Chapter 1

2.7K 23 0
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and others incidents are either the products of the Author's imagination or use in a fictitious manners.

Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidential.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!

Warning: Matured content.

Date started: March 01, 2022
Date ended: March 28, 2022

___________________________________

CHAPTER 1

“MISS! Nasaan na 'yong kanin na in-order ko kanina?”

“Ito na po, ma'am!” Sigaw ko naman pabalik sa kaniya matapos kong ilagay ang isang cup na kanin sa isang pinggan na hawak ko ngayon.


Parang ewan na ako ngayon dito kamamadali sa pag-asikaso ng mga orders ng ilang customer dito. Ang dami kasi nila. Lalo na oras na ng tag-gutom ngayon. I mean, gutom na silang lahat.


“Ito na po, sorry kung matagal,” sabay yuko para humingi ng tawad sa kaniya. Saka ko nilapag ang kanin na in-order n'ya sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan n'ya.

“Aisshh, alis na!” Pagtataray nito sa akin sabay irap. Umalis naman ako sa harapan n'ya at in-asikaso ang ibang customer. As if naman siya lang ang mag-isang aasikasuhin ko dito.

Marami ang kumakain ngayon dito lalo na oras na ng tanghalian. Kaya marami ang gutom sa mga oras na 'to. Ito ang ibig kong sabihin.



“Sis, i-abot mo nga ito do'n sa isang lalaki. Kukuha pa ako ng caldereta sa likod dahil kulang ngayon.” Tiningnan ko ang kaserola, wala na ngang caldereta na nakalagay. Lalo na mabenta ang ganoon klase ng ulam dito. Specially lunch.

“Sige, ako na,” sabay kuha ng isang maliit na mangkok na may lamang sabaw at dumiretso sa kinaroroonan ng lalaki na tinutukoy ni Sansha.

“Ay, salamat. Kanina ko pa 'yan hinihintay,” nakangiwing sambit nito at saka n'ya hinigop 'yong sabaw na buo. Parang uhaw na gutom siya.

“Puwede isa pa, hihihi,” pa-cute na sabi pa ng Mamang mataba sa akin at saka n'ya dinilaan ang gilid ng labi n'ya na basa dahil sa sabaw. Gross!



Tumango naman ako at saka kinuha 'yong maliit na mangkok at nilagyan ko ulit ng panibagong sabaw at binigay sa kaniya.


“Haysst, sakit ng katawan ko,” sabay hilot ni Sansha sa braso nito at saka n'ya pina-ikot ang leeg n'ya na tumunog pa, lumagatik ang kaniyang mga buto.


Si Sansha, bestfriend ko. Magkatabi ang bahay naming dalawa. Magka-edad din kami at mag-bestfriend. Sobrang close naming dalawa. Kada umaga nandito ako sa Kalenderia ng Mama n'ya para tumulong kasama siya at may natatanggap din akong suweldo na one-fifty pesos a day. Sa gabi naman may trabaho rin ako. Para dadag kita sa pang-araw-araw namin.

Waitress to Adore ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon