HINDI KO maatim ang ibig nitong sabihin. Maliit umawang ang labi ko habang nakatulala akong nakatingin sa kaniya na nakakunot ang noo.
"May relasyon kaming dalawa." Matapang na pagyabang nito.
Parang isang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig hanggang sa nagpintig ang dalawang tenga ko na uminit at saka pumula. Gano'n na rin ang pisnge ko na ang init na rin ngayon. Nagpupuyos sa galit ang ang puso ko ngayon. Bumibigat na rin ang aking dibdib sa sobrang tensyon.
"A-Ano? Okay ka lang? May relasyon kayo ng boyfriend ko. Hoy! Ada! Tigilan mo ako at ang boyfriend ko. Diyan ka na nga!" Tatalikuran ko na sana siya nang mag-salita na naman 'to.
"Nag-sa-sabi ako ng totoo. Kung tatanungin mo siya?. Malamang hindi n'ya sasabihin sa 'yo ang totoo. Ang totoo tungkol sa relasyong mayroon kaming dalawa." Napapikit nalang ako at na-i-kuyom ko ang magkabila kong kamao.
"Tsk! Sino ba kasi 'yong boyfriend ko na tinutukoy mo? Isa pa, paano mo nakilala ang boyfriend ko? Hindi ko naman siya pinakilala sa 'yo. Tapos, alam mo naman na boyfriend ko. Pero bakit may relasyon kayo? Ang gulo, right, Ada? Kasi magulo ka rin!" Nakangising saad ko sa kaniya. Umiling ito at saka ako masinsinang tiningnan na parang napahiya. Tapos ang isang kilay n'ya ay nakataas pa.
"Si Philip. Si Philip Pelaez." Napabuga ako ng hangin dahil kinulangan ako sa pag-hinga. No, it can't be. Hindi ko talaga kakayanin kapag niloko ako ni Philip. Nagpupuyos sa galit ang puso ko ngayon. Bumibigat na rin ang paghinga ko.
"Oh, natahimik ka? See, kilala ko ang boyfriend mo. Sinasabi ko naman sa 'yo na may relasyon kaming dalawa. Matagal na! Nagulat nga ako nang nalaman ko mula sa kaniya na girlfriend ka raw n'ya. 'Di ba? Pinagsabay n'ya tayo." Natatawang ani nito. Inirapan ko nalang siya. Pinagmamalaki n'ya?
"Ang masasabi ko lang sa 'yo, layuan mo nalang siya. Para maging tahimik tayong dalawa. Tayong tatlo." Napalunok ako sa pahayag nito. Pinag-krus n'ya ang dalawang braso n'ya habang malagkit akong tinitingnan na para na n'ya akong kakainin.
"Gaano na ba kayo katagal?" sabay iwas ko ng tingin. Hindi ko kakayanin kapag nalaman ko na matagal na pala sila.
"Hmm, one year. Kayo ba?" Ngumiti pa ito. Ang sarap sabunutan. Nagpipigil lang ako ngayon. What? One year na sila? Oh common!.
No, hindi puwede. So, it's mean, sila ay six months na nang naging kami ni Philip? Ako na pinagloloko ng lalaking 'yon. Ang sakit sa dibdib na parang tinutusok-tusok ang dibdib ko ngayon. This is my first heartbreak. Kaya hindi ko talaga kakayanin na maranasan ang ganitong pakiramdam na para akong winawasak at masasaktan nang dahil sa pag-ibig.
"Matagal na kami, Lana. No'ng absent ako na ang sabi ko nag-bakasyon kami ng pamilya ko sa Palawan? Totoo talaga 'yon. Kasama ko ang pamilya ko at sagot lahat ni Philip. Alam ko na no'n ang relasyon ninyo. Naging tahimik lang ako dahil mahal ko siya at lalo na ang pera n'ya na ginagamit n'yang pang-gastos sa pamilya ko." Gusto kong umiyak. Nagtatanong kung paano ni Philip nagawa sa akin ang lahat ng mga 'to. Napapikit nalang ako para pigilan ang pamuo ng luha ko sa aking mga mata.
"Hahaha. Sweet naman. Mabuti naman nililibre n'ya ang pamilya mo. Eh, 'yong akin?. Hindi. Saka kuripot 'yon, 'no. Ano ka ba, haha..." Totoo naman kasi. Kuripot si Philip.
"Magka-iba tayo, Lana. Ako, mahal n'ya. Tanggap siya ng pamilya ko. Eh, ikaw? Hindi mo nga ma-i-bigay ang sarili mo sa kaniya. Ako, kaya ko kaya minahal n'ya ako." Parang bomba sa pandinig ko na bigla nalang sumabog ang mga sinasabi ni Ada. Ang sakit sa puso.
"How dare you? Mahal ka n'ya? Pagnanasa lang ang mayroon siya sa 'yo. Ako nga hindi ko siya pinagbigyan pero nirespeto n'ya ako. Kasi 'yon ang tunay na love. May respect. Hindi tulad sa inyong dalawa na puro libog." Umawang ang bibig nito sa sinabi ko at saka siya nagpa-tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/303473480-288-k798401.jpg)