14

116 12 0
                                    

Chapter 14

"Ba't ba ako sumama sa'yo?"nakataas kilay kong tanong kay Nathan sabay subo ng kutsara na may kanin at adobo.

Nagtaas siya ng tingin,the side of his lips curved,inabot niya ang tubig na nasa baso malapit sa kanya saka dahan dahang ininom iyon bago ilapag ulit.

Pinahid niya ang kapiraso ng tubig na bumasa sa gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad saka tumingin sa'kin ng diretso.

"Maybe because you're already falling inlove with me?"nakangisi niyang sagot.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay no'n ay ang pagkahirap ko sa pahlunok ng kinakain ko dahilan oara mapaubo ako,pakiramdam ko ay bumara iyon sa lalamunan ko.

Malakas siyang tumawa saka inabot sa'kin ang tubig na kaagad ko namang ininom,habol ko ang hininga ko kasabay ng pagtalim ng tingin ko sa kanya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?ha?!" nakataas kilay kong tanong sa kanya habang humihigpit ang pagkakahawak ko sa baso.

Biglang nawala ang ngiti niya sa labi at kaagad na napalitan ng seryosong mukha habang matalim na tumingin sa'kin.

"Nevermind,'wag mo ng sagutin" pangunguna ko sa sasabihin niya.

Hindi ko alam,pero habang iniisip na pinaglalaruan niya ako,sumisikip ang dibdib ko,nahihirapan akong huminga,namamanhid ang puso ko, pakiramdam ko pinipiga iyon.

Alam ko naman na sa una palang ay laruan lang niya ako,alam ko naman na ang lahat ng ginagawa niyang kabutihan ay may kapalit,simula palang alam kona 'yon,pero bakit hindi parin ako umiwas?

Kasi gumagana ang laro niya.

Gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya,gumagana sa'kin ang malalambing niyang mga salita,ang pagyakap niya sa'kin,nagpapakalma iyon sa kalooban ko,kaya hindi ako umiwas,kasi siya nalang ang nag-iisang tao na kahit papaano ay nagpapagaan ng loob ko.

"Mag-usap tayo"basag niya sa katahimikan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Tungkol saan?"tanong ko kahit alam ko naman kung tungkol saan.

Siguro hihingi na siya ng kapalit sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa'kin,kaya siguro dinala niya ako dito sa apartment niya,dahil dito niya gustong gawin ang kapalit na hihingiin niya.

"May tiwala ka ba sa'kin?"biglang tanong niya,dahilan para mas lalo akong kabahan.

Ibinaba ko ang kutsara't tinidor,lalo pa't tapos na naman akong kumain, iginilid ko ang plato habang hindi parin sinasalubong ang mga tingin niya.

"Answer me Sinister"ma-awtoridad niyang sabi.

Sinister.

I hate that name,bukod sa kahulugan nito,ayokong naririnig ang pangalang 'yan,lalo pa't kung galing kay Nathan, kasi napapansin ko,sa bawat pagkakataon na nagagalit siya sa'kin, Sinister ang tawag niya sa'kin.

"Answer me damn it!"biglang sigaw niya,kasabay nun ay ang paghampas niya sa mesa gamit ang kanyang palad dahilan para manginig ako.

"H-hindi ko alam!"pasigaw kong sagot sa kanya,nagsimulang tumulo ang mga luha ko,"Hindi ko alam kung may tiwala ako sa'yo"humihikbi kong sagot.

Habang nakayuko ay napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay, dahilan para mas lalo akong matakot.

Sasaktan ba niya ako?Will he slap me?sasaktan ba niya ako gaya ng ginagawa ng mga taong nakapaligid sa'kin at lagi akong hinuhusgahan?

"After all this time,"nanghihina ang kanyang boses,"I-I thought I already have your trust,akala ko may tiwala kana sa'kin"

"B-bakit gusto mong makuha ang tiwala ko?Para magawa mo ang gusto mong gawin sa'kin?Para makahingi ng kapalit sa lahat ng ginawa mo para sa'kin?!"napatayo ako habang unti unting kumukuyom ang kamao ko.

Against A Cruel World (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon