Tanghali na akong pumasok sa skwelahan ngayon, paano eh napuyat, hindi kasi ako makatulog kagabi, namamaguhan sa bago kong kwarto.
Nang makarating na 'ko sa skwelahan diritso ako agad sa classroom at naupo sa upuan ko. Habang nagmamasid masid ako sa labas ng balcony ng classroom nakita ko si Jared na nagpa-practice ng soccer kaya naman napag-isipan kong pumunta doon.
"Jared!" tawag ko sa kanya kaya naman ay nabaling ang atensyon niya sa akin.
"Oh Baboo, ngayon nalang yata kita nakita ulit ah? saan ka ba nagpupupunta't parati kang MIA sa resto?" tanong niya.
Hinawakan ng magkabilang kamay ko ang necktie na nakapulupot sa leeg ko, "Oo nga eh, naging busy kasi ako ngayon tas magiging busy pa ako dahil sa paparating na foundation day. Sinabihan ko na si Gumi na magle-leave muna ako."
Inilagay niya sa batok niya ang isa niyang kamay, "Ah oo nga pala, third day ng foundation day 'yung game ko ha? 'wag kang mawawala." Pagpapa-alam niya sa'kin.
"Asus! Ako pa, mawawala sa game mo? Hinding hindi mangyayari 'yun!"
Nag-uusap kami ni Jared ng biglang may tumawag sa akin. Si Nathan.
"Babe, nandito ka pala? Ba't hindi mo ko tinawag?" sabi niya sabay buhos sa ulo niya nung malamig na tubig.
Napatingin ako kay Jared na may lito sa kanyang mukha, "wait, you and Nathan?"
Tumingin si Nathan sa kanya sabay akbay sa akin, "Yes."
Siniko ko naman siya kaya naman ay napa-ubo siya, "what the heck?" he blurted out.
"Oh sorry, masakit ba?" tanong ko sabay alis.
Mabilis lang ang oras nung nagkaklase kami, kagaya noon nagdiscuss lang at nagpa-pop quiz kami sa Physics.
Pagkarating ko sa meeting room nag-uumpisa na sila kaya naman ay lahat ng tingin ay nabaling sa direksyon ko.
"Sorry." ika ko at dali-daling umupo sa isang vacant seat
Dinidiscuss na nila yung about sa mga booths na gagawin namin, mabuti nalang at nakaabot ako kasi kung hindi tiyak na wala kaming mapupuwestuhan.
"Gumi, kamusta 'yung resto?" Tanong ko kay Gumi.
"Okay lang naman. Si Jared at Lennon na kaya parating kumakanta kaya naman ay dumami ang mga babaeng pumupunta sa resto."
"Ahhh, edi okay 'yun. Teka, hmm speaking of Lennon, I just remembered something na pinag-usapan natin pero-"
"Huh? Eh Sam tinatawag na ako ni President, pabubunutin na 'ko. Sige ha mauna na 'ko sa'yo." Ika niya habang papunta sa isang maliit na box.
"Okay?"
So, maid and butler cafe 'yung nabunot ko, mas mabuti narin 'to para hindi stressful keysa sa ibang booth.
Napag-usapan din namin na ang college department ay hindi kasali sa mga magtatayo o magpre-prepare ng mga booth, sila na daw kasi mag aasikaso sa banners at decorations sa loob at labas ng school.
Madilim na nung makalabas kami ng meeting room at hindi na rin masyadong maraming tao sa loob ng campus.
Paano ako makakauwi neto eh hindi ko pa naman alam yung address ng bagong bahay na nilipatan namin ni Nathan.
*lalala~
"Hello?"
"Are you done with your meeting?"
"Huh? Oo bakit?"
"Wait for me infront of the school."
"H-
Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang ibaba ang phone. Bastos talaga 'tong lalaking 'to, tsk!
Nasa labas na ako ng school pero hindi parin dumadating si Nathan. Gutom na gutom na ako, rinig ko na ang tiyan ko na kumukulog dahil sa gutom.
Isang itim na kotse ang tumigil sa harapan ko. Hindi ko kilala ang kotse na'to kaya naman ay napaatras ako ng kunti dahil sa kaba at takot. Biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan kaya naman ay napainda akong tatakbo ng bigla akong nakarinig ng halakhak.
Nathan?
Naparoll-eyes ako sa kanya, "Hahaha if only you've seen your face. Must had took a picture."
"Whatever!" Dumiretso na ako papasok sa kotse at si Nathan ayon nasa labas pa at tawa lang ng tawa, nung hindi pa siya pumasok binusinahan ko siya kaya naman ay kumunot ang noo niya at pumasok narin sa loob.
"What did you do that for?" Tanong niya.
Nag cross-arm nalang ako at hindi diya pinansin. Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse ni Nathan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nagugutom na ako at huminto sana kami sa isang karenderya man lang.
"Nagugutom ka na ba?" He spoke first.
Dahil siguro sa pride ko hindi ko siya pinansin at diretso lanv ang tingin sa labas ng bintana.
Nagsalita ulit siya, "ayaw mong kumain? Hindi na nagluto si manang dahil sinabihan ko siyang huwag na magluto."
Hindi parin ako umimik kaya naman ay parang nairita na siya sa akin, "if you won't say a single word Im gonna turn here and go h--
"OO NA!" Napa-smirked siya at hininto ang kotse sa pinakamalapit na restaurant.
Pumasok na kami sa restaurant at nag-order na ng kakainin namin.
"Ba't ang bait mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin, "why? Hindi ba ako pwedeng maging mabait sa fiance ko?"
Everytime I heard that word I can feel a skip beat somewhere in my heart "Ugh! Tigil tigilan mo nga ako sa fiance fiance mong yan Nathan." Sabi ko sa kanya. I hate this feeling, "Seriously, ba't ang bait mo?"
"Stop being so nosy." Ika niya.
Napakunot ang noo ko. "Hey FYI, Im not nosy!"
"Then what?"
"Hay nako, bahala ka nga diyan sa buhay mo!"
"Watch my game this foundation week?" Sincere niyang sabi.
Natigilan ako sa sinabi niya. He never talked that way and if he will, only if when he's angry.
"O-okay?" Patanong kong sagot.
"Great. So how's your day?"
"Seriously Nathan, ba't ang bait mo ngayon?" I said mentally. "Okay lang naman, same as always. Ikaw ba?"
"Good, I mean great!"
I like this side of him, this new side of him. I never realized na meron din pala si Nathan ng ganitong side kahit napakasama nitong taong 'to. If ganito lang sana siya palagi....hindi ka mahihirapang mahulog ka sa kanya.
A very short update. Sorry if hindi na ako nakakapag-update, busy na kasi ngayon dahil college na and medical course pa ang tinake ko guys so please sana basahin niyo parin 'tong story na 'to.
Thank you. xx