Kabanata 2

653 24 1
                                    

Napangiti ako at umupo para magtama ang mata namin ng batang pulubi.

"Ito oh sayo na lang" nakangiti kong sabi sa kanya. Kitang kita ko ang saya sa mata niya. Binuksan niya ang box at kumuha ng isang brownies

"Ang sarap ate ganda" napangiti ako sa sinabi niya. Nagpasalamat sa akin ang bata at umalis na sa harapan ko. Tumayo ako pero agad na napahawak sa dibdib.

"Palakang nagulat" sigaw ko nang pagtayo ko ay nasa likuran ko si Ethan. Kita ko rin ang pagkagulat niya.

"Ano ka ba! Para kang kabute" hinampas ko siya sa braso. Agad ko namang tinago ang kamay ko sa likuran nang mapagtanto ang ginawa.

"Akin yun" sabi niya. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Ha?" nagtataka kong tanong sa kanya

"Yung brownies. Akin yun" inis na sabi nito. Agad na nagdiwang ang puso ko sa narinig mula sa bibig ni Ethan.

"Akala ko ayaw mo" nangingiting sabi ko sa kanya. Matalim niya akong tinignan kaya mabilis kong tinikom ang bibig ko para itago ang ngiti. Napabuntong hininga si Ethan.

"Bakit mo kasi tinapon?" tanong ko dito. He just looked away from me.

"Ethan" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Aya walked towards our direction. "Tara na" yaya nito at hinawakan si Ethan sa braso para ilayo sa akin.

Wala na naman akong nagawa kundi pagmasdan ang likod niyang naglalakad palayo sa akin.

"Ethan" tawag ko dito. Nilingon niya ako. I stared at his face for a moment. I smiled at him. "I'm really really happy to see you" hindi ko na hininty ang sagot ni Ethan dahil tinakbo ko na ang sasakyan ko. Mabilis akong pumasok sa loob nito at marahang tinapik ang puso ko.

Pumikit ako at inalala ang mukha ni Ethan. Six years ago akala ko hindi ko na siya makikita pero ngayon napagmasdan kong muli ang kanyang gwapong mukha. Six years ago I thought I'll die without telling him that I love him but now I live at sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko.

Ilang araw na akong pumupunta dito sa opisina nila Ethan para dalhan siya ng mga bini bake kong mga pagkain at palagi niya akong hindi binababa kaya minsan binibigay ko na lang sa guard o di kaya kay Tenten ang batang pulubi na palaging nakaabang sa akin.

Nandito na naman ako ngayon sa lobby ng kumpanya. Nag aabang kahit anino man lang ni Ethan. Napatayo ako nang makitang palabas sila ni Aya sa elevator. Lumapad agad ang ngiti ko at tinakbo siya.

"Ethan, finally nakita din kita" masaya kong sabi dito. Tinignan lang nila ako ni Aya.

"Let's go Aya" sabi nito at naglakad para lagpasan ako.

"Wait" sabi ko at hinabol siya. "For you blueberry cheesecake. Favorite mo" at inabot ko sa kanya ang maliit na box.

Pumikit ito at huminga ng malalim bago ako tignang muli.

"What game are you playing here, Jee?" inis na sigaw nito.

"I just want to bake you some pastries" malumanay kong sagot sa kanya.

"For what?"nakakunot noo nitong tanong

Napabuga ako ng hangin. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa kaya naglakas loob akong magsalita.

"I want you back" diretso ang tingin ko sa mata niyang kulay abo

Sarkastikong tinawanan ni Ethan ang sagot ko. Agad na nakatawag ng atensyon ang ginawa niya.

"Gaano kakapal yang mukha mo Jee ha! YOU LEFT ME SIX YEARS AGO FOR YOUR SELFISH DREAMS! I begged you to stay but you turn your back away from me. Ni isang lingon hindi mo ginawa. Now, you're telling me you want me back?" napahawak siya sa noo niya at muling tumawa "Gaano kahirap intindihin ang salitang AYOKO NA SAYO! Ayoko sa babaeng makasarili! Matagal na kitang binura sa buhay ko Jee" sigaw nito sa akin.

Villafuerte Series #3: Way Back Home Where stories live. Discover now