S e c o n d ● C h a p t e r

377 18 2
                                    

"Sky, may pasok pa ko." pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa'kin, pero mas lalo lang itong humihigpit. Ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ko.


"Hmm.." ungol niya.


"Sky.. please? Male-late na ko. Alam mo naman na importante 'yon sa'kin." napangiwi nalang ako sa kakulitan ng nobyo ko.


"Tch." yumakap siya sa'kin na para bang isang bata na aagawan ng laruan.


Ayaw niyang makinig sa'kin. Ano bang dapat kong gawin?


"Naman eh, sige na kasi. Please?" galaw ako ng galaw sa ilalim ng kumot, pero wala iyong silbi- nakapulupot ang katawan niya sa'kin, literal.


Hindi ito natinag. May naisip akong paraan.


Medyo bumangon ako, pero sapat lang para mapagmasdan ko ang mukha niya.


"Sky Ashton, baby. Please? Papabaunan kita ng maraming kiss at hug." masigla kong sabi habang pinagmamasdan ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya.


Idinilat niya ang mga mata niya. Nasilayan ko ang pares ng mga mata niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.


"Stop tricking me milady, I know you so well." at ipinikit na niya ang mga mata niya.


Wala akong nagawa kundi titigan ang maamo niyang mukha, napabuntong hininga ako.


Hindi naman kasi kami katulad ng ibang magkarelasyon na masyadong 'intimate' sa isa't isa. Sa katunayan ay bilang ko sa daliri ko ang mga beses na hinalikan ako ni Sky na higit pa sa dampi. Hindi kasi ako basta basta lang nagpapahalik sa kanya, tanda ko pa na ang huli ay noong birthday niya- tatlong buwan na ang nakakalipas. Sa dalawang taon na pagsasama namin ay hanggang doon lang kami, kahit pa kapwa kaming nasa wastong edad na.


Isa lang ang bagay na hindi ko siya matanggihan, iyon ay ang pagtabi namin sa pagtulog. Hindi siya nakakatulog ng hindi ako katabi, at nagagalak naman akong nirerespeto niya ako.


"Sky naman kasi eh. Galit na ko." pero kahit pagkasabi niyon ay malambing parin ang boses ko. Hindi ata ako marunong magalit.


Ngumuso siya, "Five minutes.." sandali pang kumunot ang noo niya.


Niyugyog ko siya, "Sige na kasi naman kasi." napanguso na din ako.


"Mamimiss kasi kita. Kaya pagbigyan mo na ko." napatitig nalang ako sa mapula niyang labi.


Parang gusto ko siyang halikan. Ano ba yan, nag-iiba na ko. Madumi na din utak ko.


Pero isa lang naman, tsaka dampi lang. Hindi naman masamang maglambing paminsan-minsan diba? Matagal kasi akong nanabik sa lalaking 'to, palagi nalang siyang abala sa pagiging singer niya.

A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon