F i f t h ● C h a p t e r

287 15 2
                                    

Lumipas ang ilang oras, ilang araw at ilang linggo.. pero hindi ko siya kinausap. 


Nakakausap ko lang siya kapag kailangang kailangan, katulad nalang ng pagpapaalam ko sa kanya tuwing aalis ako ng villa para pumasok sa trabaho. 


Hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag niya, at alam ko sa sarili ko na nagiging mali na ako. Pero hindi ko maiwasan. Kahit pilitin ko ang sarili kong maging ayos, hindi ko kaya.


Ni hindi ako makapagtrabaho ng maayos, palagi 'yong sumasagi sa isip ko. Napapaisip din ako minsan kung may patutunguhan ba itong ginagawa kong 'to.


"Baby, lalakad na ko. Magrerecord uli kami ng bagong kanta." nakabihis siya ng pormal sa harap ko.


"Okay." tipid kong sagot.


Gusto kong ayusin ang necktie niya, pabaunan siya ng pagkain. 


At halikan siya sa pisngi bago manlang siya umalis katulad ng dati. 


Pero hindi ko magawa, ni ayaw kumilos ng mga kamay ko. Ni ayaw siyang titigan ng mga mata ko.


"Hey. Kailan mo ba ko papansinin? Ilang—


"Pinapansin kita." putol ko sa kanya, maski ako ay nagulat sa lamig ng boses ko.


"I-ilang linggo na kong nagtitiis sa ganyang treatment mo sa'kin.. Hindi ko—"


"Hindi mo kasalanan. Alam ko." putol ko ulit sa sinasabi niya.


Totoong hindi niya kasalanan. Hindi niya naman alam na may babaeng tatakbo papunta sa kanya at nanakawan siya ng halik. 


"This is unfair. Tingin mo ba—"


"Tingin ko panahon na para lumakad ka na, male-late ka na." ngumiti ako ng pilit sa kanya.


Kaya naman wala na siyang nagawa kundi lumakad na nga. Ang bawat hakbang niya palayo sa'kin ay ang unti-unting pagdurog ng puso ko.


Bago siya lumabas ng silid ay ngumiti siya sa'kin ng tipid, isang pekeng ngiti.


Pero tinanguan ko lang din siya, senyas na pwede na siyang umalis.


Ako pa ba 'to? Totoo ngang nababago ng pag-ibig ang isang tao.


*


"Cath.. patawarin mo na kasi, ayun naman pala eh." naghand gesture pa si Maddie.


Hindi alam ni Maddie na si Sky at Scythe ay iisa. Ang kilala niyang boyfriend ko ay si Sky, at hindi si Scythe. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol doon, pero hindi ko sinabi sa kanya ang buong pangyayari at detalye.

A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon