"LOLA," pagpasok ko sa loob ng bahay ay si lola agad ang bumungad sa'kin. Nakaharap ito sa aming flat screened TV habang nakaupo sa kaniyang paboritong butaka, katabi ng isa pa na siya namang dating upuan ng yumao kong lolo.
Ipinatong ko sa isang tabi ang inumin kong milktea bago lumapit kay lola. Tiyak na magagalit kasi ito sa'kin kapag nakita na naman niya akong umiinom n'on at papangaralan na hindi 'yon maganda sa katawan. Kesyo nakakamatay at nakakaikli raw ng buhay ang lagi kong pag-inom n'on at mas mabuti pang tubig lang daw ang dapat kong iniinom. Palibhasa kasi ay walang milktea sa pakanahunan nila kaya nagt-tiyaga lang sila sa paginom ng tubig kapag nauuhaw.
Nang makalapit ako kay lola ay pansin kong mahimbing itong natutulog habang yakap ang isang old photo album nila ni lolo. Napailing nalang ako. Kaya tumataas ang bill namin sa kuryente dahil lagi niyang natutulugan at naiiwang bukas ang TV, eh.
"Si lola talaga." Sabi ko 'tsaka hinanap ang remote. Nang mahanap ko iyon at itinutok sa TV ay saglit akong napatigil. Kasalukuyan kasing pinapalabas sa isang news ang pagbibigay karalangan ng presidente sa mga babaeng sundalo at pulis na rumisponde sa isang gyera na nangyari sa Mindanao nitong nakaraang linggo lang. Dahil sa kanilang katapatan at katapangan ay natulungan nitong puksain ang grupo ng isa sa mga kinakatakutang rebelde na ilang buwan nang minamanmanan ng gobyerno.
"Tsk. Women are not meant for those brutal things. They shouldn't be wearing those boring and unattractive uniforms."
Pinindot ko na ang off button at itinapon sa sofa 'yong remote. Ewan ko ba pero bigla akong nainis. It doesn't suit them at all. Hindi ko gusto 'yong mga nakita ko. Hindi naman sa hindi ko talaga gusto. It's just that I don't agree with the idea of women could fight on wars. Hindi 'yon nararapat at nababagay sa'ming mga babae. Besides, they shouldn't be granted the rights to become trained combat soldiers in the Philippine military, in the first place. Dahil hindi doon lumalabas ang tunay na ganda at kahalagahan namin dito sa lipunan. And to tell them honestly, they would never going to have the chance to showcase they beauties if they commit themselves in holding those deadly guns. Instead, they should be focusing more on being the true faces of beauty in our country.
I know, some could seen it as a passion but there are people who only wants recognition. Kahit sino sa kanilang mga sundalo. They just wanted pride for their own sake at 'yong iba nga ay nakakalimutan na nila ang kanilang ipinangakong tungkulin sa bayan.
"Louisa, apo. Bakit ka lang nakatayo riyan?" Agad akong napalingon kay lola. Gising na pala ito at nakatingin na sa'kin. Hawak parin niya ang lumang photo album ni lolo.
"Gusto ko lang po iparada ang aking katawan sa harapan mo lola," wika ko sabay rampa sa harapan niya. Pero nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni lola at bahagyang sumimangot.
"Ano iyang suot mo? Ganiyan ka ba lumabas kanina?" Tanong ni lola kaya agad naman akong napatingin sa sarili. Bakit? May mali ba sa suot ko?
"Hindi ko gusto ang paraan ng iyong pananamit, apo. Masyadong litaw ang iyong balikat, maski na ang iyong tiyan at hita. Hindi 'yan maganda para sa isang dalagang Pilipinang tulad mo." Mahabang litanya ni lola. Napabuntong hininga nalang ako. 'Eto na naman tayo at pinapangaralan kung paano dapat manamit ang mga kagaya ko, chu chu blah blah.
"Si lola, parang hindi na kayo nasanay sa'kin." Sagot ko at saka pinanood ang aking repleksyon sa isang antigong salamit mula sa isang aparador na mukhang namana pa ni lola sa kaniyang mga magulang.
Ano bang mali sa suot kong puting off-shoulder na crop top with sleeves na hanggang siko at isang pulang skirt na above the knee-length? Sa katunayan nga ay bumagay ito sa akin dahil na rin sa sinamahan ko ito ng shades na nakapatong sa aking ulo at isang puting flat sandals na may 1 inch ang taas. Sa mga ganitong paraan ko nga naie-express ang sarili ko at para masigurong ma-maintain ko 'yong title na pinapahalagahan ko ng sobra. Si lola naman kasi ay laging ikinukumpara ang panahon namin ngayon sa panahon nila. Ang gusto niya ay gumaya ako kung paano sila mamuhay noon. Eh ayoko nga. It's too lousy and boring 'no.
BINABASA MO ANG
The Sassy Katipunera
Historical FictionPlaced at top most beautiful faces and being the sassy chic in town, Bella Louisa Rodriguez is obsessed to try being one herself in order to keep her title and maintain her classy and majestic image in public. From hundreds to thousands of likes an...