Yuan's POV"Hey, are you okay?" tanong ng kasama ko.
Naglalakad kami dito sa hallway. Dalawang araw na akong hindi mapakali sa nalaman ko dun sa Resto nila Dex. Totoo kaya yung sinabi ni Fred?
"Yuan?" muling sabi niya.
"Ah, o-okay lang ako." sagot ko at ngumiti nalang ako para hindi halatang hindi ako okay.
"Mukhang hindi ka okay, mag-usap tayo mamayang lunch time ha?" sabi niya at nagulat ako nung binigyan ako ng kiss sa pisngi.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng Classroom namin.
"Tell me everything later, okay?" aniya at muli na naman niya akong binigyan ng halik, pero ngayon sa labi na. Smack kiss.
"S-salamat Dex." sabi ko at pumasok na ako sa classroom at umalis na din siya.
In-love ba siya sayo Yuan? Bakit ka niya hinalikan? Ano yung ganap sa resto nila? Palabas lang ba talaga o totoo na? ugh! Ewan. Tanungin ko nalang siya mamaya.
"Hey." sabi ni Claire. Ex ni Dex.
"Hi." maikli kong sagot.
"So, you and Dex are dating, right?" bigla akong natahimik sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ha? Paano mo naman nasabi." tanong ko. Shit ka Yuan. Don't say no or yes. Paikutin mo nalang din si Claire para maiwas ka sa gulo.
"Paano ko nasabi? Yuan my dear, halata naman na you and Dex are dating, I'm not blind." Aniya na may pagbabanta yung boses. "I even saw you a while ago." muli niyang sabi at ngumiti.
"We're just friends, Claire." sagot ko, Putcha hindi ko alam isasagot ko at irarason ko.
"Friends? A straight guy kissing a gay like you?" aniya at nag smirk. "Just a friendly reminder, don't get too attached to him or to his family." aniya at umalis na.
Anong ibig sabihin niya? Is she threatening me?
Hindi ko na pinansin yung mga sinabi niya. Need ko magfocus dahil malapit lapit na ang Finals.
-
Nagaayos na ako ng gamit ko, Lunch break na at may paguusapan pa kami ni Dex. I need to clarify some things so that I can think clearly na. Ay taray Yuan, English yorn?
"Tandaan mo yung sinabi ko Yuan, I'm not against to you and Dex. I just want you to know that you're on the wrong path." ani Claire at umalis na siya ng room.
Natahimik ako sa mga sinabi ni Claire. Parang totoo ngang binabalaan niya ako. Ano bang meron sa pamilya ni Dex?
"Yuan, tara na?" napalingon ako sa may pinto at nakita ko siya na nakangiti.
Ngumti ako at tumayo na. Kalmahan mo lang Yuan, wag ka papahalata. Kaya mo 'to.
Tahimik lang kaming naglalakad dito sa hallway. Nakaakbay siya saakin.
"So, saan mo gustong kumain." Tanong niya.
"Sa Resto niyo nalang." sagot ko.
Tumango ito bilang pagsang-ayon. Nanumbalik ang katahimikan saaming dalawa habang naglalakad parin kami sa hallway. Nakasalubong namin si Claire, kumindat ito saakin at ngumiti naman ako.
Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ni Claire sa mga sinabi niya saakin. Nacu-curious ako.
"You okay, Yuan?" tanong ni Dex nung makapasok na kami sa kanyang sasakyan.
"I'm fine, na pepressure lang ako this upcoming finals." rason ko.
"Everything will be fine, I'm sure makakaya mo, ikaw pa." aniya sabay hawak sa mga kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/303376079-288-k181759.jpg)
BINABASA MO ANG
King Of My Heart
Cerita PendekAng "Happy Love Story" ni Dexter at Yuan na may Sad Ending. Ang Bully na nainlove sa kanyang binubully. KING OF MY HEART, a short story by JIM SWIFT, 2022