Chapter 2 "Fallin' In-Love"

4 0 0
                                    

Yuan's POV

Today is the third day na hindi ako pinapansin ni Dex. Last na pag uusap namin is nung inihatid niya ako sa bahay tas nakita niya yung picture frame sa kwarto ko.

I said 'yes' kasi nung tinanong niya ako kung gusto ko siya. After na nun, hindi na siya nagtext, hindi na niya ako sinusundo. Walang pagpaparamdam. Wala na, back to normal life na naman ako. No Dex by my side.

Nakita ko na nga yung childhood friend ko kaso bigla namang nag ka ganito, nailang siguro. Kahit ako din naman nagulat sa rebelasyong nangyari eh, pero kasalanan ko ba? Hindi ko naman alam na siya childhood friend ko. Kahit isang clue hindi ko alam.

"Hey, mag isa ka ata ah." sabi ng isang lalake na isa sa nambubully sakin before.

Nakaupo kasi ako dito sa may malapit sa canteen.

"Uhm, oo." maikli kong sagot sabay nagmove ng kaunti kasi lumalapit siya.

Ayokong maatached sa kahit kaninong bully na nagbabait-baitan. Alam ko na mga teknik nila.

"Nasan na si Bebe mo?" nagtaka ako sa tanong niya. Lumingon ako at binigyan ko siya ng tingin na naguguluhan. "Si Dexter." dagdag niya at ngumisi pa siya.

Bebe? Uy jusko, hindi ko siya Bebe! Siraulo ata tong taong ito eh.

"Hindi ko siya bebe. Tsaka ano bang pake mo?" hindi ko na nga napigilan at natarayan ko na ito.

Aalis na sana ako nung bigla niyang hinawakan ng napakahigpit yung kamay ko.

"Aalis ka na? Naguusap pa tayo diba?" aniya na may pagtaas ng boses.

"Oo, may pupuntahan kasi ako. Kaya kung pwede lang bitawan mo nga ako." muli kong pagtataray.

Kinakalas ko yung pagkakahawak niya pero mas lalo pa niyang hinihigpitan. Tumayo na rin siya at hihilain na sana ako ng biglang may lalaking humarang sa kanya at binigyan siya ng malakas na suntok.

"Dex?!" sa gulat ay napasigaw ako.

Biglang nagsilapitan ang mga studyanteng malapit at nagsigawan. Yung iba chinicheeer si Dex habang yung iba dun sa bully.

Ilang saglit pa ay may mga dumating na guard at papalapit na din yung Principal namin. Lalapit sana ako kay Dex ng biglang nagtakbuhan yung mga studyante at nasama ako sa kanila.

Narinig kong tinawag ni Principal si Dex at yung bully at pinapunta sa Principal's Office.

Anong pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon, halos tatlong araw na niya akong hindi kinakausap tapos bigla biglang magpapakahero? Galing ah.

Well, salamat sakanya at tinulungan niya ako dun sa bully. Pero nakakapagtampo lang kasi bakit hindi niya ako pinapansin ng ilang araw? Without any reason. Kahit nag text man lang pero wala eh.

"Nagtatampo ka Yuan?" bulong ko sa sarili.

Shinake ko yung ulo ko at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Kung ano-ano iniisip ko.

-

Ilang oras na ang lumipas at Lunch break na namin. Paglabas ko ay naabutan ko si Dex na naghihintay sa harap ng classroom namin.

"Sabay tayong kakain." aniya at hinawakan ang kamay ko. dahilan upang mapasama nalang ako sa kanya.

Naglakad kami hanggang sa kaniyang sasakyan. Pinapasok niya ako at nagsimula na kaming umalis sa school.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung magpapasalamat ba ako o tatanungin ko siya kung bakit hindi niya ako pinapansin ng tatlong araw.

King Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon