S i x t h ● C h a p t e r

272 15 2
                                    

*CLAAAAANNKKKKKK!!*


Nanikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.


"Sh*t" agad na tinulak ni Sky si Samantha mula sa kandungan niya- dahilan para mapaupo ito sa sahig.


"What the hell?" maarte nitong sabi.


Hindi niya ito pinansin, lumapit siya sa'kin. "Baby, are you alright?" hinawakan niya ang pisngi ko.


Hindi ako makakilos. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Kusang tumulo ang mga luha ko sa pisngi ko, pababa sa leeg ko.


"F*ck, you have a long cut on your thigh." umupo siya sa harap ko, kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ito.


Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko.


Halo-halo ang nararamdaman ko.


"Scythe? Honey!" malanding tawag sa kanya ni Samantha.


"Lubayan mo ko. Baka di ko mapigil ang sarili ko at masaktan kita." may halong pagbabanta ang boses ni Sky.


Tumayo siya at humarap dito.


"Tantanan mo na ko. Kahit kelan hindi kita magugustuhan." pagkasabi non ay binuhat niya ko.


Masama ang loob ko, pero wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Mahina kasi ako, isa akong mahinang babae.


"Scythe! You can't do this!" nagpapadyak pa ito.


"Back off." mababa ang boses ni Sky, kahit ako ay natakot sa tono niya.


Saktong dumating si Maddie, "Anong nangyari?!" nagulat siya ng makita ang nabasag na baso sa sahig, lumingon siya sa gawi ko, "Oh my god! Nasugat ka ba?"


"Pakilinis nalang ang kalat. I-uuwi ko na ang mahal ko." seryosong sabi ni Sky.


Nakatulala lang ako sa kawalan.


"S-sige." sabi nalang ni Maddie.


"Scythe!"


"Ikaw?!! Ikaw nanaman?! Tsaka anong Scythe?" lumingon siya kay Sky bago napanganga, "Ikaw si Scythe? Oh my! Alam mo ba-"


"Don't tell anyone." pagkasabi niyon ay naglakad na siya papalabas ng café, habang buhat buhat niya ko.


Bago kami makalabas ng café ay narinig ko pa ang matining na boses ni Maddie sa loob, "Ikaw na babae ka! Tigil-"


Nakalabas na kami. Kaya naman hindi ko na narinig pa ang sinabi niya kay Samantha.


A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon