Kabanata 19

1K 24 0
                                    

"Nanay, nanay" ramdam ko ang labi ni Tenten na pinapaulanan ang mukha ko ng mga halik.

I smiled as I opened my eyes.

"Ang tagal mo pong gisingin nanay" reklamo nito at sumiksik sa aking dibdib. Ngayon ko lang din naramdaman ang mga braso ni Ethan na nakayakap sa aking beywang habang himbing siyang natutulog.

"Nanay, may surprise ako sa inyo ni Tatay sa baba" masayang sabi nito.

"Really?"

"Opo kaya gising na kayo"

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Ethan. Mabilis na sumandal si Tenten sa tyan ng ama. Hinawakan nito ang dalawang pisngi ng ama bago paulanan din ng halik.

"Tatay, Tatay" sabi nito habang panay ang halik sa ama. Idinilat ni Ethan ang isa niyang mata at napangiti siya ng makita si Tenten. Hinila niya si Tenten at inihiga sa tabi niya. Mabilis niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ng aming anak dahilan para tumawa ito ng malakas.

"Tatay, may kiliti po ako dyan" sabi nito sa gitna nang pagtawa. "Bangon ka na po may surprise ako sa inyo ni Nanay"

"Talaga?" Nagdilat na ng mata si Ethan

"Opo"

Hinintay kami ni Tenten habang nag ayos kami para sa pagbangon. Pababa pa lang kami ay rinig ko na ang tawanan. Nagkatinginan kami ni Ethan nagtataka kung sino sino ang nasa bahay.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang kumpletong pamilya ni Vincent na nandito sa loob ng condominium ko pero mas nagulat ako nang makita si Daddy na busy sa pagluluto.

"There's my baby" sabi nito at ibinuka ang mga braso.

"Daddy" niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko mapigilang hindi maluha nang maramdaman ang mga yakap niya. "Thank you for seeking justice for me and Tenten Dad. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo ni Kuya Axel" napahikbi ako nang maisip ang lahat ng sakripisyo ng pamilya ko para sa akin. Mula sa pag aalalaga at pag hahanap ng katotohanan sa aking anak.

Pinunasan ni Daddy ang mga luha sa mata ko at hinalikan ako sa noo.

"Anything for our bunso. I told you I'll do everything for you"

"Lolo, luto na po ba kasi...." hindi natapos ni Tenten ang tanong dahil tumunog na naman ng malakas ang tyan niya.

"Ayun, nauna na naman yung tyan ko na magsabi" napakamot siya sa ulo. Napatawa kaming lahat dahil sa sinabi niya. Binuhat siya ng papa ni Ethan at hinalikan sa pisngi.

"Kahit anong gusto mong kainin apo, pwede mo nang kainin ngayon" masaya nitong sabi.

"Opo, Lolo pero mas gusto ko pa din po ang mga bake ni nanay kasi masarap po talaga yun"

"Mommy's boy ka din Kuya Tenten tulad ni Kuya L" natatawang asar ni Octavia sa kakambal niya at kay Tenten.

"No" sabay naman na tutol ng dalawang lalaki.

"Sige na, fix your things sabi ng mama ni Ethan"

"Where are we going?" sabi ni Ethan. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Nakaramdam ako ng konting hiya nang makitang nakitingin sa amin ang mga tao sa loob ng bahay.

Bahagya kong inalis ang kamay niya pero mas hinila niya lang ako palapit sa kanya.

"Stop, Jee I still wanna cuddle you" bulong nito sa tenga ko na dahilan para tumibok ang puso ng sobrang lakas.

"Pupunta tayo sa beach tatay" masayang sabi ni Tenten.

Nag asikaso kami at hinanda ang lahat ng kailangan. Hindi na kami nagdala ng sasakyan dahil dala ng pamilya nila Ethan ang isang malaking van.

Villafuerte Series #3: Way Back Home Where stories live. Discover now