Kabanata 2

7 1 0
                                    

Kabanata 2

Ingay sa labas ang gumising sa akin. Ang aga aga naman. Humikab ako ng ilang beses at nag inat inat. Sumilip ako sa bintana pero agad ring napaiwas ng tingin. Nakakasilaw ang liwanag ng araw.

Tumingin ako sa ibaba, marami raming tao na ang andoon. Kada umaga nagbibigay suweldo si Don Ernesto sa mga tauhan. Mayroon rin kaming sakahan ng mais. Para sa aming makakain bawat araw. May mga magsasakang nag aalaga doon. Kapag araw na ang anihan, maari silang mag uwi sa kanilang tahanan, limang kilo bawat magsasaka.

"Ginoong Miguel Eresito, magandang umaga." napalingon ako sa gilid na bahagi sa ibaba ng may bumati sa akin. Isang binibining nakasuot ng baro't saya. Hindi ko siya namukhaan. Bago kaya siya rito? Ganoon pa man, inuklian ko iyon ng ngiti.

"Ang aking umaga ay kasing ganda ng inyong matatamis na ngiti. Magandang umaga sa lahat." bati ko sa kanilang lahat na ikinalingon naman nila. Niyuko nila ang kanilang mga ulo.

"Magandang umaga rin sayo, Ginoong Eresito." magilaw nilang sagot.

Tumalikod ako. Nag ligpit sa aking hinigaan. Naligo at nagsimulang magsulat ng tula. Bawat araw nagsusulat ako ng tula. Patungkol sa nangyari o naramdaman ng aking kalooban.

Pagkagising, ang bumungad sa aking mga mata.
Maliligayang bati ng umaga,
Ang araw na kay liwanag.
Nakakasilaw, ngunit ako'y nabibihag.

Hiling ko'y sana palaging umaga,
Para ganito lagi ang aking madarama.
Simpleng kasiyahan,
Walang halong kalungkutan.

M.E

Pagkatapos maisulat, isinara ko ang kuwaderno na naglalaman ng mga tulang nagpapaliwanag sa aking bawat nadarama.

Lumabas ako sa aking silid. Pagkalabas ko, naamoy ko agad ang nakakatakam na amoy galing sa kusina. Sino kaya ang nagluto? Nagmamadali akong nagtungo sa kusina. Nagugutom ako sa amoy.

Naabutan ko si Inay. Nakakamangha kung titigan ang kaniyang ginagawa. Ang paglagay sa mga kasangkapan.

"Bakit ka nakatayo riyan?maghugas ka na hindi ka naghugas kahapon hahaha." napangiwi ako sa sinabi ng kapatid ko sa aking likuran. Hindi ko nalamalayan, hiwakan niya pala ako sa balikat. "Bakit manghang mangha ka sa Inay na nagluluto?hindi ka naman ganiyan kapag ako ang nagluluto ah?" Nakataas kilay na tanong ng aking kapatid si Eresita. Umupo ako sa harap ng lamesa. Hinarap ko siya at tinawanan ng nakakaasar. "Hindi kasi masarap luto mo. Ang kalat mo pa magluto hahaha." pang aasar ko sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin baka inilibing na ako ngayun haha. Ayaw na ayaw niyang asarin lalo na sa kaniyang pagluluto.

"Ah talaga?kung ganoon, kapag ako ang magluluto hindi kita papakainin. Oh?ano ha?" nanghahamon niyang wika. Inusog usog pa niya ang kaniyang upuan papunta sa akin.

" Imposible iyon, hindi mo ako matitiis. Ikaw nga naghahanda sa pagkain ko eh dahil gusto mo. Oh, ano ngayun ha?" balik na pang aasar ko sa kaniya. Asaran pala ah. Inungusan niya ako. Nakakatuwa pag siya ang nang asar, aatras agad.

" Tawagin niyo na si Eros, umagahan na." wika ng aking ina at inilapag ang mga niluto niya.

"Hindi na kailangan andito na ako. Miguel, baka mapigilan mo pa ang laway mo. Tutulo na e." ika ng kakarating kong kapatid. Napakamot naman ako sa batok. Gusto ko na kumain.

Inabandunang Pag-ibigWhere stories live. Discover now