KABANATA 6
TAHIMIK lang akong nakamasid sa paligid habang nakaupo sa isa sa mga upuan na nakapwesto sa gitna ng silid. Kung hindi ako nagkakamali ay katumbas ito ng greeting area sa mga modernong opisina kung saan mag-uusap at iinom ng tsaa o kape ang CEO at ang kanyang bisita. Lumapat naman ang mga paningin ko sa lamesang nasa harapan ko kung saan may nakapatong na kahoy na mangkok at naglalaman iyon ng mga mansanas. Malalaki at pulang-pula ang mga kulay niyon at sa hitsura palang ay masasabi mong matatamis 'yon.
Saglit akong lumingon sa dalawang gwardiyang nakabantay sa may pintuan. Diretso lang mga tingin nila sa harap. Sunod ko namang nilingon ang heneral na abala sa pagtitingin sa mga dangkal dangkal na papeles na animo'y parang may hinahanap. Muli akong lumingon sa mangkok ng mansanas. Gusto kong kumuha no'n dahil hindi ko na matiis ang gutom ko. Simula kaninang umaga bago kami mahuli ay hindi pa ako kumakain at inabot na ako ng hapon ay wala paring laman ang tiyan ko hanggang ngayon. Balak ko nga sanang magrequest ng kahit meryenda lang sa heneral subalit parang wala man lang itong pakialam sa paligid. Ni hindi man lang niya ako tanungin kung nagugutom na ba ako dahil gano'n naman talaga dapat ang ginagawa sa mga bisita, hindi ba? Aalukin mo sila ng makakain at paghahandaan.
Ilang beses nagbukas sara ang mga palad ko na nakapatong sa aking kandungan. Kahit nagdadalawang isip ay dali dali akong dumambot ng mansanas sa mangkok at mabilis na itinago sa bulsa ng paldang suot ko. Kasabay naman n'on ay ang malakas ng pagbagsak ng isang bagay sa kung saan kaya halos mapaigtad ako sa gulat. Paglingon ko ay nakita ko ang hineral na ngayo'y may hawak nang kapiraso ng mga dokumento na mukhang nanggaling sa bungkos ng mga papeles na nagkalat sa ibabaw ng mesa niya.
Tumayo ito at saka nagumpisang humakbang palapit sa akin habang hawak ang kahina-hinalang papel na iyon. Nang tuluyan siyang makalapit ay padabog nitong ibinagsak ang papel na iyon sa lamesang kahoy, katabi ng magkok ng mansanas na ngayo'y may bawas na.
Napatikhim ako at saglit na sinilip at inusisa ang papel na iyon gamit ang mga mata ko. Luma na iyon at may nakaipit na isang litrato.
"Bakit 'yan?" Tanong ko. Subalit sinigawan ako ng isa sa mga sundalong nakabantay.
"Matuto kang gumalang sa aming heneral!" Sigaw nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh di sorry!" Sigaw ko pabalik. Akma nito akong susugurin pero natigil din siya nang bahagyang iangat ng heneral ang kanyang isang kamay sa ere, senyales na tumigil ito.
"Ano ho bang meron, heneral at bakit niyo ako dinala rito?" Wika ko at sinadyang ipahalata sa mga ang pagiging sarkastiko sa bawat salita ko na dahilan kung bakit mas lalong sumama ang tingin sa'kin ng sundalong naudlot sa pagsugod sa akin. Mukha siyang angry bird.
Umupo ang heneral sa katapat kong upuan. Dumekwatro ito ng upo na kagaya sa mga babae at taas noong tumingin sa akin. Maski sa kanyang pag-upo ay masasabi mong disiplinado ang kanyang bawat kilos at anggulo.
"Nakikilala mo ba ang taong iyan?" Tanong niya sa'kin sabay turo sa litrato. Kaya muli kong tinitigan ang litratong tinunutukoy niya.
Naningkit ang mga mata ko. Litrato iyon ng isang matandang heneral, kasama ang isa pang matanda na nakasuot ng subrerong kagaya ng mga nasa sinaunang panahon at nakadamit ng itim na coat at tuxedo. Medyo kupas na ang litratong iyon subalit maaninag mo parin ang mukha ng mga taong nasa litrato.
Inabot ko iyon at muling pinakatitigan. "Alin dito?" Curious na tanong ko.
"'Yung taong katabi ng heneral." Sagot niya.
Tinitigan ko ang matandang tinutukoy niya. Pilit kong inalala kung sino at kung nakikilala ko ba ang taong 'yun ngunit wala akong mahanap na sagot sa utak ko.
BINABASA MO ANG
The Sassy Katipunera
Historical FictionPlaced at top most beautiful faces and being the sassy chic in town, Bella Louisa Rodriguez is obsessed to try being one herself in order to keep her title and maintain her classy and majestic image in public. From hundreds to thousands of likes an...