[Sam's Pov]
"Twiiiiin! nood tayong horror movies! Mag movie marathon tayo! YOHOO~!" pagsisigaw ko habang pumapasok sa kwarto ni Megumi, ang forever best friend ko.
"What?!.. Sinong may sabi?.. That's a big NO!.. Duh! Im a girl and you're a boy and beside of that may kasama na ako... Are you really thinking?!.. Ah basta sabihin mo sa magaling kong Ama na ayaw kong tumira ka sa bahay ko!.. Kung gusto mo talagang pumunta dito sa Pinas, ngayon palang maghanap ka na ng matutuluyan kasi ako, ayokong may kasamang lalaki dito!" ito nanaman ang monster Megumi, lumabas nanaman siya sa loob ng kaibigan ko, kaya nga natatakot ako dito sa kanya eh, baka lamunin ako ng buo huhu. Nang tapos na siyang makipag-usap sa telepono nagtago muna ako sa isang sulok baka makita ako nito at ako ang bulyawan, nakakatakot pa naman.
"Sam!" sigaw niya ng nakakarindi. Oh my natatakot ako huhu. "lumabas ka na nga diyan, halika na at manood na tayo niyang papanoorin natin" bigla siyang tumayo sa kina-uupuan niya at hinila na ako papuntang sofa.
Ang tahimik lang namin habang nanonood ng pinapanood namin ng makaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan sa akin. Tatayo na sana ako pera bigla akong hinawakan ni Megumi sa kamay.
"Hoy Sam saan ka pupunta?" pagtatanong niya sa akin habang namumutla na. Takot kasi 'tong si Megumi sa mga horror movies.
"Magc-cr lang ako Gumi" natatawa kong sagot sa kanya.
"Huh? eh sama ako, oo s-sama ako." tatayo na rin sana siya ng pigilan ko siya.
"Ano ka ba? movie lang yan. Anong nakakatakot diyan?"
"Eh ikaw naman kasi eh, alam mong takot ako sa mga ganyan, yan pa yung pinapanood natin." Aba ako pa yung sinisi, eh sino kaya ang humila sa akin at diritsong ipinasok ang CD.
"Anong ako?" sarcastiko kong tanong. "Ah basta dito ka lang nasa labas lang naman ng kwarto mo yung CR ah." pagsabi ko nun lumabas na ako ng kwarto at dumiritso sa Cr.
Pagkatapos kong mag-cr napa-isip ako ng isang evil plan mwehehehe! Tatakotin ko lang naman 'tong best friend ko. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng flashlight at kumot, naka-off kasi yung ilaw ng room ni Megumi kaya perfect!
Dahan dahan na akong tumungo sa kwarto niya, rinig ang mahinang hagulhol niya, natatakot na yata siya hehehe.
*tok tok tok*
"Sammy! ikaw ba yan?" sigaw niya na nanginginig ang boses.
*tok tok tok*
"Samantha? ikaw ba yan? hindi ka na nakakatuwa!" mangiyak ngiyak niyang sigaw. Pinipigilan ko na talaga yung tawa ko ngayon.
*tok tok tok*
"Sama-- *cough cough cough*" bubuksan ko na sana yung pinto para gulatin siya ng makarinig ako ng pag-ubo.
...Ubo? ubo?!...
Dahil sa kaba ko bigla kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Gumi at bumungad sa akin ang nakahimlay na si Megumi. Tumakbo ako papalapit sa kanya at pinipilit ko siyang gisingin pero hindi parin siya gumigising.
"Megumi?! Megumi?! gumising ka!" ramdam ko na ang mga gumigilid na luha sa mata ko. Natatakot na ako.
Tatawagan ko na sana ang isang hospital ng biglang.
"BULAGA!" pagsigaw ni Megumi. Letsugas ako pa yata ang nadali sa prank ko -.-
"Akala mo ha! hahaha! sige pa manakot ka pa hahaha!" walang humpay na pagtawa ni Megumi.