F o u r t h ● C h a p t e r

277 17 2
                                    

"Catherine, I already told you! I didn't see it coming. She's the one w-who kissed me. She's not even supposed to be there."


Hindi ko alam. Masyadong masakit. Kahit pa hindi niya kasalanan, masakit parin 'yon para sa'kin. Para bang inaapakan ang pagkatao ko, isa 'yong pambabastos. Wala akong magawa kundi umiyak.


"..." wala akong masabi.


Ano pa bang dapat kong sabihin? Nangyari na. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko ay walang magbabago. At hindi ko siya kayang patawarin ngayon.


Nandito kami ngayon sa backstage, iniwan kami ng mga kagrupo niya dito. Hinayaan nila kaming mag-usap ng masinsinan. Sa totoo lang, ang gusto kong gawin pagkakitang pagkakita niyon ay ang umuwi sa bahay. Pero naalala kong wala na pala akong bahay, nakikitira lang ako sa villa ni Sky. Kaya naman wala akong choice kundi magpahatak nalang sa kanya, at pag-usapan ang tungkol doon- kung pag-uusap man itong matatawag.


"Cath, baby. B-believe me. I didn't kiss Samantha back. You and I were both in shock, y-you know that don't you? Hell, you can even-"


Humugot ako ng malalim na hininga, "Samantha pala ang pangalan niya." mahina kong sabi, "Maganda siya." pabulong lang 'yon, at halos ako lang ang nakarinig sa sinambit kong 'yon.


Ang magandang babae na dumaan sa Café, at ang babaeng humalik kay Sky na napag-alaman ko ngayong Samantha ang pangalan, ay iisa.


Kung kanina ay humahagulgol ako, ngayon ay wala nang maririnig sa'kin.


Tahimik na ang pag-iyak ko ngayon, namamanhid na ko.


Sana kanina ay ganito din, hindi siguro ako napahiya sa harap ng madaming tao. Siguro iniisip nila ngayon na nababaliw na ko, na isa ako sa mga hangal na tagahanga niya.


"C-Cath.. look at me.. look at me." pilit niyang hinaharap ang mukha ko sa kanya, pero nakatitig lang ako sa isang direksyon.


Ayokong tumitig sa mga mata niya. Masakit sa'kin.


"H-hey. I-I told you.. it's nothing. It's really nothing.."


"Umuwi na tayo. Pagod ka na rin, kaya naman magpahinga na tayo."


*


"Baby, please. Can't you at least listen to me?" 


"..." walang kahit na anong salita ang lumabas mula sa labi ko.


"Baby? Please, don't make this hard for me." niyakap niya ko ng mahigpit, pilit niyang sinasara ang distansya sa pagitan ng katawan namin.


Ang selfish ko, hindi ko siya kayang patawarin. 


Pero kasi, masakit talaga sa'kin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang pakinggan.  


"..."


"Please believe me. Alam mong hindi ako magsisinungaling sayo." lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa'kin.

 

"..."


"M-matagal nang may gusto sa'kin si Sam. Siguro kaya niya 'yon ginawa para mag-away tayo. Para sirain ang relasyon natin." patuloy niyang sabi.


"Talaga? Alam niyang magkarelasyon tayo?" walang timpla ang boses ko.


"B-baby, yes. Lagi kitang naiku-kwento sa mga-"


"Matagal na siguro kayong magkarelasyon. Meron pa ba akong hindi nalalaman?" namumuo nanaman ang luha sa mata ko.


"Baby, w-wag kang magsalita ng ganyan. Alam mo naman na.."


Hindi ko siya pinatapos, "H-hindi kita masisisi kung magustuhan mo siya." sambit ko, "Mas maganda siya sa'kin, mas sexy, tapos mayaman siya.. ako-"


"Ikaw ang mahal ko. At hindi 'yon magbabago."


"Mahal din kita. Kaya.. kaya ako n-nasasaktan ng ganito."


Niyakap niya ko ng mahigpit, mahigpit na mahigpit na tila ba ayaw niya kong pakawalan.


"Sorry na baby.. Sorry for hurting you unintentionally." mas hinigpitan niya ang yakap sa'kin, kung may ihihigpit pa 'yon.


Pero kahit na gaano kahigpit ang yakap niya sa'kin-


Pakiramdam ko parin ay may kulang na piraso sa puso ko.


Hindi ko din alam kung tama pa ba ang ginagawa ko, pero nasasaktan talaga ako. Kailangan ko din isipin ang sarili ko, kahit papano.


Hindi ko akalain.. na dadating ang panahong hindi magiging sapat sa'kin ang 'sorry' lang.


Hindi na sapat sa'kin ang sorry 'lang'.

A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon