Megumi's POV
Nasa isang Café kami ngayon ni Sam napahinto kami dito kasi gusto daw nitong best friend kong uminom ng frappe, parang may pinagdadaanan yata. Yeah I know Sam for too long already, kaya whenever she's not in the mood bibili siya ng isang frappe to lighten her mood up.
Sinipa ko siya pero di naman kalakasan.
"Ano ba Gumi?!" Anong problema ng isan 'to?
"Sam, ano na naman yang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Naalala mo ba yung lalaking palaging tumatawag at nag tetext sa akin?"
"Oo, bakit ba? Wag mong sabihing nagkakagusto ka na dun? Ewww Sam!" Sigaw ko sa kanya.
"Over my dead body Gumi noh! Hindi ako magkakagusto sa pinsan mong hambog!" Pinsan? Anong connect ni Nathan dito?
"Anong pinagsasasabi mong pinsan ko?"
Pinitik niya ang noo ko "Kahit papaano ang slow mo talaga Gumi noh! Ang gumagawa lang naman nun ay yung pinsan mong si Nathan. Ahhhhh! Saan niya ba kasi nakuha 'tong number ko?!" Galit niyang sabi habang pinupunit punit ang tissue.
"Ang laki talaga nang galit mo kay Nathan ano? Bakit ba kasi? Okay lang naman na magka kayo, eh bagay naman ah?"
Umasta siyang parang nasusuka. "Ehhhh! 'Wag ka ngang magsalita ng nakakasukang bagay!"
Hinablot ko sa lamesa ang inumin ko, I took a sip. "Ang OA mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Ah basta, ayaw ko talaga sa Nathan na yan!" Tumayo na siya sa kanyang inuupuan at dumiritso na palabas ng cafe. I heard the bell ring na nagpapahayag na may pumasok o lumabas sa cafe. Sa minamalas ka naman oo oh.
He was going to the counter, so I immediately grab my things from the other chair beside me, but guess what? Bigla kong napatid ang isang upuan kaya tumunog ito nang pagkalakas lakas. All the people around look at me with their fierce eyes. Kasama na doon si Lennon.
In my peripheral vision, I saw him walking towards me kaya naman ay nag-sorry na ako sa ginawa kong pag-iingay sa loob ng cafe. I was going towards the door when he grab my arm and smirked like a pervert person.
"Nagmamadali ka yata, MM?" He questioned me, but I just shrugged to get away from his gripping hand around my arm. Lalakad na sana ako ng bigla niya akong pina-upo with force sa isang upuan.
"Don't you dare touch me, pervert!" Sinigawan ko siya na naging dahilan ulit na pagtinginan ako ng mga tao sa loob. I really hate it when I get so much attention from others.
"Parang nagmamadali ka ata? Saan ka ba pupunta?" Pagtanong niya sa 'kin. Naku kung pwede lang talaga tapunan ng tubig 'tong lalaking 'to ginawa ko na, pero mabait nga ako diba?
"Anong paki mo!" Arteng sabi ko sa kanya.
Nangiti nalang siya sa akin at umupo na. "Kahit kailan ang arte mo talaga sa akin, bakit?"
Nag-roll eyes nalang ako at tumayo na para lumabas sa cafe. Nilibot muna ng mga mata ko ang loob ng cafe tsaka lumabas na ng tuluyan. Nag-abang na ako ng taxi para makapunta sa skwelahan.
Sam's POV
Nandito ako ngayon sa isang mall malapit sa school, hindi naman siya sobrang lapit na pwede mong lakarin pero malapit lang talaga siya. Hinahalungkat ko ngayon ang bag ko, nasaan na ba kasi yung phone ko?
"Excuse me miss?" tanong ng isang lalaki.
Tinaas ko ang ulo ko para tignan ang kung sino man ang nagtatanong sa akin. Isang lalaking mukhang nasa kanyang mid-forties ang nagtatanong. Napakadisenting tingnan nito, nakasuit at nakatie pa.