Love Nine: Project making

113 8 0
                                    

Nabili na namin lahat ng kakailanganin ko para sa project. May kamahalan nga lang pero salamat kay Nathan na pinahiram ako ng pera. Sumasakit na ang paa ko sa kalilibot namin kanina kaya naman ay sumandal ako sa kotse ni Nathan at hinihintay na pagbuksan.

"So, saan natin gagawin yang project na yan?" tanong niya sa akin habang pinasok sa loob ng sasakyan niya ang mga plastic bags.

"Sa bahay nalang, wala naman bukas si Megumi eh, nasa resto." Ika ko sa kanya.

Pinaandar na ni Nathan yung sasakyan niya. Tulad ng dati napakatahimik lang ng byahe pwera na lang sa musikang nanggagaling sa radio. Sumandal ako sa bintana at tumingin sa labas, napaka-ganda naman ng panahon ngayon.

Nakarating na kami sa bahay at sinabihan ko si Nathan na kung anong oras siya dapat dadating bukas at pagkatapos nun ay nagpaalam na siya sa akin. Pagkapasok ko sa loob nakita ko agad si Gumi na nakahilata sa sofa habang kumakain ng popcorn. Tinanguan ko na lang siya at dumiritso sa kwarto ko at humilata na rin.

Mag a-alas diyes na nang makagising ako, dalawang oras pa para dumating si Nathan sa bahay. Naligo na ako at nag-ayos na ng sarili, kinulot ko ang bandang ibaba ng buhok ko at nagustuhan ko ang kinalabasan nun. Nang makababa ako nakita ko si Gumi nakaayos na para pumunta ng resto.

"Oh, Sam, gising ka na pala, pinaghanda na kita ng breakfast at ang mga plastic bags na dala mo kagabi nasa gilid ng Tv stand. Oh sige alis na ako." Umalis na si Gumi at naiwan akong mag-isa sa bahay.

Pagkatapos kong kumain naisipan kong magtext kay Nathan.

To: Nathan maPride!
Huwag mong kalimutan 12:00 o'clock dapat nandito ka na sa bahay.

sent~

*bzzzt bzzzt*

From: Nathan maPride!

Sure babe, basta ipaghahanda mo 'ko ng lunch <3

Napatawa na lang ako sa text niya, "Ew, ang baduy naman pala ng lalaking 'to eh, may pa heart heart pa siyang nalalaman."

To: Nathan maPride!

Sabi ko na sayong huwag mo 'kong tawaging babe eh! Ayoko nga, magluto ka mag-isa mo!

sent~

Lumipas na ang dalawang oras pero hindi parin dumadating si Nathan.

"Naku! nasaan na ba yung lalaking 'yun, sabi ko na sa kanya huwag siyang mala-late eh!"

"Psst!"

Lumingon ako sa likuran ko kung sinuman 'yung tumatawag sa akin. Guni-guni ko lang siguro 'yun.

"Psst, Sam!" rinig ko na may tumatawag sa akin malapit sa bintana kaya naman ay pinuntahan ko. Nang makalapit na ako roon, laking gulat ko kay Nathan. Doon lang naman siya dumaan para makapasok sa loob ng bahay.

"Oy! lumabas ka nga at doon ka dumaan sa front door, malas kaya 'yan." sabi ko sa kanya habang nasa bewang ko ang dalawa kong kamay.

"Ayoko nga at isa pa, kanina pa ako katok ng katok sa gate niyo pero wala namang sumasagot so I decided na sa bintana nalang dumaan."

"Kahit na! lumabas ka na nga lang ulit sa bintana at -

"Oh shit!" napamura siya habang kinakapa ang bulsa sa jeans niya.

"Huy! Huwag mo nga akong mura-murahin, kainis ka na ha. Kung ganun lang naman pala 'to mabuti pa't umuwi ka na lang at huwag mo na lang akong tulungan."

"Kung kanina mo pa sana yan sinabi edi sana hindi nalang ako pumunta rito." ika niya.

"Edi, umuwi ka nalang." tinalikuran ko na siya.

Bigla niya akong hinila at pinaikot kaya naman napabangga ako sa dibdib niya, "diba sabi ko naman sa'yo tutulungan kita?"

Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko kaya naman ay tumalikod ulit ako at sa pagkakataong ito hindi na niya ako hinila ulit. Sumunod siya sa akin sa kusina at umupo sa itaas ng counter table, pinaningkitan ko siya ng mata pero tumawa lang siya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Magluluto, diba sabi mo dito ka kakain?"

Napangiti naman siya. Ito yung gusto kong Nathan, hindi yung maswapang. Nabalik ako sa realidad ng tumawa siya ulit, inalog ko na lang ang ulo ko para alisin ang mga pinag-iisip ko.

"Huwag na, kumain na ako kanina habang papunta ako dito, alam ko namang hindi ka magluluto eh. Nga pala pupunta sina Lennon at Jared dito."

Tumango ako sa kanya at niligpit na ulit ang pan na paglulutuan ko sana ng omelette. "Wait lang pala, Nathan, paano nga pala kayo naging close ni Jared? Eh diba ang init ng ulo nun sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Dahil sa soccer siguro, madalas kasi kaming pinapaligpit ni couch ng mga bola pagkatapos maglaro so nagkakausap na rin."

"So you mean part ka rin ng soccer team?"

Tumango siya at bumalik na sa living room narinig kong biglang may mga nag-uusap kaya naman naisip kong baka nanunood na siya ng tv doon. Pumunta na ako sa living room at nakita ko si Nathan na naka-upo sa sahig at ginagawa na niya una ang eye model.

Napa-upo narin ako sa harap niya at sinubukan siyang tulungan pero tinampal niya ang kamay ko, baka raw kasi masira pa.

"Eh, project ko naman 'to eh!" napa-pout nalang ako.

Tinaas niya naman ang isang kilay niya at tinignan ako ng masama. "Tigilan mo nga yang pag pout mo hindi bagay sayo, panget mo kasi."

Binato ko siya ng glue kaya natamaan siya sa dibdib "Ansama ne'to! Makasabi ng panget akala mo saksakan ng gwapo, hmp!"

"Sinasabi mo bang panget ako?"

"Malamang! Tapusin na nga lang natin 'to."

Mga kalahating oras kaming natapos sa eye model lang. Tumayo muna ako para ihanda ang meryenda, nagtimpla lang ako ng orange juice at gumawa ng sandwich. Pagbalik ko sa sala nakita ko si Nathan na nakahiga sa couch at parang nakatulog yata. Sabagay mga 2:30 pm naman namin nasimulan ang project kaya baka napagod, siya kasi lahat gumawa at ako naman taga-abot lang.

Hindi ko namalayang tinititigan ko na pala siya at ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Bigla ako napatalon ng biglang tumunog ang phone niya na naging dahilan ng pagkagising ni Nathan.

Tiningnan niya ako na may halong pagkalito sa kanyang mukha, napansin niya siguro ang pagkabigla sa mukha ko kaya naman binigyan niya ako ng ganung tingin. Kinuha na niya ang phone niya at tinignan kong sino ang nagtext.

"Hindi na raw makakapunta sina Lennon, may inaasikaso pa raw kasi siya, si Jared naman ayun busy sa resto may bigla nalang raw kasing nagbayad sa buong lugar kaya ayun hindi nakaalis."

"Nathan, naisip ko lang 'yung arrangement ng parents natin about sa 'ting dalawa, talaga bang sang-ayon ka roon?" tanong ko sa kanya.

"I already told you yesterday, right?" napangiti siya.

Inirapan ko nalang siya at kinuha ang gunting at ginupit ang pinapagupit ni sa'kin.

"Isn't it funny? The marriage thing."

"Funny? Anong nakakatuwa run? At isa pa Im sure na hindi mo rin gusto 'yun, nihindi nga tayo magkabati, marriage pa ba?"

Napatawa siya ng mahina. "How about you, bakit ka pumayag?"

"Hindi naman talaga ako sana papayag nun eh, pero nung makita ako angg sigla at excitement sa mga mata ni Mama, ayun napa-agree nalang ako." Nakita ko ang curiousity sa mga mata niya at nalaman ko agad kung bakit. "Hindi ko pa kasi nakita si Mama na naging masaya sa decisions ko kaya nung ganun nalang ang reaction niya I grabbed that opportunity."

Napa-sigh nalang ako at nabigla nang hinawakan ni Nathan ang dalawa kong kamay. Ramdam ko nanaman ang pag-init ng mukha ko.

"Let's make it happen then?" ika ni Nathan na hindi ko naman na intindihan.

----

vote for the next chapter? or comment or vote or comment or- ugh, whatever xD

Love is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon