ISANG malakas na pagsabog ang namayani sa lugar. Nakuha iyon ang attention ng mga sundalo dahil sa may kampo ng mga sundalo 'yon nagmula. Kaniya kaniya sila ng takbo papunta doon upang tulungan pa ang mga kasamahan. Naramdaman ko naman na nagsimula ng magsitakbuhan ang mga taong mukhang sibilyan dahil hindi sila nakadamit ng uniporme gaya ng mga sundalo. Hawak hawak ang kanilang itak na armas ay tulong tulong sila sa pagbubuhat ng mga kasamahang nasugatan.
Dahil hindi ko alam ang gagawin ko at kung saan ako magtatago ay nagsimula akong tumakbo at sumunod nalang sa mga taong sibilyan. Hindi rin naman nila ako napapansin dahil abala sila sa pagtulong at pagtakas kaya madali akong humalo sa kanila.
Gamit ang nag-iisa kong suot na sapin sa paa ay paika-ika akong tumakbo. Pero hindi 'yon naging madali at alam kong maaabutan ako ng mga sundalong kasama ni Lucas kaya tinanggal ko nalang ang suot kong 'yon at niyakap. Magsosorry nalang ako kay ate Naz kapag nahanap ko siya at ieexplain ko nalang kung pa'no ko 'yon nawala at nasira. Kasama kasi 'yon ng damit na pinahiram sa'kin at tiyak na kapag nasira mo ay pababayaran sa'yo.
Habang abala ako sa pagtakbo ay naramdam ko na may isang kamay ang humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ang isang binata na humablot sa'kin at inalalayan sa pagtakbo. Alam kong isa rin siya sa mga sibilyan dahil sa damit nitong isang simpleng puting kamisa de chino at isang itim na pantalon na medyo kupas na. Hindi naman ito umiimik at tahimik lang kaming sumunod sa mga kasamahan niya.
Medyo malayo na kami mula sa mansion na pinanggalingan ko, 'yong museo na pagmamay-ari ni Mr. Soriano. At alam kong hindi na kami mapapansin ng mga sundalo kaya sinubukan kong lumingon upang muling hanapin si Lucas. Dahil hindi parin ako makapaniwala na nakita ko siya at parang ibang-iba siya sa Lucas na nakilala ko. Sundalo pala siya? At parang siya pa 'yong lider ng mga sundalo na handang lumusob pumatay ng mga sibilyan. Akala ko ba ay isa na siyang successful architect? Bakit mali-mali ang information na ibinibigay sa'kin ni Hiraya? Siraulo talaga 'yong babaeng 'yon!
Nakita ko si Lucas, nakatayo siya mula sa malayo at aligaga sa pagtulong ng mga sugatang sundalo. Nakita ko rin ang isang sundalo na lumabas mula sa mansion. Lumapit ito kay Lucas at ibinigay ang isang... sandal? Nanlaki ang mga mata ko dahil pamilyar ang sandal na 'yon. Dahil 'yon 'yong suot-suot kong pares ng sandal ko kanina na naiwan ko sa loob ng mansion. May sinasabi sa kaniya ang sundalo na tango lang naman ang isinagot ni Lucas. Pagkatapos ay sumaludo tapos umalis na. Napalunok naman ako nang bigla itong tumingin sa'kin kaya mas lalo akong nataranta at ako na mismo ang kumaladkad sa lalaking tumulong sa'kin. Hindi ko alam pero parang may mali kay Lucas. Ibang-iba talaga sa monggoloid na kapatid ni Hiraya na nakilala ko.
PASIMPLE akong lumingon lingon sa paligid ko. Nasa isang maliit na bahay kubo ako ngayon na walang ibang kagamitan kun'di mga iilang upuan at mesa at isang malaking baul. At kung susuriing mabuti ay parang isa itong maliit at simpleng opisina ng mga sinaunang tao, kung saan madalas mag tipon ang grupo ng mga tulisan, gaya ng mga rebeldeng napapanood ko sa TV.
Muli akong napatingin sa mga kamay kong nakagapos. Mahigpit ang pagkakatali no'n mula sa upuan kaya masakit kapag pinipilit kong igalaw. Para tuloy akong isang kriminal na handa ng pahirapan dahil sa kalagayan ko. Muli ko namang naalala ang mga nangyari kanina. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. Pumasok lang ako saglit sa mansyon at pagkatapos ay biglang nagkagulo sa labas na akala ko noong una ay simpleng sunog lang. Pati 'yong mga kasama ko ay hindi ko na rin mahanap at tanging si Lucas na lang ang nakita ko. Marahil ay kaniya-kaniya din sila ng takbo at tago, at tanging ako na lang ang nalayo sa kanila. Nagulat nalang din ako kanina nang bigla akong igapos ng lalaking tumulong sa'kin. Bago niyan ay pumasok kami sa isang masukal na gubat na sa tingin ko'y ngayon ko lang nakita sa lugar namin at hindi ko rin aakalain na mayroon din palang ibang mga mamamayan ang naninirahan do'n. At pagkatapos ay walang sabi-sabi'y basta na lang niya akong ipinasok dito sa maliit na barong-barong at pagkatapos ay iniwang mag-isa. Gusto ko pa siyang tanungin kanina kung ano ba talagang nangyayari at kung bakit niya ako iginapos pero parang wala lang ako sa kaniya. Mukhang bingi 'yong lalaki dahil parang hindi niya ako naririnig.
BINABASA MO ANG
The Sassy Katipunera
Ficción históricaPlaced at top most beautiful faces and being the sassy chic in town, Bella Louisa Rodriguez is obsessed to try being one herself in order to keep her title and maintain her classy and majestic image in public. From hundreds to thousands of likes an...