Chapter 20

301 5 0
                                    

TRIGGER WARNING: RAPE
RATED SPG!
_________________________________

SA TULONG ni Wensley, na asawa ko. Naka-kuha kami ng abogado para mag-sampa ng kaso.


Naka-usap na rin namin si Atty. Lustre na pumunta talaga kahapon dito sa bahay. Mabuti nalang talaga maraming kilala ang asawa ko. Kahapon, nang nalaman n'ya ang about kay ate at ang gusto ni Ate Tanya na mangyari, s-in-uhestion nito na siya na ang bahala sa abogado lalo na may kilala siya. Ito na nga si Attorney Lustre.


Nasa harapan kami ngayon ng Police station para puntahan 'yong pulis na alam namin na dito naka-assign. 'Yong nag-hatid din kay Ate Anya kahapon sa bahay. Hindi lang kami sure kung siya ba o ang kasama n'ya pang pulis.

Kahit wala kaming pruweba, sure kami na 'yong pulis talaga ang may kagawan ng lahat kay Ate Anya.



“Hoy! Nasaan 'yong pulis na ang apelyido ay Santos? Basta gano'n!” Namilog pa ang mga mata ng pulis na nandito ngayon sa reception area. Nang malakas na binagsak ni ate ang kamay nito sa harapan kung saan nag-su-sulat ang mismong pulis.

“Ho?” takang tanong ng pulis na hindi pa nakabawi sa pagkabigla nito.

“L*nt*k! Si SANTOS NASAAN!” Nanggagalaiti sa galit na sigaw ni ate at kita na ang litid nito sa leeg n'ya sa lakas ng kaniyang pagsigaw.


Napatingin ako sa mga nandito sa loob ng presinto, kung saan nakatingin na ang ilan dito sa amin. Lalo na agaw-atensyon na kami at maging si ate.

Nakita ko ang paggalaw, taas-baba ng adam's apple ng pulis na nahihirapang lumunok ng sariling laway n'ya ngayon. Nakalagay sa uniporme nito o sa kaniyang name tag ang pangalang 'SPO2 MORALES'.


“Ah, si SPO1 Santos po ba?”

“Tssk! Wala akong pakialam sa apelyido ng demonyong 'yon,” saka pinatirik ni Ate Tanya ang dalawang mata nito.

“Sarge, anong problema?” sabat ng kung sino at pagkalingon namin si Santos nga. Hindi ko napaghandaan ang biglang pag-atake ni ate sa kaniya ng sipa, suntok, tadyak na mapapatay talaga siya ni ate na galit na galit na ngayon.

“Ate Tanya!” Mabilis kong hinatak ang braso ni ate palayo doon sa pulis. Ngunit kumalas ito, malakas n'yang binawa ang braso n'ya mula sa pag-hawak ko. Muntik na matamaan ang mukha ko sa lakas ng pag-taas ni ate ng kaniyang braso para bawiin mula sa akin.

“Ma'am, kalma po!” Awat ng isang babaeng pulis na pumagitna na ngayon.

“Umalis ka diyan! Huwag kang humarang!” Umiling naman ang pulis na babae na naka-ngiti sa pag-utos ni ate sa kaniya.

Nakita ko ang pulis na si Santos, na ngayon ay naka-hawak na sa labi n'ya na pumutok at may dugo na. Nakita ko kung paano sinuntok ni Ate Tanya ang panga at ang kaniyang labi. Kaya ito pumutok ngayon.



“Ma'am, ano ba ang problema?” mahinahon at kalmadong tanong ng pulis na babae kay ate.

“Tssk! Wala akong problema. Pero ito! Itongggg PULIS NA 'TO!” Matigas na pagka-sambit ni ate habang dinuro-duro ang pulis na si Santos. Nanginginig sa galit ang ate ko ngayon na gusto ng pumatay sa sobrang galit.




“May ginawa lang naman siya sa ate ko. Hoy! G*G* KA! Ang kapal ng mukha mo... Hinatid mo pa ang ate ko kahapon. Tapos, ang g*g* mo, may ginawa ka pala sa kaniya.... Mabubulok ka talaga sa kulungan na demonyo ka!” Nagtatagis ang bagang ni ate ngayon. Maging ang mga mata n'ya ay dilat na dilat sa galit na nag-a-apoy ngayon na siguro sa titig n'ya kay Santos, mabubulagta nalang ang pulis dito ngayon.

Waitress to Adore ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon