06

149 14 0
                                    

Chapter 6

"This time,iinom na talaga ako"sabi ko sa sarili ko habang bago malakas na sinipa ang pinto ng bar dahilan para gumawa iyon ng ingay.

Napatingin sa'kin ang kadamihan ng costumers,pero nagsa-walang bahala ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa counter.

Malakas kong hinampas ang kamay ko sa counter kaya napalingin kaagad si bell boy na magkasalubong ang kilay,halatang naiinis.

Mahina akong tumawa bago umiling, "Gusto kong uminom,gusto ko ng alak na matapang,'yong alak na talagang makakalimot ako at hindi iiyak" saad ko sa kanya na may panghahamon sa boses ko.

Mahina siyang natawa at umiling iling,"Walang ganon,"tumawa siya ng malakas,"kapag umiinom ang isang tao,pagkatapos nun ii-iyak niya lahat ng sakit na nararamdaman niya"he explained with action pa.

I rolled my eyes with an irony,"Alam mo bang gustong gusto kitang murahin ngayon?"nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Ang cheap naman,"panlalait niya pa dahilan para mas tumaas ang kilay ko, not understanding what he's saying, "mahalin mo nalang ako"aniya at tumawa.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko,nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya,at pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko dahil sa gulat.

"Relax,"he leaned in and caressed my hair,"it was a joke,"aniya ulit at tumawa,tumuwid siya ng tayo at may inabot sa itaas ng counter,"for now" I heared him muttered.

Naningkit naman ang paningin ko sa kanya,"What did you say?"tanong ko na may pagbabanta sa aking boses.

Lumingon siya sa'kin at umiling,"I was just humming a song"aniya at inilapag ang isang baso na halatang ang laman ay apple juice na naman.

"Pumunta ako dito para uminom ng alak at hindi apple juice!"may bahid ng inis sa boses ko.

Sa sobrang inis,siguro ay dahil dala na din ng stress,marahas kong hinampas ang counter dahilan para mayanig ang ilang baso na nakasabit sa itaas.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata na halatang nagulat sa ginawa ko,kahit naman ako ay nagulat din.

Napaupo nalang ako nang mapagtinginan ako ng ibang costumers sa bar,malakas akong napabuntong hininga at ihiniga ang ulo ko sa counter.

Patay na si Max..

Because of that thought,kumirot na naman ang dibdib ko,namumuo na naman ang mga luha sa gilid ng mga mata ko,ang sakit,ang sakit sakit.

Ilang taon ko ng inalagaan si Max, inalagaan ko siya na para ko ng anak, tapos ipapakatay niya lang!puta!

Napahagulhol na ako,hindi ko na mapigilan,gusto kong mawala na ang sakit na nararamdaman ko,gusto kong tanggapin na lang na wala na si Max, pero hindi ko parin magawa,lalo pa't alam ko naman kung paano siya namatay,kinatay siya!kinatay!puta!

"Hey.."I heared someone said in my front,kasabay nun ay ang marahang paghaplos sa aking buhok.

Kaagad naman akong nag-angat ng tingin,it was this bell boy again,he's looking at me,there's something in his eyes,not pity—but care.

"Do you want to go somewhere?" tanong niya sabay binitawan ang buhok ko saka umikot palabas ng counter.

Napalingon ako sa katabi kong upuan ng umupo siya doon,iniabot niya sa'kin ang baso na may lamang apple juice.

"Cry it all out"aniya,nanlaki muli ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay sa aking likuran, and that arm was connected to his,he was caressing my back with care and not with disrespect!

Habang hinihimas ang likod ko,hindi ko maiwasang kumalma,ang kalamnan ko ay kumakalma,at pakiramdam ko ay nahihipnutismo ako para magsalita,para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko,I feel like,I trust him.

"Everything's gonna be alright"he said to calm me down.

"My mother despises me kaya pinakatay niya ang aso ko,my dog is dead"there,I said it,bigla nalang iyong lumabas sa bibig ko kasabay ng bigla kong paghagulhol.

Dinuro ko ang dibdib niya,"Ngayon mo sa'kin sabihin na everything's gonna be alright!" may panunumbat sa boses ko habang patuloy na dinuduro ang dibdib niya.

"Ang sakit!"reklamo ko sa kanya na tila ba siya ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon,"alam mo 'yong pakiramdam na,—sarili mong nanay tinatakwil ka?! Sarili mong nanay gumagawa ng paraan para hindi ka maging masaya?" tanong ko sa kanya,"alam mo ba 'yon ha?!"sigaw ko sa kanya.

Pero nanatili lang ang blangko niyang mukha na nakatingin sa'kin,"Is that all?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya bigla akong napaatras  sa kinauupuan ko mula sa kanya,what does he mean by is that all?para sa kany mababaw na dahilan lang 'yon kung bakit ako umiiyak?!

"Both of my parents died in an accident years ago when I was still a kid,naiwan ako sa uncle ko,my mom and dad trusted my uncle,pero ang 'di nila alam,may lihim na galit si uncle kay mommy,that's why when they both died,inilabas sa'kin ni uncle ang galit na 'yon,halos araw-araw niya akong sinasaktan from the age of five until I was fifteen,

kasi nang mag fifteen ako,sinimulan kong buhayin ang sarili ko,naglayas ako sa bahay namin,nagsimula akong mabuhay sa kalsada,I lived in the street for a year,

sa isang taon na 'yon,ang dami kong naranasang hirap,I was bullied by the bigger kids,kinukuha nila ang limos kong pera,kapag may nahahanap akong pagkain sa basurahan kinukuha pa nila,

hanggang sa tinanggap na din ako sa trabaho kong 'to ngayon,and it didn't end there,there were times na naaabuso ako dito,specially with my first boss,sinasaktan din niya ako, kapag kaunti ang kita,kaming mga empleyado niya ang sinisisi niya dahil daw sa hindi maganda naming serbisyo,

hanggang sa pumalit sa kanya ang kaibigan ko,ang boss ko ngayon,ngayon lang lumuwag luwag ang buhay ko,at sa loob ng ilang taon na 'yon,never in my life have I tasted alcohol,ni minsan,hindi ako uminom para makalimot,

Instead,gumagawa ako ng paraan para maayos ang mga problema ko, hindi ako gumamit ng problema para maresolba ang isa pang problema.

Now tell me,dahil ba sa ganyan kababaw na dahilan magpapakalasing ka?"

Hindi ko maiwasang mamangha  habang nagki-kwento siya,the way he said those words,the way he tell his story.

"B-bakit mo sinasabi sa'kin 'to?" tanong ko sa kanya,trying to keep my distance from him,dahil kapag nagkakalapit kami,bumibilis ang tibok ng puso ko,and I don't like that.

"Kasi alam kong nahihirapan ka na din,I just want you to have an inspiration,I want you to fight those struggles and solve those problems, just like what I did"

He's right.

Kahit ako man,hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya based on what he has been though all this years.

"In short,"he suddenly added,"I want to be your inspiration"

❦︎

Against A Cruel World (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon