05

158 13 0
                                    

Chapter 5

"Max.."pagtawag ko sa alaga kong aso, kanina pa kasi ako paikot-ikot ng bahay kakahanap sa kanya,pero hindi ko talaga siya makita.

Wala siya sa dog house niya,kaya ang akala ko ay nag-ikot lang siya sa bahay,pero wala e,hindi ko alan pero grabe na ang kabog ng didbib ko dahil hindi ko siya mahanap.


"Maxy.."I called,sinilip silip ko pa ang bakod ng kapitbahay namin,pero tahimik sa kanila kaya siguradont wala doon si Max,kapag naririnig kasi ni Max na tinatawag ko siya, lumalapit agad 'yon sa'kin.

Hindi kaya pumasok siya sa bahay?!

Dali-dali akong pumasok ng bahay, nagdahan-dahan akong sumulip sa may sala para hanapin si Max,pero wala din siya.

Naisip ko na baka nagutom siya at nakalimutan lang siyang pakainin ni Aleng Emelia kaya nagpunta na siya mismo ng kusina.

Nagtungo agad ako sa kusina namin, pero laking pagka-dismaya ko ng makitang malinis ang kusina at walang katao-tao.

Asan na kaya ang mga 'yon,"Maxy.." tawag ko sa aso ko,"Aleng Emelia..!" pagtawag ko habang hindi parin tumigil sa pagsilip sa gilid gilid, umaasang baka nandoon si Max, pero nadismaya lang ako dahil wala din siya doon.

Naibaling ang tingin ko sa hagdan nang bumaba doon si mama, hawak hawak niya ang bote ng alak,at halatang lasing na naman dahil sa laki ng eyebags niya.

"'Yong aso mo?"biglang tanong niya at tumawa bago tumungga ulit sa bote ng alak,"andun!"nginusuan niya ang pintuan kaya napatingin ako sa pinto, "pinakatay ko,pumasok kasi dito at tumae pa talaga dito sa loob!"saad niya at tumawa ng malakas.

Ganoon nalang ang pagkirot at paninikip ng dibdib ko dahil sa narinig ko,nanghina ang tuhod ko at nag-iinit ang buong mukha ko.

Ramdam ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko,pinigilan ko ang sarili kong humagulhol,dahil baka iniinis lang ako ni mama at baka hindi naman talaga niya p-pinakatay si Max.

Pilit akong tumawa,"M-ma,n-nasaan po si Max?hindi pa po k-kasi 'yon kumakain"pagpapaliwanag ko sa kanya habang nilalabanan ko ang sarili kong mga luha na tumulo mula sa mga mata ko pababa sa aking pisnge.

Mukhang nainis si mama dahil tumigil siya sa pagtungga sa bote saka hindi makapaniwala tumingin sa'kin, "Bingi ka ba?!"sigaw niya bigla dahilan para mapaatras ako,"sabi ko pinakatay ko na nga sabi!"sigaw niya ulit na nagpalala ng sakit ng didbib ko, "andun ginawa na atang pulutan mga lasinggero nating kapitbahay"

Napaatras ako mula sa hagdan kung nasaan siya,naninikip ang dibdib ko, ang kirot ng puso ko.

No...this can't be,hindi 'yon kayang gawin ni mama,I know,she's not that heartless.

She knew I have had Max since he was just a puppy,she knows how much I love Max,she won't do such a thing to hurt her own daughter.

"M-Max!"I shouted,lumabas ako ng bahay habang lumilinga-linga sa paligid,kaylangan ko siyang mahanap.

Napaupo nalang ako sa damuhan nang walang Max ang lumapit sa'kin, nanghihina ang mga tuhod ko, nanginginig ang kalamnan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa labas ng gate nang pumasok mula doon si Manang Emelia,may kasama siyang dalawa pang katulong sa bahay,but my eyes focused on the collar Manang Emelia was holding,that collar.

That collar...kay Max 'yan!

Kaagad akong napatayo at lumapit kay Manang Emelia,halata din ang gulat sa mukha nila sabay ang kalungkutan sa kanilang mga mata nang hablutin ko mula sa kaniya ang collar ni Max.

Against A Cruel World (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon