Special Chapter: The Wedding

1.2K 39 8
                                    

Lumabas kami ni Ethan at Tenten para maligo sa dagat.

"Nanaaaaayyy" malakas na sigaw ng anak ko nang dalhin siya ni Ethan sa malalim na parte ng dagat.

"Ethan, wag sa masyadong malalim" paalala ko dito.

Kita ko ang takot sa mga mata ni Tenten habang sinisigaw ang pangalan ko. Lumangoy ako patungo sa mag ama ko.

Nang makalapit ay hinampas ko agad ang braso ni Ethan na tuwang tuwa sa reaksyon ng anak niya.

"Natatakot yung bata" pagalit ko dito

"Baby, I won't let anything bad to happen with my precious son" sabi nito

"Nanay, hindi ba ako lulubog?" tanong ni Tenten habang mahigpit ang kapit sa leeg ng ama.

"No baby, do you trust Tatay?"

"Opo"

"Hindi ka pababayaan ni Tatay" nakangiti kong sabi dito. Unti unting lumuwag ang pagkakakapit ng anak namin sa leeg ni Ethan. Unti unti na ring sumilay ang ngiti sa labi nito lalo na nang lumulutang na siya sa dagat. Napakalakas ng tawa ni Tenten sa tuwing makakalangoy siya.

Sobrang saya ng puso ko sa tuwing humahalakhak ang anak ko. Nang mapagod ay umahon na kami. Isinuot ko kay Tenten ang roba nito.

"Nanay, masaya ka po ba?" tanong nito sa akin

"Sobrang saya anak" sabi ko at kinarga siya

"Gusto ko pong palagi kang masaya nanay. Deserve mo po yun" hinalikan ako sa pisngi ng aking anak. Nakalapit na rin sa amin si Ethan at mabilis na kinuha sa akin si Tenten.

Hawak niya sa isang kamay si Tenten. Hindi ko mapigilang mapangiti nang kunin niya ang aking kamay at pagsalikupin ang aming mga daliri. Dinala niya ang aking palad sa kanyang mga labi at hinalikan ng ilang beses.

Habang naglalakad ay kita ko ang malalagkit na tingin sa kanya ng mga babaae.

"They are all staring at you" inis kong sabi

"Kasalanan mo. Nag asawa ka ng gwapo eh" mukhang proud pa nga siya sa napuna ko.

Nagbanlaw kami sa kwarto at marahil sa pagod ay nakatulog agad kaming tatlo.

Naalimpungatan ako nang umihip ang malamig na hangin. Napansin kong wala ang mag ama ko. Napatingin ako sa orasan 8pm pa lang. Nag ayos ako ng sarili at palabas na ng pumasok si Calixta at Kim.

"Ate Jee. Let's go out tonight" yaya ni Kim

"Oo nga let's have fun hayaan natin si Vincent at Ethan sa mga bata" sabi pa ni Calixta.

Napangiti ako sa naisip ng dalawa. Sabagay, ngayon ko na lang ulit to magagawa.

Pinasuot ako nila Calixta ng isang white beach dress na abot hanggang sa ankle ko. Nilagyan din ni Kim ng make up ang mukha ko.

"Parang hindi naman pang bar tong suot ko" natatawa kong sabi

"Ate Jee lahat tayo naka white oh kaya keri na yan" sabi nito

"Oh you wait here ha! Magbibihis lang kami. Wag ka ng lumabas baka makita ka ni Kuya Ethan at Tenten mahirapan tayong umalis"

"Okay"

Mabilis akong iniwan ng dalawang babae. Ilang saglit pa ay pumasok ang anak ko na naka white long sleeve. Naka suspender at may bow tie na itim.

"Kaninong anak ka?" Biro ko dito

"Sayo nanay saka kay tatay" sabi nito at niyakap ako. I kissed his forehead at humagikhik naman ang anak ko.

"Tara nanay bilis may surpise ako sayo" sabi nito. Nagpatianod naman ako sa gusto ng anak ko.

Villafuerte Series #3: Way Back Home Where stories live. Discover now