T h i r d ● C h a p t e r

314 18 2
                                    

"Wooooooooooooooooooo!!"


Lalong lumakas ang hiyawan ng mga manunuod nang lumabas si Scythe sa malawak na entablado.


Nakakabingi ang ingay, ganito pala kasikat ang mahal ko. Hindi na rin nakakapagtaka dahil kabilang siya sa pinakasikat na boy band sa buong Asya, ang Escal-8 


Mas angat siya kaysa sa mga kabanda niya- dahil siya lang naman ang main vocalist, lead guitarist at ang mismong leader ng Escal-8


"Good evening everyone!!!" bungad ng lalaking mahal ko. Ibang iba ang itsura niya kapag nakatapak siya sa stage, kapag kaharap niya ang mga fans niya. Pakiramdam ko ang taas taas niya.


"Wooooooooooooooooooooooooooooo!!!" everyone said in chorus.


"Are you guys ready to have fun?!" tinapat pa niya ang mic sa'min.


"Yeeeeeeeessssssssssssssssssssssss!!!!!"


Pagkasabi niyon ay nagsimula na ang background music,


Tumitig siya sa direksyon ko, "This is for my love, my one and only." sabi pa niya bago simulan ang pagkanta.


Tell me, Tell me Tell me love

Tell me Tell me Give me your love

Love me Love me Come into my arms

Kiss me Kiss me I will only love you~ ♫


Ibang iba ito.


Ibang iba ito kaysa sa mangilang beses na narinig ko siyang kumanta.


Ito kasi ang unang beses na napanuod ko siya ng live.


Naninindig ang balahibo ko, idagdag pang ako ang pinakamalapit sa kanya. Ikinuha niya kasi ako ng pinakamahal na ticket.


I act like a fool when you smile,

When I look at you, you are like a pretty doll

My heart goes thump thump,

Because of you my day is better~


Nakatitig siya sa'kin habang dama ang pagkanta.


Nadama ko rin ang pagkanta niya, para bang kinakanta niya ito para sa'kin. Kumakanta siya nang galing sa puso. Pakiramdam ko tuloy ay solo namin ang buong lugar.


At kinakanta niya ito para sa'kin. Para bang ang lahat ay para sa'kin, sa akin lang.


I want you oh my love Only look at me,

I will only love you even if the whole world changes

Oh my love My heart starts to thump when I look at you,

I will always have you in my heart~ ♫

A Relationship With An Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon