21

100 10 0
                                    

Chapter 21

Nakapokus ang aking mga mata sa pabilog at mahabang salamin sa aking harapan. Nakatitig sa repleksyon ng babae na may kulay itim na buhok hanggang baywang. May kulay gintong mga mata,balingkinitang katawan,habang suot suot ang kulay pulang dress.

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng pamilog na mesa nang mag-vibrate iyon.

From my love💕:

Malapit na ako love.

I'm excited to see you😚

Napatitig ako sa emoji na ginamit niya sa huli niyang message. Tumalbog ang puso ko. Hindi dahil sa kilig o tuwa,kundi dahil sa pinaghalong kaba at excitement.

Humarap muli ako sa salamin. Nang makitang ayos na naman ang itsura ko,ay dahan dahan na akong lumabas ng aking silid.

Nagsuot ako ng doll shoes para hindi iyon gumawa ng ingay dahil baka mahuli pa ako ni mama.

Sinigurado ko ring nakapatay na ang lahat ng ilaw bago ako lumabas ng kwarto,dahil ang ibig sabihin nun ag tulog na si mama.

Nang makababa na ako sa hagdan, nakahinga ako ng maluwag. Akmang bubuksan ko na ang pinto para lumabas,pero napatigil nang tumunog ang door bell.

Agad na naghari ang taranta at kaba sa'kin. Pakiramdam ko ay nayayanig ang mundo ko,at pakiramdam ko ay nagsimulang gumunaw ang mundo ko nang biglang bumukas ang ilaw sa buong bahay.

“Saan ka pupunta?”

Nanlamig ang mga kamay ko nang marinig ko ang boses na iyon mula sa aking likuran.

Dahan dahan naman akong lumingon, “M-ma...l-l-lalabas...lang po...” naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hangin sa katawan.

“Gabing gabi na lalabas ka pa?Sinong kasama mo?”

Sandali akong natulala dahil sa tono ng pananalita ni mama. Imbes na matakot ako,parang natutuwa pa ang puso ko,dahil sa tono ng pananalita niya...parang nag-aalala sa'kin.

“Tao po?”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likod ng pinto. At sinundan pa iyon ng maingat na katok.

Napatitig ako kay mama,naghihintay ng sasabihin niya. Kung sisigawan ba niya ako? Kung papagalitan? Kung ipapahiya ba ako? But in my surprise, iba ang narinig ko mula sa kanya.

“May kumakatok. Ba't 'di mo pagbuksan?” nakataas kilay niyang tanong.

Kumalabog kaagad ang puso ko, kinakabahan man pero sinunod ko ang gusto niya. Kahit anong gawin ko, nanay ko parin siya,at nirerespeto ko siya. Kaya naman,kahit nanginginig ang kalamnan ko,ay pinagbuksan ko siya ng pinto.

Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Nathan,may dala dala siyang mapupulang bouquet ng rosas sa kanyang kamay.

“Evening love,” nakangiti niyang bati. Gumala ang kanyang mga mata mula ulo ko hanggang aking mga paa at pabalik. “Y-you look beautiful love.” nauutal niyang saad na para bang 'di makapaniwala sa nakikita.

I swallowed the lump on my throat as I looked away from his gaze. Panandalian kong nakalimutan na nasa likod ko pala si mama,at naalala ko lang iyon muli nang may tumikhim sa likuran ko.

“Sino siya?” nakataas kilay na tanong ni mama.

Kung noon natatakot ako sa t'wing tinataas niya ang kanyang kilay, ngayon ay parang may kakaibang pakiramdam sa loob ko. I felt...happy, but also...scared. Knowing her,alam ko ang kaya niyang gawin. Kayang kaya niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao. Sa iisang tao pa kaya?

Against A Cruel World (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon