Chapter 8

568 6 0
                                    

"MARCO! Wala pa si Sir Wensley?" tanong ko agad kay Marco pagkatapos kong mag-palit ng uniform namin dito as a waitress.

Long-sleeve na kulay maroon tapos may blazer na nakapatong na kulay itim. Then, palda na hanggang tuhod na naka-tuck-in sa long-sleeve.




"Mamaya pa siguro. Bakit?" tanong nito habang busy sa pag-mi-mix ng mga inumin.

"Bigay mo sa kaniya 'to, ha?" sabay abot ko sa kaniya ng suit na alam kong kay Sir Wensley ito. Tiningnan lang n'ya ito ng may pagtataka.

"Bakit hindi ikaw ang mag-bigay? Busy ako. Maraming orders ngayon." Napa-irap nalang ako sa kawalan. Basta, ayaw kong i-bigay 'to kay sir ng personal.

"Marco naman. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang. Minsan lang naman ako humihingi ng pabor sa 'yo, ha." Nilingon ako nito pero mabilis lang. Tapos busy na siya ulit sa pag-mi-mix. Napabuntong-hininga nalang ako. Alam ko na kapag ayaw nito, ayaw n'ya talaga. Hindi ko na siya mapipilit.


"Oh, hayan siya!" Ngumuso ito sa may main door ng bar. Nilamigan ako agad 'yong bigla nalang nanindig ang balahibo ko. Ano ba 'to, katakot naman.

"Sir Wensley, i-ba-balik daw ni Lana ang suit mo." Pinandilatan ko si Marco. Bigla nalang siyang nag-salita agad, nagulat nalang ako.



Ewan, kinakabahan ako na pinagpawisan sa ngayon. Hindi ko maintindihan. Nakita ko nalang sa peripheral vision ko si Sir Wensley na nakatayo ngayon sa gilid ko.

Nanikip na rin ang dibdib ko at bumibigat ang pag-hinga ko. Ano ba 'to? Para akong bato dito. Nag-da-dalawang-isip ako kung lilingunin ko ba si sir ngayon.


"Huh?" naguguluhang tanong ni Sir Wensley. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya nagawang lingunin.

"Ahm, Sir Wensley. Ibabalik ko lang po," sabay lahad ko sa kaniya ng suit n'ya. Tiningnan n'ya lang ito at pagkatapos tiningnan n'ya ako sa mata ko.



Nawindang naman ako nang mag-tama ang mga tingin namin sa isa't isa. Aaminin ko na naapektuhan ang puso ko sa pagtitig ni sir sa mga mata ko.

In-iwas ko nalang ang tingin ko sa ibang direksyon. Pero hindi n'ya pa rin tinatanggap. Nangangalay na ang mga kamay ko sa paglahad nitong suit n'ya sa kaniya. Kaya napilitan akong lingunin siya ulit. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito hanggang sa kinuha n'ya na ang suit n'ya mula sa kamay ko.



"Salamat po. Ay! Sir, salamat din po sa---" Natigilian ako nang tumingin sa akin si Marco na ikinataas ng isang kilay ko.

"Sa Gcash. Thank you so much," sabay yuko ko habang nakatiklop ang dalawa kong palad na dinikit ko sa aking noo.


"Anong Gcash?" Tanong pa ni Marco na lumiliwanag ang mga mata. Umalis na ako at hindi na ako lumingon pa sa kanila. Narinig ko pa na tinawag ako ni Marco na hindi ko nilingon.


Actually, binigay ko talaga ang suit na 'yon kaninang umaga kay Sir Vens. Kaso, pagkarating ko dito. Nakita ko pa rin sa ibabaw ng counter kung saan tinuro ni Sir Vens kanina na ilagay ko raw. Hindi n'ya binalik. Kaya ako ang personal na bumigay kay Sir Wensley.


"Alana," si Sir Wensley na tinawag ako ngayon dito sa labas ng bar. Kalalabas ko lang kasi dahil tapos na ang duty ko.

Nakapamulsa ito habang lumalapit sa akin at parang giniginaw kahit may suot na suit. Kasi ang dalawang baga n'ya nakataas. Maginaw nga talaga dito sa labas ngayon lalo na hating-gabi na.


"Ahm, sir. Kayo po pala," sabi ko nalang habang in-ayos ang pag-sabit ng strap ng bag ko sa balikat ko. Tapos tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Uuwi ka na ba?"

Waitress to Adore ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon