Kabanata 20

986 24 1
                                    

"Just let me go Ethan" galit na sabi ni Jee sa akin

"Tapatin mo nga ako, mahal mo pa ba ako o ginagawa mo na lang dahilan yang pangarap mo para iwan ako" mapait kong tanong dito

Hindi siya sumagot sa tanong ko na mas nagpasakit sa nararamdaman ko.

"Sampung hakbang Jee. Humakbang ka ng sampung beses palayo sa akin kapag nagawa mo yun nang hindi lumilingon palalayain kita. Hindi na kita pipiliting manatili sa akin"

Nakayukong tumango ito sa akin. Tumalikod siya at nagsimulang humakbang. Ang sakit sakit ng puso ko sa tuwing tinatahak niya ang bawat hakbang. Nakikita ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat. Umiiyak siya.

"Isang lingon lang Jee. Isang lingon lang ang kailangan ko at magkakandarapa akong tumakbo papalapit sayo" mahina kong bulong sa hangin.

Basag ang puso ko nang nagpatuloy siyang humakbang hanggang sa panglabindalawang beses. Hinawakan ko ang dibdib ko at napayuko. Tapos na, wala na. Tumalikod ako at kahit sobrang sakit ng puso ko ay humakbang ako palayo sa babaeng mahal na mahal ko.

"Ethan!" nag aalalang nilapitan ako ni Aya. Niyakap niya ako at wala akong nagawa kundi umiyak sa mga balikat niya ng gabing yun. Ibinuhos ko ang sakit ng pag iwan sa akin ni Jee.

"Pre, babalik yun. Naniniwala akong mahal ka ni Jeeya" pagpapalakas ng loob ni Louie sa akin.

"Louie, mag aanim na taon pero ni isang message wala akong natanggap sa kanya. Masaya na siya. Pinakita sa akin ni Aya ang bagong lalaki sa buhay niya. Talagang kinalimutan niya na ako" masakit man ay pinilit kong tanggapin na wala na kaming pag-asa ni Jeeya.

Tumigil ako sa paglalakad at nanigas ang buo kong katawan ng makita ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin ng sobrang higpit pero damang dama ko pa rin kung paano niya kong iniwan ng luhaan sa lugar na to.

"I want you back" sabi nito sa akin. Matagal ko nang gusto tong marinig sa kanya pero ngayong narinig ko na ay nasasaktan ako. Ang dali niya kong iniwan noon tapos babalik siya na parang hindi niya ako binasag noon.

Palagi siyang nasa kumpanya ko. Tambay ako sa CCTV room araw araw para pagmasdan siyang naghihintay doon. Wala akong ibang pinapanood sa monitor room kung hindi siya lang. Alam kong sobra ko siyang nasaktan sa mga pinakita ko sa kanya ng mga unang beses kaming magkita.

Naiinis akong makita kung paano niya tanggapin lang lahat ng mga masasakit na salitang sinasabi ko sa kanya. Nadudurog ang puso ko sa tuwing kailangan niyang umalis na nakayuko dahil sa pamamahiya ko sa kanya. Sa tuwing nakakaalis na siya sa lobby ay doon ako mabilis na bumaba para kunin ang iniiwan niyang mga pastries.

"Akin na yan" inis kong sabi sa empleyado ko

"Sir sabi ni Ms. Jee sa akin na daw to. Ang sarap kaya bat kasi ayaw mo pang kitain. Ganda ganda pa naman niya"

"Isa, ibibigay mo o tatanggalin kita sa trabaho"

"Hati na lang tayo sir"

"Fine" inis kong sabi dito kesa naman hindi ako makakain ng gawa ni Jee

"Naku sir kung ganyan ka ng ganyan mauunahan ka. Ang dami nang umaaligid kay Ms. Jee. Lagi mo kasing dinidisplay sa lobby eh. Tignan mo oh"

May pinakita sa aking group chat ang empleyado kung saan nandun pinag uusapan si Jee.

"Nagp plano nang pumorma ang mga empleyado sir, ikaw eh pakipot ka"

No one can own Jee except me. Akin lang siya. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na pansinin siya nang nakita ko siya. Walang nagbago kay Jee. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin. Siya lang ang tanging nagpapakaba ng puso ko. Sa loob ng anim na taon alam kong hindi ko siya nakalimutan kahit isang araw. Unti-unti ay binuksan kong muli ang sarili ko sa kanya. Pinapasok kong muli si Jee sa buhay ko.

Villafuerte Series #3: Way Back Home Where stories live. Discover now