S p e c i a l ● C h a p t e r

323 12 2
                                    

"Sky, ano ba. Lumabas ka muna, maliligo nga ako." tumitig ako sa ibang direksyon, lumunok pa ko ng ilang beses.


"Magtatatlong buwan na tayong mag-asawa nahihiya ka parin sa'kin, kabisado ko na nga ang hubog ng katawan mo e." nag-echo sa apat na sulok ng malawak naming comfort room ang boses niya.


Agad namang namula ang pisngi ko, "A-ano ka ba, hindi mo dapat yan sinasabi sa babae." tumalikod ako sa kanya.


Niyakap niya ko mula sa likuran, "Sabay na kasi tayong maligo." bulong niya sa tenga ko, medyo husky pa ang tono ng boses niya.


Bumilis ang tibok ng puso ko.


"Sky Sinclair!! 'Pag hindi ka pa tumigil magagalit na ko." sabi ko sa malambing pero nagbabanta kong tono.


"Magsasabay lang naman maligo e. Higit naman na dun ang nagawa na natin e." pagpupumilit niya, naramdaman kong ngumiti siya kahit na nakatalikod ako sa kanya.


Agad akong humarap sa kanya, awtomatikong natanggal ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa'kin.


"E ayoko nga e, kaya ko nang maligo mag-isa." pagkasabi niyon ay humakbang ako palapit sa kanya para sana itulak siya palabas ng comfort room.


Pero bago ko magawa iyon ay nadulas ako dahil sa basang sahig, at parang slow motion na babagsak sa sahig.

.

.

Pero nasalo niya ko.


Ngumiti siya ng malapad sa'kin, "Reflexes." kinindatan pa niya ko.


Natulala pa ko ng limang segundo bago magregister sa utak ko ang nangyari, "Ikaw kasi e, ang kulit kulit mo." naninisi kong sabi habang nakanguso.


"Hahahahaha!" humagalpak siya ng tawa, "E bakit parang naiiyak ka diyan baby?" hinawakan niya ang gilid ng pisngi ko at marahan iyong hinaplos.


"Pa'no kung napahamak si baby? Edi wala na tayong baby?" nanginginig kong sabi.


"E nasalo naman kita diba? Bilis ko nga e." kinindatan pa niya ko at tumawa siya na para bang nae-engganyo siya sa'kin.


Nakaramdam ako ng inis, "Abnormal ka! Abnormal! Tumatawa ka pa, muntik na ngang mapahamak si baby."


"Hahahaha! Napipikon agad oh, baby ko talaga." akmang yayakapin niya ko pero agad akong umiwas sa kanya.


"Wag mo kong ma-baby baby. Pinaglalaruan mo ko. Bata ka?" sarkastiko ang pagkakasabi ko sa huling parte ng sinabi ko, "Makipaglaro ka dun ng habol-habulan at tumbang preso sa labas! Parang tanga." inirapan ko siya at nag-cross arms pa ko sa kanya.


"Hahahahahahaha! Sungit nitong buntis na 'to. Halikan kita diyan e." tumitig siya sa'kin ng may kahulugan.

A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon