NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Papungas-pungas akong bumangon at in-aninag 'yong liwanag na ngayon ay blurry sa paningin ko. Nakasisilaw.
In-ikot ko rin ang buong tingin ko sa kabuuan ng isang kuwarto na 'to na kulay puti. Tama nga ako. Wala ako ngayon sa sariling kuwarto ko. Nandito ako sa isang hindi pamilyar na condo. Kinabahan ako bigla kung paano nalang nandito ako ngayon sa condo ni Philip. No, it can't be.
Tiningnan ko ang kabuuan ko. Namilog ang mga mata ko nang makita kong iba na ang suot ko ngayon. Napayakap nalang ako sa sarili ko. Paano kung hindi na ako ano ngayon.
Twenty-three kung iningatan tapos mawawala lang sa isang iglap?. Mababaliw ako ngayon. Nasaan ba ako. Hanggang sa may nakita akong isang picture frame na nasa ibabaw ng lamesa katabi nitong kama.
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang nasa picture na naka-posing.
Anong ginagawa ko dito sa kuwarto ni Sir Wensley? Then, boom! Naalala ko nalang na kasama ko pala siyang uminom kagabi. Shock, nasapo ko nalang ang noo ko.
Dali-dali na akong umalis mula dito sa ibabaw ng kama ko at saka hinanap ang mga damit ko kung nasaan ngayon. Pero hindi ko mahagilap.
Nagulat nalang ako nang nasa harapan ko ngayon ang malaking salamin. Kita ko ang kabuuang ayos ko. Nakasuot ako ng longsleeve na stripe at kulay blue and white na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko.
In-isip ko kung may suot ba akong underwear ngayon. Nang in-angat ko ang laylayan ng long-sleeves, nakahinga naman ako matapos nakita na suot ko pa ang panty ko.
Pero 'yong damit ko nasaan? Lumabas ako at naabutan ko sa labas sa may kusina ang isang lalaki na nakatalikod habang busy sa pag-pi-prito ngayon dahil kumukulo ang mantika na naririnig ko.
“S-sir?” Naguguluhan kong tawag sa kaniya na ikinalingon n'ya. Pagharap n'ya ay namukhaan ko siya agad si Sir Wensley nga, na ang lagkit ng tingin nito ngayon sa kabuuang ayos ko. Umiinit naman ang dugo ko bigla.
“Gising ka na pala. Patapos na 'to, sabay na tayong mag-agahan,”
nakangiting tugon nito.“Anong ginawa mo sa akin?” Lakas loob na tanong ko sa kaniya. Kaya nilingon n'ya ako ulit na nagtataka at naguguluhan ang mukha nito ngayon.
“Akala mo ba papalampasin ko 'to?. So, ano nga ang ginawa mo sa akin kagabi? Matapos mo akong lasingin! Napakawalang hiya mo talaga. Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko!” Para na akong nagwawala dito.
Hindi ako tatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang buong kasagutan sa kung paano ako nandito.
“Wait! Teka! Bakit ano ba ang nararamdaman mo ngayon?” Tinaas nito ang dalawang kamay n'ya na parang sumusuko.
Nag-isip naman ako kung ano ba ang masakit sa akin ngayon. Wala naman. Hindi naman masakit ang private part ko. Pero paano nag-iba ang damit ko pagkagising ko?.
“Wala 'di ba? Kasi wala namang may nangyari sa atin kagabi. Kaya kita dinala dito dahil ang sabi mo hindi ka uuwi ng bahay mo. Tinanong kita kung saan mo gusto. Alam mo kung ano ang sagot mo?. Gusto mong sumama sa bahay ko.” Nanlaki ang mga mata ko sa kagagahang ginawa ko. Napatakip nalang ako sa bunganga ko. Shocks! Sinabi ko ba talaga?. Nakakahiya ang landi ko.
Kaya ayaw kong malasing ako kasi may espiritu ng kalandian ang sumasapi sa akin. Pero nakakahiya. Wala na akong mukha ngayong ma-i-ha-harap kay Sir Wensley.
“'Yong damit mo nasa sofa. Nalabhan ko na kanina pa sa washing machine at okay na ngayon dahil sa dryer,” saka n'ya binalik ang tingin n'ya sa niluluto n'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/303473480-288-k798401.jpg)