Love Eleven: Rude remarks

100 7 1
                                    

Maaga natapos ang last period namin, may meeting kasi ang mga teachers kaya napaaga ang dismissal. Nag-aaway ang utak at konsensya ko ngayon na kung pupuntahan ko ba si Nathan at sasabihing umuwi sa bahay kasama ko.

Naglakas loob na lang akong pumunta sa College Department at puntahan si Nathan. Pagkarating ko sa entrance ng department pinagtitinginan ako ng mga estudyante doon mostly mga babae, nagtataka yata sila kung bakit may highschool student na pumasok sa teritoryo nila.

Lumapit ako sa tatlong babaeng nag-uusap kalapit sa soccer field ng school.

"Excuse me, do you know Nathan?" Naisipan kong itanong sa kanila dahil alam kong sikat si Nathan rito.

Binigyan lang nila ako ng masamang tingin at umalis na. Great! Naisipan kong maglibot libot at pumunta sa cafeteria dahil baka doon siya parating nakatambay pero pagkarating ko doon wala akong nakitang Nathan.

Naisipan ko nalang na tawagan siya at sinagot niya naman, kung kanina ko pa ginawang tawagan si Nathan sana hindi pa ako nabigyan ng masamang titig.

"H-hello?"

"Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap sa department niyo pero wala ka na dun, pumunta ka dito sa parking area."

Pagkababa niya ng tawag dumiritso na kaagad ako sa parking. Siguro tinawagan rin siya ng Daddy niya na pumunta sa bahay namin.

Pagkarating ko run nakita ko kaagad si Nathan na nakasandal sa kotse niya at nung makita niya ako pumasok na siya at binusinahan ako kaya dali dali akong pumasok sa kotse.

Kagaya noon tahimik kaming bumyahe at ang kantang Poison and Wine ng The Civil Wars lang ang naririnig ko na nanggagaling sa radio ng kotse niya.

"Sorry kahapon." nabigla ako nung si Nathan ang unang bumasag sa katahimikan.

Napatingin nalang ako sa kanya, "sorry din... sa sinabi ko kahapon tungkol sa mga naging girlfriend mo."

"Trust me, you don't wanna talk about that right now." Ika niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at sumandal nalang sa bintana ng kotse. Naging tahimik ulit ang byahe namin hanggang makarating kami sa bahay. Doon nakita namin ang nakapark na kotse ng Daddy ni Nathan. Napaka-importante siguro talaga nang sasabihin nila kasi pumunta pa rito si Mr. Evans.

Pagbukas namin ng pintuan nakita ko kaagad ang isang katulong ni Mama at binigyan niya kami ng isang mainit na ngiti at pinasunod sa kung saan man ang mga magulang namin.

"Samantha, Nathan nandito na pala kayo." Niyakap ako ni Mama at hinalikan sa noo.

Nabalik na si Mama sa inuupuan niya at inayos ang kanyang buhok.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit namin kayo pinapunta rito?" Ika ni Mama.

Tumayo si Mr. Evans at nilapitan ang anak niya at nang ibinuka na niya ang bibig niya at sinabi ang mga katagang yun bigla akong nanlumo, napalakas ang pintig ng puso ko at pagtingin ko kay Nathan parang ganun din ang reaksyon niya sa sinabi ng Daddy niya.

"What! isang bahay?" pagsigaw niya sa Daddy niya, "hindi pa ba kayo kontento na engage kami, are you really ruining our lives?"

"We're not ruining someones life Nathan," napataas na rin ang boses ng Daddy niya, "this is not really a big deal, sinabi niyo naman sa amin that you both love each other or maybe you're just pretending Nathan?!"

Napatingin si Mr. Evans sa akin at biglang parang nanginig ang mga tuhod ko at napalunok ako bigla, kitang-kita sa mga mata ni Mr. Evans ang galit at yun din ang nakita ko sa mga mata ni Nathan nang tumingin siya sa akin at lumabas sa pintuan.

"Sorry, excuse me." 'yun nalang ang nasabi ko kina Mama at sinundan na si Nathan sa labas.

"Nathan!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at diritso parin sa paglalakad.

"Nathan!" sigaw ko ulit pero di niya parin ako pinansin.

Hindi ko siya maabutan dahil sa mga mataas niyang binti. "Nathan!" tawag ko uli sa kanya, hinubad ko ang isa kong sapatos at ibinato sa kanya kaya napaikot siya at napatingin sa akin.

"WHAT!?"

Napalapit ako sa kanya at kinuha ang sapatos na ibinato ko sa kanya, "ano ba talaga ang trip mo ha?" tanong ko sa kanya.

"Doesn't you heard him? Patitirahin niya tayo sa isang bobong, Samantha!"

Nang hindi ako sumagot bigla siya ulit umikot at lumakad pero bigla ko siyang hinabol ulit.

"You liked it right? the idea of living together." hindi ulit ako umimik. "You piece of.." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.

"What Nathan? Im a piece of what! Akala mo ba gusto ko 'to? Akala mo ba gusto kong mabulok sa isang bahay kasama ka?" hindi ko alam kong bakit pero ramdam ko ang nangingiligid na luha sa mga mata ko, "Sino ba may pakana nito? diba ikaw! kung hindi ka sana pumayag sa engagement na yun sana hindi tayo magkakaganito!" lumalakas ang pintig ng puso ko. "Sabihin nalang kaya natin na di 'to totoo, ano bang paki mo sa engagement na yan!?"

Biglang umamo ang mukha niya at nawala ang galit sa mga mata niya. "I-im sorry. Let's go back."

Nang makabalik kami, nakita namin sina Mama na may bakas na gulat sa mga mukha.

"Dad, we'll take it." Tiningnan ko si Nathan ng nalilito, bakit niya sinabi 'yun?

Ibinigay na ni Mr. Evans ang susi ng bahay at ibinigay na niya lahat ng description about sa bahay sa'min, uuwi na raw kasi siya sa States para asekasuhin ang mga naiwan niyang trabaho, si Mama naman ngayong gabi uuwi.

Nang makaalis na kami ni Nathan sa bahay naisipan kong magpahatid nalang din sa bahay namin ni Gumi.

"Uuwi 'yung daddy mo? eh pwede naman pala tayong hindi nalang tumuloy sa bahay na 'yun, wala narin naman siya dito sa Pilipinas." sabi ko sa kanya na may halong pagkatuwa.

Napa-sigh nalang siya. "Kilala ko si daddy, gagawin niya lahat para masiguradong nasa lugar ang mga plano niya."

"Huh? paano 'yan, magtataka si gumi kapag nalaman niyang bakit hindi na ako sa bahay uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Why don't you just tell her about the engagement but not our plan."

Nakarating na kami sa bahay, nagpaalam at nagpasalamat na ako kay Nathan at pumasok na sa bahay, nadatnan ko si Gumi na nakatayo sa pintuan ng kusina at nakataas ang isang kilay.

"Saan ka nanggaling at paki-explain nung kanina?" striktang tanong niya.

"Gumi, I'm leaving this house."

Nabigla yata siya nung bigla siyang lumakad papunta sa akin, natapilok kasi. "WHAT? WHY?"

"Im sure hindi mo maiintindihan." Ika ko.

Nag-cross arm siya at pinanlakihan ako ng mata, "well, try me Samantha Hautea."

Napabuntong hininga nalang ako. "I-Im engage," napanganga siya sa sinabi ko at rereact na sana pero pinigilan ko siya "wait, before ka mag-react diyan dapat mo munang malaman kung sino ang fiancee ko."

"Well?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay. "Nathan, your cousin."

Napanganga ulit siya, abot na yata sa sahig ang baba niya.

"You've got to be kidding me."

----

Thanks sa mga readers ng Love is... kahit na ang baduy ng story na'to nagawa niyo paring basahin huehuehuehue xD

Sinong mga directioners dito? tanong ko lang :D

ComVote? lol

Love is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon