Love Three: Ikaw?!

152 8 1
                                    

"So what's your number?" tanong ng lalaking nasa harap namin, wait parang nakita ko na 'to ah? di ko lang matandaan kung saan.

"Do you have a hammer in your house?" tanong ni Gumi. Nako ito na lalabas na si Monster Megumi!

"Hmm? What? Am I a Tool Shop?" Wrong answer ka! patay ka na talaga!

"Just answer my question! Meron o wala?!" iritang tanong ni Megumi.

"Of course we have." sagot ng lalaki sa tanong ni Gumi.

Nagcross-arm naman si Megumi "Then try mo kaya ipok-pok yun sa ulo mo para matauhan ka! Hindi ako kagaya ng ibang babae!" Nandahil dun napatulala ang lalaki at bigla nalang nagsmirk.

"Lennon! You bastard come here!" sigaw ng lalaking naka-upo, tinatawag yata 'tong lalaking kasalukuyang nasa harap namin.

Nilapitan ni Megumi yung lalaking naka-upo at pinalo palo ng isa niya pang sapatos. "Ikaw! hindi ka na nagbagong Nathan ka! Babaero ka parin! Kung di dahil sa babaeng 'yun di ka magkakaganyan! BWISIT!"

"F***! OW! STOP IT YOU B****! WHAT THE HELL?!" pagcucuss nung lalaki.

"Aba pinagsasalitaan mo na ako ng ganyan?!" naawa na ako sa lalaki kaya nilapitan ko na sila at inawat si Megumi.

"Gumi stop it already!" awat ko sa kanya kaya napahinto siya.

"SH*T!" napatingin ako sa lalaki at nung makita ko ang mukha niya nanlaki yung dalawang mata ko. Ito yung lalaking malapit na akong saktan sa resto ah?!

"IKAW?! YOU?!" sabay naming sigaw. What the? sa lahat naman ng lalaking maging pinsan ni Megumi ba't siya pa?

"You're the amazona girl that I met at the resto?!" walangya naman talaga tinawag ba naman akong amazona?!

"Megumi ipagpatuloy mo nalang yung ginagawa mo kanina, 'di kita inaawat!"

Natapos kaming magsimba pero di parin kami nag-iimikan ng mga boys, mga walang paki sa mundo. Nandito kami sa park ngayon naglilibot libot, kapag may tumitili o may tumititig na sexy-ing babae sa kanila nilalapitan ng dalawa at hinihingi yung mga numbers pero kung parang coca-cola in a can naman yung mga katawan ichapwera lang. Walang mga pusong lalaki mga playboy talaga.

Nang may makitang isang good spot si Megumi pumaroon kami doon at umupo sa damuhan at sumunod naman ang dalawang lalaki at napahiga.

"Okay Nathan pag-usapan na natin yung parte ng paghahati hati natin ng schedule niyo ni Sam" sabi ni Megumi

"Sam?" tanong ni Nathan

"Her" turo ni Gumi sa akin "She's Samantha Hautea" pagpapakilala ni Gumi sa akin.

"Hot tea?" nako nang-aasar ba 'tong lalaking 'to? eh kung sikmurain ko kaya 'to?!

"Excuse me it's Hautea- Hooteya! Dumb!" pagkokorection sa kanya sabay irap.

"Sige na! Tama na nga yan!" pagsaway ni Gumi sa amin "Okay! Every Monday and Thursday yung sayo Nathan, Ikaw naman Sam Wednesday and Saturday, Jared will be on Tuesday and Friday. Okay lang ba yun sa inyo?"

"Okay lang naman yun sa akin pero what if hindi pumayag si Jared?"

"I called Jared earlier and he agreed naman." sabi ni Gumi habang tumatango tango pa.

"So saan nga kayo nag-aaral?" tanong ng lalaking kasama ni Nathan nakalimutan ko yung pangalan.

"Grand Hills University! Wait sino ka nga?" sarcastic na tanong ni Gumi habang nakataas pa ang isang kilay.

"Don't be rude, Im Lennon Vasquez." Inilahad niya ang isa niyang kamay kay Gumi pero hindi naman ito inabot. Suplada talaga 'tong kaibigan ko.

"Vasquez? Diba yun yung captain ng Basketball Varsity? Ikaw ba yun?" tanong ko

Love is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon