Kabanata 7

1.2K 23 0
                                    

Pumasok ako sa loob ng resto bar namin ni Mau. Nakita ko si Louie at si Maureen na nagtatawanan. Katatapos lang ata nilang maglinis dito. Dumako ang mata sa akin ni Maureen at kita ko ang pag aalala niya sa akin.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Niyakap ko siya ng buong higpit. Nakita ko ang gulat sa mata ni Louie.

"Maaauu, ang sakit. Ang sakit sakit. Para akong namatay sa pangalawang pagkakataon" humagulgol ako sa balikat ni Maureen.

"Sinabi ko naman kasi sayo eh na huwag mo na siyang i pursue" pagalit nito sa akin.

Humiwalay ako kay Maureen.

"I know I hurt him when I left him pero anong magagawa ko Mau. Binigyan na ako ng taning ng doktor. Hindi ko kayang iwan siya na nakatali sa akin Mau kung alam kong mamatay ako. Hindi ko kayang iwan siyang mag isa kaya mas pinili kong palayain siya. Kung alam ko lang na mabubuhay ako Mau, hindi ko na lang sana siya pinakawalan. Kung alam ko lang na malalagpasan ko pala lahat ng yun, sana pinili ko na lang manatili" umiyak ako at kita ko ang pagkagulat sa mata ni Louie matapos marinig lahat ng sinabi ko.

Inilabas ko ang tissue kung nasaan ang baby ko. Dahan dahan kong inilipat ang abo niya sa isang heart na pendant.

"Ang baby ko Mau. Ang baby ko. Ang sakit sakit habang inaalis ko siya sa kwintas na binigay ng ama niya. Ang sakit ng puso ko Mau" hinampas ko ang dibdib ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Napalingon kami lahat ng bumukas ang pintuan ng resto bar. Mula doon ay pumasok si Ethan na hinihingal. Nagtagpo ang mga mata namin. Naglakad siya papalapit sa amin pero sinalubong siya ni Louie ng suntok.

Napatayo kami parehas ni Maureen para pigilan si Louie.

"Tangin* mo Ethan. Mahal mo si Jee di ba ? bakit mo sinasaktan? Gag* ka! Nakita kita paano ka nadurog nang nawala siya at ngayong nandito na siya sasaktan mo lang. Wala kang karapatang saktan siya. Yung sakit na naranasan mo gag* walang wala yan sa pinagdaanan ni Jee" galit na sigaw ni Louie. Inilayo ni Maureen si Louie kaya kami ni Ethan ang naiwan.

"Jee" malungkot siyang lumapit sa akin pero umatras ako.

"Please, let's talk" namumula ang mata nito nang tingnan niya ako. "I want to hear your side"

Natawa ako sa sinabi niya.

"No, Ethan. You don't have to hear my side. Tama ka I left you at tama din si Aya na dapat hindi na ako bumalik. Just believe whatever she tells you Ethan" umiiyak kong sabi sa kanya

"No, Jee"

"JUST F*CKING BELIEVE HER ETHAN!" sumigaw na ako dahil sa sakit na nararamdaman. Hinampas ko ang dibdib niya ng dalawa kong braso. "Wala kang puso Ethan. Wala kang puso! Ang dali dali sayong iparamdam sa akin kung gaano ako kasamang babae. Ang dali dali para sayo na iparamdam sa akin na wala akong halaga. Wala kang puso"

Hindi ako pinigilan ni Ethan sa ginagawa kong pananakit sa kanya.

"Oo na masama na ako. Masama na ako Ethan pero tao din ako oh! May nararamdaman ako! Marunong akong masaktan. Itong puso ko hindi mo alam kung ilang beses kung hiniling na huminto na lang sa pagtibok kasi ang sakit sakit na. Sa loob ng anim na taon hindi mo alam kung ilang beses kung hiniling na hindi na magising kinabukasan dahil wala ka sa tabi ko. Nakakapagod lumaban mag isa Ethan. Pero ginawa ko dahil mahal kita! Mahal kita kaya lumaban ako pero tangin* Ethan ang sakit mong magmahal"

Napasubsob na ako sa dibdib niya.

"Ang sakit mong magmahal Ethan" bumuhos ang luha ko nang marinig ang mga hikbing nanggaling kay Ethan. Hinawakan niya ang ulo ko at idiniin niya ito sa kanyang dibdib. Iniyakap niya sa akin ang kanyang mga braso. Nang maramdaman ko ang init ng yakap niya ay halos bumigay ang tuhod ko. Lalong lumakas ang iyak ko dahil sa init na dala ng mga yakap niya.

Villafuerte Series #3: Way Back Home Where stories live. Discover now