Kabanata 4

658 21 0
                                    

Simula nang kinuha ko si Tenten ay lumipat na ako ng bahay. Nung una ayaw nila Tita Celeste pero kalaunan ay pumayag na din. Mas naging masigla at masaya ang buhay ko nang mapasa akin si Tenten.

"Ten? Kain na tayo" yaya ko sa bata.

Tumakbo si Tenten palapit sa akin at nagpakarga para makaupo sa upuan. Nilagyan ko ng kanin, hotdog, at bacon ang plato niya. Magana siyang kumakain nang tumunog ang cellphone. It is Kuya Axel who is calling.

Sinagot ko ang video call ni Kuya.

"Hi, how are you?" nakangiti nitong tanong

"Doing good kuya"

"Where's our little Tenten?" tanong nito. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Tenten ng marinig ang pangalan niya. Mabilis na umiling si Tenten. Nahihiya kasi siya pagdating kay Kuya. Napangiti ako nang mamula ang mukha niya. Kininditan ko si Tenten.

"Kuya wala si Tenten eh" sabi ko at pinindot ang back camera para makita ni Kuya si Tenten "Nagtatago ata" dagdag ko pa.

Tahimik na napahagikgik ang bata.

"Naku, may papakita pa naman sana akong pasalubong sa kanya. Right Daddy?"

Nagpakita na din si Daddy sa camera.

"Sayang naman baka ayaw niya tong sapatos saka mga laruan" natatawang sabi ni Daddy dahil ngayon ay nakikita nilang nakabuka ang bibig ni Tenten.

"Ate Ganda" mahinang tawag ni Tenten sa akin. "Sabihin mo nandito na ako" bulong niya at napanguso

Sabay na tumawa ng malakas si Kuya Axel at si Daddy nang marinig at makita ang reaction ni Tenten.

"We can see you Ten"

"Ate Ganda naman eh" lalo tuloy humaba ang nguso nito nang malaman na nakaharap sa kanya ang camera. Bumaba siya at lumapit sa akin. Kinarga ko siya para makaupo siya sa binti ko.

"There you are. Kung hindi ko lang alam na hindi mo mama si ate ganda mo pagkakamalan ko kayong mag ina. You look so cute together" napatingin kami ni Tenten sa isat isa at sabay na napangiti.

"Look Ten we bought you a lot of toys and shoes. Dadalhin namin dyan pag uwi namin" sabi ni Daddy.

"Talaga po sir. Salamat po" napapalakpak pa si Tenten sa narinig.

"Call me Lolo first" hiling ni Daddy.

Napayuko si Tenten.

"Nakakahiya po eh. Hindi niyo naman ako apo" nakaramdam ako ng lungkot sa narinig mula kay Tenten.

"Ten, you're now part of our family. Kami na ang mag aalaga sayo kaya dapat Lolo na ang tawag mo sa akin. I already love you kahit di pa kita nakikita sa personal"
Napangiti si Tenten sa narinig.

"Talaga po? Salamat po Lolo" lumapad naman ang ngiti ni Daddy dahil sa narinig.

"Sige na Kuya and Daddy. Mag aayos pa kami ieenroll ko pa si Tenten" paalam ko sa mga ito.

Nang unang beses kong pinaalam na gusto kong ampunin si Tenten ay mabilis na umayaw si Daddy at si Kuya. Kagagaling ko lang daw mula sa sakit at baka hindi pa ako handa maging ina para dito. Ilang ulit ko silang kinumbinsi pero nang ipakita ang itsura ni Tenten at nang marinig nila ito ay lumambot din ang puso nila. Agad na nahulog ang loob nila sa bata lalo nang palagi nila nakikitang napapasaya ako ni Tenten.

Masaya kaming lumabas ni Tenten mula sa registrar office dahil enrolled na siya

"Jeeya?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Oh my gosh, Calixta" napayakap agad ako dito.

Dumako ang tingin niya kay Tenten.

"Hindi niya po ako anak" mabilis na sabi ni Tenten nang makitang nakatingin sa kanya ang babae.

Villafuerte Series #3: Way Back Home Where stories live. Discover now