

Tumingin tingin ako ng mga libro. Medyo malayo kay Melavena. Nagpaalam naman ako. Ang kulay asul na libro sa unahan ang nakakaagaw ng pansin. Nilapitan ko iyon. Kukunin ko sana ng may naunang kumuha roon. Tiningnan ko kung sino ang kumuha. Isang magandang dilag na binibini. Nakataas isang kilay niya sa akin. Ang sungit naman siya na nga ang nakakuha.

Inabandunang Pag-ibigWhere stories live. Discover now