Chapter 5

337 3 0
                                    

Sophie's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung binitiwang salita ni Margarette. Ano ba ibig sabihin nya noon? Alam kong malaki ang galit noon sa akin dahil sa isip nya inaagaw ko ang lahat sa kanya. So, ibig sabihin aagawin nya sa akin si Dayle? Para gantihan ako? Sana mali ang conclusion ko. Wala naman ako ginagawang masama sa kanya, hindi ko naman kasalanan ang nangyayari sa aming dalawa.

Haaay! Makatulog na nga dahil maaga pa bukas. At sana mabura na sa isipan ko yung tungkol sa sinabe ni Margarette! Papatayin ko nalang sana ang ilaw ng biglang may tumunog..

* insert blankspace ringtone *

Calling....

My King. ❤

0906****789

"Hello Baby!" -- Dayle

Tsk. Ang corny ng mahalko. HAHAH

"Hi Babe, napatawag ka? Gabi na ahh, di ka pa matutulog?" Sabi ko

"Mag gogoodnight lang naman ako bhansott!" Dayle

"Ganoon? Pwede namang etext ahh?" Sophie

"Baket? Ayaw mo ba marinig ang boses ko? Okay sige, Goodnight! Iloveyou. Matulog kana. Bye" sabi ni dayle at pinatay yung phone nya.

Problema noon? Galit? Babaan daw ba ako ng Phone!

Ma etext nga siya..

Uyy babe! Problema mo? Galit agad? May nasabi ba akong mali? Kung meron man, Sorry. Goodnight Babe. ❤ Iloveyoutoo. Tulog kana din!

*click send*

At natulog na din ako.

---------------

Kinabukasan ..

Dayle's POV

Kakainis naman si Sophie, tumawag nga ako ksi namimiss ko na sya, tapos parang ayaw nya, di nya man lang siguro ako namiss. Napabuntong hininga nalang ako nasa harap na ako ng pinto nila Sophie, at biglang bumukas ang pinto,

"Oh anak, anjan kana pala. Halika sa loob at mag almusal. Sabayan mo na si Sophie." Sabi ni tita.

Di ko pala nasabi sa inyo na close ako sa family ni Sophie. Ganoon din sya sa family ko. Anak nga tawag nila sa akin.

" Goodmorning tita. :) Ahh. Sige po!" Sabi ko nalang.

Nagtatampo nga pala ako kay Sophie. Pero, isasantabi ko nalang muna. Siguro sadyang inaantok na sya that time. Late na rin kse ako tumawag.

Nakita ko na kumakain si Sophie, dahan-dahan akong pumunta sa kinaroroonan nya para hindi nya ako mahalata. Nung nasa likod nya na ako, kinuha ko yung dala kong rose for her!

"Hey bhansott! Rose for you." Sabi ko nang nakangiti. Syempre kelangan pogi ako dba?

"Babe, di ka galit o kaya nagtatampo. Mag eexplain ako bat ganoon ako kagbi sayo." Sabi nya with worried face.

Pinagsisihan nya din pla. Hahaha.

"No need babe. I understand!" Sabi ko.

Bigla akong hinug? Nice ang aga ko namang naka score! I hugged her back.

"Babe, halika sabayan mo na akong kumain. Para makpasok na tayo sa skool." Sabi nya at nagsmile.

Syempre sumabay na ako. Di rin ako nakapagbreakfast ng maayos sa bahay. Kakaisip sa nangyari kagabi. Masaya ko, dahil ayos na kami.

--

Sa school

Nasa hallway na kami ni Sophie, papunta sa room nya. Ang daming mga nakatingin sa amin na parang mga kinikilig. Ang gwapo ba naman ng boyfriend ni Sophie, sinong hindi kikiligin. Hahaha. Eto namang si Sophie walang tigil sa pag "Hi" o sa pagbati sa mga nakakasalubong at pumapansin sa amin. Napaka Sociable ng Girlfriend ko. Good for her!

Malapit na kami sa room nya ng mahigip ng paningin ko si Margarette ksama ang kaibigan nya na ang sama ng tingin.

Naalala ko na naman tuloy yung sinabe nya sa park. Alam kong gusto nya kaming sirain dahil sa inggit na inggit sya kay Sophie, pero sorry sya di ko hahayaang mangyari yun.

Andito kami sa harap ng pintuan.

"Babe, thank you sa paghatid. Pasok kana rin baka malate ka pa!"- sabi nya tapos kiniss nya ako sa right cheek ko.

Mahal ko talaga tong girlfriend ko na to. Nagkukusa na sya, hindi ko na kailangang hingiin.

"Sure bhansott! Kita tayo mayang recess. Hintayin mo ko dito ahh." Sabi ko then i kiss her on her forehead.

At tuluyan na akong umalis, dahil baka malate ako.

--

Nakita naman lahat ng nangyari ni Margarette at waring nasusuka doon nakita nya.

Margarette's POV

"Ano ba naman yan, pati dito sa school naglalandian yang dalawang yan. Nakakaburyo namang tingnan." sabi ko sa kasama ko.

"Hindi nman ahh! Sweet nga nilang tingnan" -- Zashiki Lou Valdez

"Ano ba?! Kanino ka ba kampi? Kita mo naman na kami ang bagay ni Dayle!" Sabi ko na naiinis.

Ito namang si shiki botong-boto pa kay sophie, sino bang kaibigan nya? Alam nya naman na against ako sa dalawa.

Hayy! Gagawin ko talaga ang lahat masira lang ang dalawa. Ang kapal ng Sophie na yan. Akala mo talaga kong sino e. Mas kita naman na mas maganda at mas sikat naman ako saknya.

(A/N - Sorry short lang ang update ngayon. Walang masyadong pumapasok sa isip ko.:) Sana magustuhan nyo kahit papano. Nag isip din ako e. :) Please Vote, and Comment.:))

My Possessive Boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon