29

93 10 0
                                    

Chapter 29

“Kaninong bahay 'to?” Nagtataka kong tanong habang nakatingin sa malaking bahay sa harap namin.

Actually,it's not a house,it's a freaking mansion!

“It's mine.” Nakataas noong sagot ni Nathan, habang ang isa niyang kamay ay nasa kanyang bulsa,at ang isa ay nasa aking baywang.

Mabilis ko siyang binatukan. “Hey!” Napakamot pa siya sa kanyang ulo. “What was that for love?” Tanong niya,habang hinihimas himas pa ang parte ng kanyang ulo kung saan ko siyang binatukan.

“Alam mo Nathan. Kapag tayo mapagkamalang magnanakaw,kakatayin talaga kita!” Pagbabanta ko sa kanya.

I mean,nasa harap kami ng malaki at mahabang gate ng mansyon. May dalawang guard sa labas ng gate at talagang straight ang pagkakatayo. May mga hawak pa ang mga itong baril dahilan para mas lalo akong kabahan.

“Kapag tayo binaril ng mga 'yan dahil sa—”

“Shush!” He placed his finger on the middle of my lips to shush me. “This is really mine. Tara sa loob.” He held my hand as he pulled me close to the gate of the mansion.

“Ayoko! Prove to me first na sa'yo nga 'to!” Panghahamon ko sa kanya.

Hindi ko kasi maiwasang magduda. I mean... Nakatira siya dati sa apartment,tapos bigla bigla nalang siyang magkakaroon ng mansyon?! Seriously?! Ano 'to pelikula?

“Fine...” Bagot siyang lumapit sa gate at kinausap ang dalawang guard. Nagtawanan naman ang tatlo at mukhang ako pa ata ang pinagtatawanan dahil sa akin nakatingin.

“Pasok ho kayo maam!” Sabay na sabi ng dalawang gwardiya at pinagbuksan ang gate.

“Naniniwala kana love?”

Halos mahulog ang panga ko nang mag-bow pa ang dalawang guard sa harap namin na para bang mga hari't reyna kami.

“Come on love...” Hinawakan niya ang aking kanang pulsuan bago ako marahan ta maingat na hinila papasok sa loob.

Ang mga paa ko'y hindi parin komportableng tumapak sa semento pagkapasok namin sa loob ng gate.

Pakiramdam ko'y pumasok ako sa isang maharlikang bahay! May malaki at malawak na harden pagkapasok mo ng gate. May iba't ibang halaman sa harden,pero karamihan ay mga rosas.

May mga naglilinyang gwardiya sa dinadaanan namin,at nag salute sign pa ang mga ito nang dumaan na kami sa pagitan nila.

Nang nasa harap na kami ng bahay, pakiramdam ko ay kakainin ata ako ng buhay ng bahay sa sobrang laki. Pinto palang parang natatakot na akong pumasok.

“Mas maganda sa loob love.” Aniya at pinagbuksan naman kami ng pinto ng dalawa ulit na gwardiya.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob,mas lalong nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. Punong puno ng magagandang mwebles ang paligid. Ang ang kanilang sala ay pinaghalong sala at kusina palang namin. Paano pa kaya ang buong bahay?!

“P-parang nakakahiya namang... a-apakan ang tiles dito sa sobrang linis...” Pagbibiro ko pa.

Wala akong ibang masabi kundi ang ganda! Sa tanang buhay ko,ito na ang pinakamagandang bahay na nakita ko ng personal!

“Señorito may kailangan po ba kayo?” Tanong ng isang babae na siguro'y nasa fourties na ang edad kay Nathan.

Bumaling ng tingin sa akin si Nathan. “Do you want something love?” Tanong niya.

“A-ah... Ano... T-tubig nalang po.. Salamat.” Utal utal kong sagot.

Halos hindi ako makahinga dahil sa mga nangyayari,lalo pa nang tumango ang babae at pumuntang kusina.

“Upo tayo love. Marami akong iki-kwento sa'yo!” Aniya at iginiya ako paupo. Sumunod naman kaagad ako dahil parang hindi na din kakayanin ng mga paa ko ang tumayo dahil kanina pa ito nanginginig at gustong bumagsak.

“S-sayo talaga 't-to?” Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Tumango naman ito at mukhang natatawa pa sa gulat at 'di makapaniwalang itsura ko.

“Ganito kasi 'yon love,kahapon habang nasa apartment ako,papunta na sana akong trabaho pero hindi natuloy kasi pumunta doon si Aunty Anastasia at may kasama siyang lalaki. Sabi niya abogado daw 'yon nila mommy at daddy.

“Syempre dahil mabait ako,pinaupo ko naman kasi syempre bisita e.”

Inirapan ko naman siya dahil sa pagiging mahangin niya.

“At sabi nong abogado,matagal na daw niya akong hinahanap. Tapos sabi niya,mabuti nalang daw at nagkita sila ni Aunty Anastasia kaya tinuro ni Aunty kung nasan ako.

“Tapos ayon. Binasa nong Attorney ang last willing testament nila mommy para sa'kin. At dahil daw nag twenty one na ako,akin na akin na daw ang lahat ng ari-ariang iniwan nila mommy at daddy para sa'kin.”

Naikunot ko ang aking noo. “Eh ede kinamkam ng uncle mo 'yong pera ng mga magulang mo? Buti may natira pa?” Taka kong tanong.

Tumawa naman siya bago umakbay sa'kin. Napabaling ako sa basong inilapag ng babae kanina.

“'Yon lang po ba ang kailangan niyo señorito?” tanong niya.

“Opo manang. Salamat po.”

Tumango naman si ‘manang’ at saka ini-excuse ang sarili niya bago pumunta ulit ng kusina. Sinilip ko pa ang kusina nila.

“Akala ko din nong una wala akong makukuha kasi sa pagkakaalam ko, lahat ng pera nila mommy pinapang sugal ni uncle. Pero sabi ni Attorney, matalino daw sila mommy,kasi napakiramdaman daw kasi nila mommy at daddy na parang may mali sa kapatid ni daddy. Kaya tinago daw nila lahat ng pera nila sa bangko ng United States,at tanging silang tatlo lang daw ang may alam na may tinatago silang pera doon.

“Yung pera daw na nasa bangko ng Pilipinas,sinadiya daw nila 'yon para hindi masyadong maghinala si uncle kung sakali mang may balak siyang magnakaw ng pera. Nalaman daw kasi nila mommy na talagang hindi mapagkakatiwalaan si uncle,kasi siya daw pala ang nagnanakaw ng pondo ng hospital na pagmamay-ari nila mommy.

“Tapos ayun. 'Yong pera palang nakuha ni uncle,nagkakahalaga daw 'yon ng five million pesos. Ang 'di daw alam ni uncle,may perang nakatago sila mommy sa bangko,kaya daw nakampante siya nakuha na niya lahat sabi ni Aunty.”

Parang sasabog ang utak ko dahil sa pinagsasasabi niya. Muli akong sumimsim ng tubig dahil pakiramdam ko ay natutuyo ata ang lalamunan ko.

“T-tapos? I-ilan daw ang makukuha mo? I'm just curious okey! Hindi ako mukhang pera.” Inunahan ko na siya, baka kasi kung anong isipin niya.

He lightly chuckled as I felt his lips on my forehead. “I know that love.” Aniya.

“So ilan nga?!” Frustrated kong tanong. Excited kasi akong malaman!

Muli siyang tumawa bago sumagot. “Ang makukuha kong pera ay nagkakahalagang sampung bilyong piso at hindi pa kasali do'n ang mga ari-arian nila mommy gaya ng mga resort,beaches,mga restaurant,mga hospi— love? Love are you okey? Love?...”

Nanlalabo ang paningin ko at ang pandinig ko.

“Love? Damn it!”

And all went black.

❦︎

AN:Wag masyadong advance mag judge kung bakit ganoon kalaki ang mamanahin niya. Hayaan niyong mag explain ako sa next chapter haha😂

Against A Cruel World (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon